Chapter Fifteen

175 3 3
                                    

"PJ ano nangyayari?"

Tinakbo ko siya sa ospital. 

CT Scan ang ginawa sa kaniya makatapos ay pinagpahinga.

"Doc, ano po ang nangyari sakanya.."

"Nako Athena, sa malamang ay pinilit niya ang sarili niya upang maalala ang lahat kaya nagcause ng stress at natrigger ang utak niya."

"James ano ba nangyari?"

"Kinekwento lang kita sakanya. Dahil alam kong nasasaktan ka."

"Sana pag-gising niya naalala niya na ulit ang lahat. Sana"

May isa akong babaeng natatanaw mula sa malayo.

Si Deb. Oo si Deb siya. Kilala ko siya.

"Hey Athena san ang room ni PJ?"-tanong niya.

"Ayan jan."

"PJ, kamusta ka babe?"-sabay yakap kay PJ.

"Ikaw si Debbie diba? Ang girlfriend ko?"

"Of course. The one and only.."

"tulungan mo naman ako maalala ang lahat debbie."-sabi ni PJ.

"Oo naman basta magpagaling ka ah.Iloveyou"

"Iloveyoutoo."-araaaay!

Ang sakit. bakit hindi sinabi ni Debbie ang totoo?

"wag ka ngang umiyak, nakakapangit yan loko."-buti nalang nandito si Allein para pagaangin ang loob ko.

"Narinig mo naman siguro?"

"Oo pero di yun lisensya para hayaan kitang umiyak."

"Salamat lein ah. Nandito ka para samahan ako" 

"Para sayo Athena."

"Bakit ikaw Allein nakakaya mo? Nakakaya mong makita ako na masaya sa iba kay PJ?"

"Kasi nga masaya ka. Pag nakikita kong masaya ka kahit masakit natutuwa ako. Pero pag nasasaktan k ng ganyan at umiiyak ka nakooo gusto kitang kunin skanya de joke lang wag kana kasi umiyak jan!!"-sabay yakap niya sa akin. Ramdam ko ang pagtulo ng luha ni Allein habang nakayakap ng mahigpit sa akin.

"Allein sorry..."

"Ssshh Athena you don't have to. Wala kang kasalanan. Kasalanan ko to kasi minahal kita. naiintindihan ko, okay? Smile na."

"Athena mauna na ako ah. Pakibantayan nalang si PJ."

"Sge dev."

"Bakit di ka lumalaban sakaniya?"-allein asks.

"di ako ganung klaseng tao. Hanggat kaya kong magtiis at umintindi, iintindihin ko."

Umalis na din si Allein, hinayaan niya muna na magsama kami ni PJ. Di ko na rin namamalayan na nakakatulog na pala ako.

-------------------

"Athenaaaaa. Atheeeenaaaaa."-rinig kong tawag ng pamilyar na boses sa akin.

Minulat ko ang mata ko.. Wala si PJ sa higaan niya. Wala siya sa lapag. Nasaan siya??? 

Panaginip lang pala ang mga boses na naririnig ko kanina.

Hinanap ko siya sa loob ng kwarto pero wala siya. Wala ang mahal ko. Lumabas ako ng kwarto at nagtungo sa Nurse Station para itanong.

"Miss saan po dinala ang pasyente sa room 321?"-tanong ko na hapong hapo

"Ay mam, dinischarge na po siya. Kani-kanina lang."

STARHOTSHOT GIRLWhere stories live. Discover now