Chapter 6: with you (motel)

35 13 0
                                    

"Wala tayong magagawa kundi pagsaluhan ang isang maliit na kama." 

-Babby Alfonse

******



06. with you (motel)

Ilang minuto lang ay bumuhos na ang isang malakas na ulan. Medyo mahihirapan akong mag-drive dahil hindi ko masyadong makita ang daan.

Si Patricia ay nakatulog na. Yung ginaw na dulot ng ulan ay pumapasok sa loob ng kotse kaya pinatay ko ang aircon. Hinubad ko ang aking suot na leather jacket at inilagay sa dibdib ni Patricia, para iwas ginaw.

Malaki ang lugar at konti lang ang mga bahay na aming nadadaanan. Yung poste naman ng ilaw ay halos ang lalayo ng agwat. Parang nasa road of nex mexico kami.

Nang nasa kalagitnaan na kami na halos wala ng ilaw ang aming nakikita ay nakaramdam na ako ng takot.

At sa hindi inaasahang pangyayari ay may nangyari ngang hindi ko inaasahan! Biglang huminto ang sasakyan namin sa gitna ng dilim.

Umiilaw yung icon ng fuel na nagsasabing ubos na. Fuck! Ano gagawin ko!

Pinunasan ko muna ang harapang salamin dahil nasasapawan na ito ng umog. Nang may nakita na ako ay may isang ilaw na aking nakita. Kung hindi ako nagkakamali ay isa itong motel? Kung motel nga iyan ay posibleng may gas station diyan. Okay kaya ko ito!

Dahil hindi masyadong kalakihan ang kotse ni Patricia ay kaya ko itong itulak papunta sa motel.

Lumabas ako sa kotse at hindi na ginising si Patricia. Nasa gilid ako ng manobila habang dahan-dahang tinutulak ang kotse. Fuck!! Nahihirapan akong itulak ito dahil medyo hindi kumakapit ang gulong sa daan dahil sa ulan. Pero alangan naman pabayaan ko si Patricia dito.

Tinulak ko ang kotse kahit na tinutulak parin ito pabalik ng hangin at ulan. Wala paring kamalay-malay ang bruha kung ano ang nangyari sa kanyang kotse.

Halos mag-iisang oras ko nang tinutulak ang kotse at nangangalahati pako sa daan. Nakaramdam narin ako ng pagod at ginaw samantalang ang ulan ay mukhang walang balak huminto.


******


Mahigit isang oras at kalahati ang aking ginugol para lang makarating sa motel. At salamat naman, may gasoline station nga. Dahil self service lang ang gas station ay ako na ang naglagay ng gasolina sa kotse.

"Hmmm... nasa bahay na ba tayo?"
Nagising na si bruha sabay punas ng kanyang mga mata. Tumingin-tingin ito sa labas at nang makita niya ang sign board na "MOTEL" ay sumigaw ito. "UNGGOY! ANONG PINAPLANO MO! BA'T NASA MOTEL TAYO!!"

Para siyang baliw, sigaw ng sigaw. Kung may nakakarinig man sa amin ngayon, aakalain talaga nilang kinidnap ko siya.

Pagkatapos kong ma re-fill ang gas tank ay binalik ko ito sa lalagyan at nagtungo sa kabilang upuan kung saan nakaupo si bruha.

Kinatok ko ang window kaya binuksan naman niya agad ito.

"Bumaba kana diyan," Ani ko sa kanya na umatras naman siya.

"Hell no! Sabi ko na nga ba may gagawin kang masama sakin! Tulong! Tulong! Maawa ka sa akin unggoy!"

Napabuntong hininga na lang ako. I don't have much time to explain, giniginaw na ako.

Anata No Ai (EDITING)Where stories live. Discover now