Chapter 16

896 11 3
                                    

Chapter 16

Day 37

"Saan ka pupunta anak?"

"Ahh, Ma, sa school po. Aayusin ko papers ko for enrollment."

"Ganun ba.. Sige mag-ingat ka. Kumain ka na ba?"

Hindi. Wala akong gana. Nagtatampo na naman kasi si Louie. Sumasama kasi sakin ngayon pero ayaw ko siyang payagan. Sandali lang naman kasi ako. "Opo Ma."

"Hindi ka pa kumakain Mira."

Napatingin ako bigla sa likuran. Seryoso ang mukha ni Louie na hindi naman makatingin man lang sakin. Nalungkot ako. Nagtatampo pa rin siya talaga. E ayaw ko lang naman kasi siyang payagan kasi kakagaling lang niya sa sakit. Ang init pa naman sa labas. Baka mapano siya. "Sa school na lang ako kakain."

"Pano kung samaan ka ng pakiramdam dun? Kumain ka muna bago umalis. Ipaghahanda kita." At saka siya tumalikod agad nang hindi ako tinitingnan. Napangiti ako. Am I forgiven? Nakikita ko ding natatawa si Mama.

"As usual anak, hindi ka kayang tiisin ng mahal na prinsipe." Natatawa niyang sabi.

Lumawak ang ngiti ko at sinundan ko na ang asawa ko sa kusina.

"Louie.."

Ihinanda na niya ang dinner table at nilagyan ng kanin at ulam ang plato ko. Natouch ako sa ginawa niya. Kanina lang nagtatampo siya sakin pero ngayon pinagsisilbihan niya pa ko. "Umupo ka na."

Tumango ako. Umupo na ko at umupo siya sa tabi ko. Natuwa ako na hindi niya ko iniwan sa hapagkainan. Siniko ko siya sa tagiliran. "Huy.. Sorry na."

"Kumain ka na muna." Siya mismo ang kumuha ng pagkain sa plato ko at akmang susubuan ako. Tuwang-tuwa talaga ako. Hinayaan ko namang subuan niya ko.

"Di ka na galit sakin?"

"Kailan ba naman ako nagalit sayo? Sadyang matigas lang talaga ang ulo mo."

"Ito naman. Kakagaling mo lang kasi sa sakit. Baka mamaya-"

"Ayos na ayos na naman ako eh. Pero di bale na. Kung ayaw mo kong makasama, ikaw ang masusunod. Dito na lang ako sa bahay at magbabasa."

Tampo pa rin ang prinsipe. "Louie naman. Wag ka nang ganyan sakin." Kumapit ako sa braso niya. Ayaw niya pa din akong tingnan. Napabuntung-hininga ako. "Sige na nga, sumama ka na. Pero sa kotse ka lang."

Napatingin naman siya agad sakin. "Talaga?"

"Oo. Wag kang lalabas. Sa kotse ka lang."

"Sige ba." Napangiti na siya.

As always, natalo na naman ako. Napakahina ko talaga kay Louie. "Hindi ka na tampo ha?"

Umiling sya. "Hindi na." Ngiting-ngiti siya. Kumuha ulit siya ng pagkain sa plato ko at sinubuan ako hanggang maubos ang pagkain.

Nalinlang na naman ako ng Louie!

---

"Dito ka lang. Wag kang lalabas."

"Prinsesa, pumayag ka na. Pangako tahimik lang ako mamaya. Hindi ako mag-iingay. Hindi kita kukulitin."

"Ikaw ha. Ang daya mo. Kanina nagkasundo na tayo tapos ngayon humihirit ka na naman."

"Sige na Mira. Ikaw naman, gusto lang naman kita makasama.." Iniwas na niya ang tingin niya sakin. Malungkot na ngayon. At syempre, matitiis ko ba yang ganyang itsura niya? Hindi.

"Hay naku Louie!" Inalis ko na ang seatbelt ko. "Oo na. Sige na labas na." Hindi ko na tiningnan ang reaksyon niya pero sigurado akong ngiting-ngiti siya sa sinabi ko.

The Prince And IWhere stories live. Discover now