Chapter 22

692 9 1
                                    

Chapter 22

"Ikakasal na siya."

Paulit-ulit sa utak ko ang sinabi ng nanay ni Nadia. Parang akong napako sa kinatatayuan ko. Hindi pwede.. Louie. Hindi ka pwedeng magpakasal. Hindi maaari.

"Hindi nga po, Nay? Baka sabi-sabi lang yan ha." Hindi mapakaling sabi ni Nadia. Ramdam kong nag-aalala siya para sakin at patingin-tingin sa kinatatayuan ko, pero nakatingin lang ako sa kawalan. Walang lumalabas sa bibig kong kahit ano.

"Oo anak. Para maniwala ka, gusto mo sumama kayo sakin bukas sa bayan, at ihatid na rin natin si Mira sa kanila para sigurado tayong maayos siyang makakauwi. Pupunta daw doon ang prinsipe bukas ng umaga. May patimpalak at imbitado ang prinsipe."

Napatingin ako kay Nadia. Bakas pa rin ang pag-aalala sa mukha niya. Tumango ako. Kailangan ko nang makausap ang asawa ko. Kailangan niyang malaman na nandito ako at sinundan ko siya.

****

Itinabi ako ni Nadia sa pagtulog. Kanina pang himbing na himbing ang pagtulog niya, samantalang paikut-ikot lang ako sa kama. Buti hindi ko siya nagigising. Hindi ako dalawin ng antok dahil hindi mawala sa isip ko ang balitang ikakasal na si Louie.

Nang wala na kong pag-asang makatulog, naisipan kong lumabas at magpahangin. Kahit na hindi na umuulan, malamig pa rin sa labas

Naglakad-lakad ako ng kaunti, hanggang sa nakita ko sa malayo ang palasyo. Tanaw pala iyon hanggang dito. Napangiti ako. Naalala ko ang mga panahong naglalaro kami ni Ella sa mga pasilyo, at lagi kaming napapagalitan. Naalala ko ang pagbabasa sakin ng libro ng yumao kong ama habang nakaupo kami sa gitna ng malaki naming hardin, habang nagbuburda si Mama, ang dating reyna.

At si Louie.

Napakadaming magandang alaala ang pinagsaluhan namin sa lugar na iyon. Buhay pa ang ama ko noon at siya pa ang hari. Samantalang ang ama naman ni Louie ang kanang-kamay niya. Kaya kami nagkakilala noon ni Louie ay dahil sa lagi siyang isinasama ng ama niya sa palasyo.

Napangiti ako, pero nangilid din ang luha ko, habang inaalala ang mga pinagsamahan namin noon. Naalala ko, hindi naman kami nag-uusap dati. Simpleng tanguan lang. Pero hindi ko itatanggi na matagal na akong may gusto sa kanya. Syempre, bilang babae ako at prinsesa, feeling ko nun, hindi yata bagay na aamin ako sa kanya. At isa pa, kung kani-kanino na din ako ipinapakilala ng hari at reyna. Pero ewan ko ba. Siya lang talaga ang nakikita ko. Iba siya sa lahat.

I remember the time when we first talked to each other. Hindi ko napigilang ngumiti.

***

Maggagabi na at hindi ko makita si Ella. Wala siya sa kwarto niya at maging sa hardin. Manunuod kami ng parada ng mga bulaklak sa bayan at nangako siyang itatakas niya ako sa palasyo. Magsisimula na sa loob ng ilang minuto ang parada kaya naman nagmadali ako sa paglalakad. Lakad-takbo na ang ginagawa ko sa paghahanap sa kanya. Naisip kong baka nasa aklatan siya kaya yun ang sunod kong pinuntahan.

Madaling-madali ako, at binuksan ko agad ang pintuan nang hindi kumakatok.

"Aray!"

Nabigla ako. May nasanggi ang pintuan pagbukas ko! Tiningnan ko agad, at nagulat akong makita si Louie na hinimas-himas ang noo niya.

"L-Louie.." Bumilis ang tibok ng puso ko. And that's because of two reasons: 1) Kinabahan ako, dahil baka magkabukol siya sa noo niya at kasalanan ko, at 2) Dahil ito ang unang beses na tinawag ko ang pangalan niya at unang beses na kausapin siya. Hanggang tingininan lang kasi kami.

Nakakunot ang noo niya habang nakapikit at hinimas-himas ang noo niya. Nakatingin lang ako sa kanya at hindi ako makapagsalita dahil sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Ano bang sasabihin ko sa kanya..

The Prince And IWhere stories live. Discover now