Chapter 18

678 7 1
                                    

Chapter 18

Ilang beses na ko kinakatok ni Mama pero di ako matinag. Nagkulong lang ako sa kwarto at umiyak. Halu-halo ang emosyon ko. Galit, pagod, sakit ng ulo, pag-aalala.. At nagawa kong lahat ilabas yun sa pamamagitan ng pag-iyak, kung hindi sasabog ako at baka mapagbuntungan ko si Mama.

T*&5!4*. Bakit naman ba kasi ang unfair niya? Tanggap ko naman na after 100 days iiwan na niya ko at maghihiwalay na kami eh. Pero etong hindi siya magpapaalam at iiwan niya ko sa ganitong sitwasyon? T*&5!4* lang.

Gusto kong kumalma. Gusto kong pilitin na wag maging ganito yung nararamdaman ko. Pero sa kada luha na tumutulo sa mata ko, naalala ko siya. Kaya naman lalo akong naluluha. Naiisip ko yung mga bagay na ginagawa niya para sakin.. Na nagpapasaya sakin. Pero wala na siya ngayon. Hindi ko na mararanasan yun ulit. Wala nang Louie na magpapasaya sa akin tulad dati. Tulad kanina..

Parang akong mamatay sa sakit na naipon sa dibdib ko. Hindi ko inakalang may mas sasakit pa pala sa pagkamatay ng ama ko at sa pagkamatay ni Ella. At eto yun.

“Anak! Buksan mo na to!” Sigaw ni Mama sa labas. Pero hindi ako umaalis sa pagkakahiga ko sa kama. Iyak lang ako ng iyak at hindi tumitigil ang luha ko. Hindi na ko makasagot. Hindi ako makapagsalita.

“Anak.. Mira..” Pakiramdam ko sinusukuan na ko ni Mama sa boses niya. Pero hindi pa din ako lumapit sa pintuan. Ayokong makita na naman niya akong ganito. Alam kong mas masakit kay Mama noon nang nakita niya ko sa ganitong sitwasyon nung namatay ang mahal na hari at si Ella. Kaya mas mabuti pang sarilinin ko na lang muna. Siguro bukas kaya ko na siyang harapin. Siguro.

“Mira!”

Natigil ako sa pag-iyak nang marinig ang boses na yun.

“Mira, buksan mo to.. Prinsesa..”

Louie? Napaupo na ko sa kama.

Biglang gumaan ang pakiramdam ko pero kahit na ganun, tulo pa din ng tulo ang luha ko. Ayaw na yata maubos.

“Mira.. Parang awa mo na. Buksan mo to. Patawad.. Mag-usap tayo.” Lungkot na lungkot ang klase ng pagsasalita niya, and as always, naapektuhan ako.  “Mira..”

Unti-unti akong lumapit sa pintuan para buksan iyon. Hindi ko na nakuhang punasan ang luha ko. Pagbukas ko ng pintuan, si Louie agad ang tumambad sakin. Alalang-alala ang reaksyon niya nang nakita ang itsura ko. “Mira..” Pumasok agad siya sa kwarto at sinara ang pintuan sa likod niya. Hinila niya ko palapit sa kanya at niyakap ako ng mahigpit. “Mira..”

“Louie..” Hindi ko na rin napigilan ang sarili kong yakapin siya. Parang lahat ng sakit na naramdaman ko kanina, nawala ngayong yakap ko na siya.

“Akala ko kung ano nang nangyari sayo.. Parang akong mababaliw kanina..”

Hindi ko siya maintindihan pero hindi na ko nagtanong. Nagyakapan kami for I don’t know how long. Feeling ko nga ayoko nang bumitaw sa yakap niya kung hindi lang siya ang unang bumitaw at humarap sakin. Hanggang ngayon nag-aalala pa rin ang itsura niya. Hinawakan niya ang parehong pisngi ko, and he kissed my tears away. I was crying, and at the same time, smiling.

Tumingin siya ng diretso sa mga mata ko. “Tahan na..”

Tumango ako. “Wag ka na kasing mawawala bigla.. Saka bakit ba di ka na bumalik? Alam mo naman kung paano umuwi diba? Akala ko tuloy di ka na uuwi. Na hindi ka na babalik sakin..”

Umiling siya at patuloy na pinupunasan ang luha kong tulo ng tulo. “May nangyaring di inaasahan.. Pero pwede bang bukas na lang natin to pag-usapan? Nakakakapagod ang mga nangyari. At gabing-gabi na. Mamahinga ka na muna. Tatabihan na kita matulog..”

Tumango na lang ulit ako. Tama siya. Nakakapagod nga ang araw na to. At isa pa, kailangan na ring magpahinga ni Louie. Kung ano man yung paliwanag yun, siguro naman kaya nung makapaghintay bukas. I can deal with that tomorrow. For now, it’s just me and my prince.

Pinahiga niya ko sa kama, at humiga na din siya sa tabi ko. Niyakap niya ko mula sa likuran at paulit-ulit na hinahalikan ang buhok ko..balikat..leeg.. Gumaan na ng tuluyan ang pakiramdam ko dahil sa ginagawa niya. What he did was giving me so much comfort, na alam kong walang makakapagbigay sakin kung hindi siya. Siya lang at wala nang iba.

I don’t know what I’d do without him. I don’t know what will happen to me after 10 days. Kung kakayanin ko.. Kung hahayaan ko ba siyang umalis.. Hindi ko alam.

But I just pushed the thought outside of my head. I just want to be with him right now, and make him feel how much I love him…

Tumalikod ako para harapin siya. “Mira..”

Pinilit kong ngumiti sa kanya at hinalikan ko ang pisngi niya. Napapikit siya sa ginawa ko. “Prinsesa.”

“Hmm?” I kissed his other cheek longer.

Naramdaman kong lalo niyang hinila ang baywang ko palapit sa kanya.

I looked at him, and saw love and desire in his eyes. He brushed his nose to mine, kaya di ko napigilang hindi ngumiti. “I love you.” He said, and kissed me.

And as always, whenever he kisses me, it always feels like the first time. And when we make love.. it is always passionate. He was always gentle with me, na mararamdaman ko talagang iniingatan niya ko. At kahit kailan hindi niya nakakalimutang sabihing mahal na mahal niya ko.

At kaya naman lalong lumalaki ang takot ko sa kada oras na lumilipas. Dahil in 10 days time, hindi ko na to ulit mararamdaman. Hindi ko na siya maalaala. And I don’t want that. I want to be with him for the rest of my life. Ayokong malayo sa kanya.

Hindi ko kakayanin.

- to be continued -

March 5, 2013

The Prince And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon