Chapter 13

860 12 3
                                    

Chapter 13

Day 31 of 100

Nagising akong may ngiti sa labi at nakayakap sa akin ang asawa ko. Asawa. Ang sarap namang pakinggan. Ang sarap sabihin. Mamula-mula na lang ako nang naalala ko ang nangyari kagabi. Humarap ako kay Louie para mapagmasdan siyang matulog. Parang inosente talaga siya pag tulog. Nakakatuwang tingnan. Isipin ko pa lang na araw-araw na ganito ang aabutan ko sa umaga, may iba na kong sayang nararamdaman.

Ayoko pa sanang tumayo pero alam kong kailangan ko nang maghanda ng agahan naming dahil late na din. Gutumin pa naman tong si Louie pag gumigising.

Unti-unti akong kumalas sa yakap niya at nag-ayos na ng sarili. Mamaya ko na siya gigisingin pag nakaluto na ko. Bumaba ako sa kusina para maghanda. Hotdogs, eggs and bacon ang mayroon sa fridge kaya iyun na lang ang niluto ko.

Naghahanda pa lang ako sa dinner table pagkaluto ko, nang bumaba na si Louie. Mabuti naman at hindi ko na siya kailangang gisingin. Nakangiti siyang lumapit sakin. Gulu-gulo pa ang buhok niya pero hindi mo pa rin maitatangging napakagwapo niya pa rin. Kahit yata anong ayos niya bagay sa kanya. Hinalikan niya agad ako sa pisngi pagdating niya sa pwesto ko.

“Magandang umaga.”Bati niya sakin. Ang ganda nga talaga ng umaga. I wish all of my mornings would be like this.

Yumakap ako sa baywang niya habang nakakatingin sa kanya at ginantihan ko din siya ng halik sa pisngi. “Magandang umaga rin. Kamusta tulog mo?”

Biglang lumungkot ang mga mata niya.  Napakunot naman agad ang noo ko. “O bakit ganyan reaksyon mo ha?”

“Akala ko kasi magigising akong katabi ko ang asawa ko.”

Natawa ako ng bahagya sa sinabi niya. “E pinaghanda kasi kita ng makakain. Pag naman hinintay kita, pareho tayong magugutom.”

Napangiti naman siya bigla. Niyakap niya ko. “Sarap naman ng may asawa.”

“Aba talaga. Lalo na at ako ang napangasawa mo.” Natawa kami pareho. Hinarap ko na siya at ngiting-ngiti si Louie. “Kumain na tayo. Mamamasyal pa tayo mamaya. Ang ganda ng sikat ng araw. Tamang-tama, ang saya magsun bathing.” Tuwang-tuwa naman ako sa idea na yun. Di ko na maalala kung kailan ako huling nakapunta ng beach.

Kumunot naman ang noo ni Louie. “A-ano? S-san b- Ha?”

Saka ko lang naisip kung bakit siya nagkaganun. Natawa na naman ako sa kanya. Lagi ko na lang kasi nakakalimutan. “Sun bathing. Basta mamaya!”

Tumango na lang siya at hindi na nagtanong pa. Hinila na niya ko para maupo at sinubuan pa ko habang kumakain. Feeling prinsesa ko kay Louie.

“Bakit ganyan ang suot mo?” Pasigaw na sabi sakin ni Louie nang maabutan ako sa may tabing dagat. Nauna na kasi ako sa kanya kasi ang tagal niya maligo.

“E ganito talaga. Kailangan ganito pag nagsasun bathing.” Pumikit na ulit ako habang nakahiga. Ang sarap kasi ng pagkakahiga ko. Kahit sikat na sikat ang araw, presko ang hangin.

Nagulat ako nang may biglang ipinatong na kung ano sa dibdib ko. Napamulat agad ang mga mata ko. May tshirt nang nakatakip sa dibdib ko! Napatingin ako kay Louie na nakakunot ang noo at pulang-pula. Napansin ko ding pinagtitinginan kami. Grabe. Eksena kung eksena.

“Louie!”

Pulang-pula talaga siya sa galit. Ngayon ko lang din napansin na dahil wala siyang tshirt, wala na siyang pantaas. Kita tuloy ang mga.. Alam na! This time ako naman ang namula. Ngayon ko lang siya nakitang ganun in public. Syempre iba yung kagabi. Sa amin lang yun. Pero yung ngayon, pinagtitinginan na siya ng maraming tao. Kulang na lang ngumanga tong mga malapit samin dahil sa ganda ng katawan ni Louie. Di naman uso ang pagwowork-out sa palasyo pero bakit ganun?

The Prince And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon