Chapter 12

878 10 5
                                    

This chapter is dedicated to you, jammersnblues. :) Thank you ng marami!

Chapter 12




Ilang segundo na kaming nagtitinginan ni Louie pero hanggang ngayon hindi pa rin ako nagsasalita. Bumibilis na ang paghinga ko. Anong sasabihin ko?! At saka hindi naman siya nagtatanong eh. Sinabi lang niya yung wish niya. At remember, walang tanong, walang sagot!

Ugh, Mira! Ano bang pinag-iiisip mo! Say something!

"Uhm.." Uhm? Anong uhm?

Hindi inaalis ni Louie ang tingin niya sakin. Alam kong hinihintay niya ang sagot ko.

At bakit nga ba ko nahihirapan e natanong niya na sakin to? Goodness! Napakamemorable ng araw na nagpropose sakin noon si Louie. It was under the moonlight, at kilig na kilig pa nga ako noon. Walang patumpik-tumpik akong sumagot ng oo dahil sa saya.

Pero iba kasi yung ngayon. Wala na kami sa mundo namin noon. Iba dito at sa palasyo. Doon kahit 15 ka pwede kang ipakasal pero iba dito sa Earth. I'm just 23!

"Louie.."

Nakatitig pa rin siya sakin, hanggang hindi nagtagal, he half-smiled. He brushed our noses likd he always does. "Hindi mo kailangang sagutin kung hindi ka handa."

"Pero.."

Tumayo na siya at inabot ang kamay ko. "Tara na?"

Malungkot kong inabot ang kamay ni Louie. Alam kong nadisappoint siya pero di niya lang pinapakita. Umuwi kaming parang walang nangyari.

Pagdating sa bahay, inalok ko si Louie na kumain ulit pero sinabi niyang hindi daw siya nagugutom na. Hinalikan niya naman ang pisngi ko bago siya umakyat sa kwarto niya. Nalungkot talaga ko. Paikut-ikot ako sa kama at di ako makatulog. Naiisip ko yung disappointment sa mukha ni Louie kanina. Parang hindi ko kayang makita ulit yun kahit kailan. Gusto ko kasi lagi siyang masaya tulad ng kagustuhan niya din para sakin. Naninikip ang dibdib ko pag naiisip ko siya.

Hindi na rin ako nakatiis, kaya sinubukan ko nang kumatok sa pintuan ng kwarto niya. Nakailang katok ako pero walang sumasagot kaya binuksan ko na. Wala si Louie sa loob ng kwarto. Mas lalong nanikip dibdib ko. Siguro lumabas siya, kaya bumaba ako para pumunta sa labas ng bahay. At di naman ako nagkamali dahil nakaupo siya doon sa may upuan sa maliit na garden namin sa bakuran. Katulad kanina, nakatingin pa rin siya sa langit  na parang may malalim na iniisip.

At alam ko kung anong iniisip niya. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. "Louie."

Napatingin naman agad siya sakin at nabigla na nasa harap niya ko. "Mira? Bakit di ka pa natutulog?"

Umiling ako at ngumiti ng kaunti. Lumapit na ko ng tuluyan sa kanya at umupo sa lap niya tulad ng gawain ko madalas noon pag pagod siya at gusto ko siyang lambingin. Niyakap ko ang baywang niya at siniksik ang ulo ko sa leeg niya. Naramdaman ko ang malalim na paghinga niya. Niyakap niya din ako, at hinalikan ang tuktok ng ulo ko. I felt warmth.

And this time, sasabihin ko ang sagot ko sa tanong niya kanina. At alam kong ang sagot ko ay magpapasaya sa aming pareho. Kinailangan ko lang talaga ng oras para makapag-isip ng maayos.

"Tanungin mo ulit ako."

"Ha?"

Hinarap ko siya at ngumiti ako sa kanya. "Ang sabi ko, tanungin mo ulit ako."

Namilog ang mga mata niya. Nagets niya din ang sinabi ko. "P-Prinsesa.."Tumango ako. "Magpapa- Magpapakasal ka sakin?"

Tumango akong nakangiti. "Oo."

The Prince And IWhere stories live. Discover now