Chapter Seven

275 7 0
                                    

Paakyat na ako sa condo ni Pj ngayon. Its been a year since sinagot ko siya. Yes time flies so fast. Madami na ang nangyari. Nagkakilala na ang parents namin. Nakapunta na rin kami ni PJ sa ibat ibang lugar. Nakanood na din ako ng live games niya.

Sobrang close na ko sa mga girlfriends and wives ng mga player. Close ko na din ang players and lalo ang fans.

Bubuksan ko na ang pinto niya...

"You looked surprised hon?"-he said.

"PJ ano nanaman to?"

Bakit labis kitang mahal
Yakap mo'y di ko malimutan
Bakit labis kitang mahal
Sumpa man, iniibig kita

Mula nang makilala ka, aking mahal
'di ako mapalagay
Sa kakaisip ko sa 'yo
Lagi na lang ikaw ang alaala ko
Kahit nasaan ka man
Larawan mo'y natatanaw

Tunog na pumapasok sa aking tenga. Awit na galing sa boses ng mahal ko.

"Hon alam mo yan mahilig ako sa surprises. And here it is.... Happy 1st year anniversary."

Then charan bumukas ang ilaw. Isang round table. Like the usual dates.

May wine, pagkain na steak specifically. May flowers.

Pinaupo niya ako then he also seated.

"Hon this is for you. Happy anniversary! I love you!"

"Pj diba sabi ko naman you dont need to buy such things. Okay nako sa pagmamahal mo."

"Mahal kita kaya gusto ko may effort ako for you"

"Happy anniversary satin Pj. Here is my gift for you."

"Kobe 11.... thank you Athena."

Habang kumakain. lumabas isa isa ang mga tao.

At tumugtog ang isang tunog. Sounds lang walang lyrics....

Lumabas si Cap. Alvin. Inabot niya sa akin ang rosas. Isinayaw ako sa himig ng tugtog.

"Happy anniversary sainyo. Sana mas tumagal pa kayo."- cap alvin said.

Isa isa ng sumunod ang players.

Dumating na din ang speech. Pero ang napili nilang magsalita ay ang mama ko.

"Good evening sa lahat ng nandito ngayon sa kwarto ni PJ. Happy anniversary mga anak. Isang taon, eto palang ang simula ninyo. At first aminado naman ako. Ayoko kay Pj, kesyo basketball player lang, mas matanda kay Athena at kung ano ano pero one time naglayas si Athena pero hinatid niya at sinabi na di dapat nagagalit si Athena sa akin. Napatunayan ni PJ na karapatdapat pala siya para sa anak ko."-sabay tingin ni mama sa direksyon namin ni Pj.

"Sa isang taon na nagdaan wala pa kayong nagiging mabigat na problema at hindi pa ninyo nararanasan magkahiwalay. Lagi kayong magkasama. PJ, alagaan mo lang mabuti ang anak ko. Mahalin mo siya ng sobra sobra. Wag kang gumawa ng bagay na maaring makasakit sakanya. At Athena wag mong hayaan na magsawa si PJ sayo."-mama said.

After the speech PJ and I danced.

"I didnt expect this. Alam ko di tayo aabot ng ganito."

"Athena, mahal kita mahal moko. At walang makakapagbago nun."-he said.

He slowly placed his face in front of my face. Slowly reaching my lips.

"Ang tagal ko tong hinintay..."-he said

Then finally after 1 year.

We had our first kiss.😍

A slow passionate kiss.

STARHOTSHOT GIRLDonde viven las historias. Descúbrelo ahora