Chapter Sixteen

165 6 3
                                    

Devorah's POV

Nandito kami sa Baguio. Malayo sa kabihasnan. Malayo kila ATHENA. Malayo sa mundo ni PJ.

"Mahal ko sa wakas akin kana."-bulong ko kay PJ.

Pinagmamasdan ko lang ang mukha niya.

"Mahal ko, ang tanga tanga ni Athena. Hindi man lang siya lumaban di ka niya nga siguro mahal. Hahaha sa akin pa din ang huling halakhak."

Pero ikinagulat ko ang pagmulat ng mata niya.

"Tama nga sila James Inang at Itang.... Si Athena ang nobya ko at hindi ikaw."

Tinutok ko ang baril na hawak hawak ko kay PJ.

"Sasama ka sa akin hindi ba? Pupunta tayo sa Amerika mahal ko. Dun na tayo titira. Dun tayo magsisimula ng bagong buhay. Magpapakasal."

"Hindi hindi maari."-napahawak ito sa ulo niya.

"Anong hindi??? Hindi Pwedeeeee!"-sigaw ko at nakatutok pa din ang baril sakaniya, animoy sumasakit ang ulo niya at pilit inaalala ang mga bagay.

"Aaaaaahhhhh"- sigaw niya sa sobrang sakit ng ulo.

Agad akong lumapit sakaniya para alalayan siya pero inagaw niya ang baril na hawak hawak ko.

*blaaaaaag*

Nauntog ang ulo niya sa lapag kayat nawalan siya ng malay.

-----------

"Dev? Anong ginagawa ko dito? Asan si Athena? Bakit kasama kita."-sa tingib ko ay nagbalik na ang alaala niya mula sa pagkakauntog niya.

"Hindi ka pwedeng umalis!!! Akin ka!"

"Debbie ano ba? Wala na tayo!!! Ano nanamang pakana ito?"

"Una mokong minahal Pj."

"Pero sinaktan mo lang ako at ipinagpalit sa pera. Mas hinangad mo ang magandang buhay na kayang ibigay sayo ng lalaki mo kesa sa simpleng buhay na maari kong ibigay."

"Devoraaaah?"-sigaw ng pamilyar na boses, si Era.

"Anong ginagawa mo dito?"-tanong ko sakaniya.

"Wala galing ako sa bahay niyo wala ka. So pinuntahan kita dito, maagang bakasyon ha?"

"Oo eh nandito si PJ nagtatago kami."

"Saan patingin."

"Aya---- PJ ASAN KAAAA!!!! LUMABAS KA DITO"-biglang nawala sa lugar si PJ, tumakas siya habang kausap ako ni Era.

May narinig akong yabag at sinundan namin ni Era yun, kitang kita ko sa akto si Athena na inaaalalayan si Pj katulong si Terrence.

"Athenaaa!!!"-sigaw ko.

"Devorah pls tama na. Hayaan mo na kami maging masaya ni PJ."

"WALA KANG KARAPATANG SUMAYA ATHENA WALAAA"

"Devorah, mahal mo si PJ ayaw mo bang makita siya na mas masaya kay Athena?"-sabat ni Terrence.

"Hindi kita kausap."

*beeeeng*

Naagaw ng bala ang atensyon ko at sa pangalawang pagkakataon natakasan nanaman ako nila Athena.

Athena's POV

"Athena mahal ko. Naaalala ko na ang lahat. Naaalala ko na."-bigkas ni PJ

"Kamusta ka Pj? Anong nangyari?"

"Wag muna natin pag-usapan ang mahalaga magkasama na tayo. Kailangan nalang natin makatakas dito."

"Oo mahal, humingi na kami ni Terrence at ni Era sa pulis."

"Si era kasabwat niyo?"

"Oo"

Unti unti kaming lumalakad, humahanap ng lusutan. Nandito kami sa likod lang ng bahay ni Deb habang nakikinig sa usapan nila ni Era.

"Debbie, bakit di mo nalang sila hayaang sumaya?"-sabi ni Era.

"Era? Ikaw ba yan? Ikaw susuko? Hihinto kana ba sa paghihiganti mo kay Athena?"

"Dev di na tama. nakakasakit na tayo. Di na tama na humantong tayo sa ganito."

Bigla namang nakagawa ng ingay ang paa ko at siyang umagaw sa atensyon ni Dev papunta sa amin.

"Huli kayo tatakas takas pa kayo ah!"-she said.

"Dev pls hayaan mo na sila!!!"-sabi ni Era.

"Hindi pwede! AKIN SI PJ AKIN LANG SIYA!"

"hindi siya sayo! kay athena na siya. Dev tanggapin mo nalang pls?"-isa pang sabat ni Terrence.

"PJ love tell them how much you love me."-sabay haplos pa nito sa mukha ni PJ.

"Debbie itigil mo na kung talagang mahal moko hayaan mo na lang akong sumaya kay Athena."

"Sumaya, ikaw lang? Paano ako? Haa? Paano ako?"-sigaw niya nanaman na para bang baliw sabay tutok nanaman niya ng baril sa amin

"Mali kana Dev."-era said.

"Ah so pinagtatanggol mo na itong kapatid mong malandi?"-malandi?? ako??

"Ano bang kasalanan ko sayo bakit galit na galit ka at halos lahat ng magandang nangyayari sakin kinokontra mo??"-for the very first time nagsalita na ako.

"KASI MALANDI KA. INAGAW MO SI PJ SA AKIN. AKO LANG ANG BABAE SA BUHAY NIYA THEN YOU F*CKING CAME. NAGBAGO ANG LAHAT!!! DI NA NIYA AKO BINALIKAN DAHIL DUMATING KA."

Bigla niya akong hinatak, nakatutok sa sintido ko ang baril na hawak niya.

"Walang lalapit sainyo. Ipuputok ko ang baril na ito sakanya."

"Tumakbo kayo humanap kayo ng tulong."-sabi ko.

Tumakbo naman agad ang tatlo.

"Now its my time to kill you bitch."-she said.

Nag-aagawan kaming dalawa sa baril ngayon.

Pero nasuntok niya ako kaya napa-upo ako at dinadamdam ang masakit na suntok niya sa sikmura ko.

"Bye bye, Athena. Sabi ko naman sayo di ko hahayaang maging masaya ka sa taong mahal ko."-sabay kasa no Devorah ng baril. Itinutok sa akin.

*Beeeeeeng*

PJ SIMON'S POV

Wala pa man din kami sa kalayuan upang humanap ng tulong, isang putok ng bala ang narinig namin nila Era.

Halo halong emosyon ang nararamdaman ko. KABA, TAKOT.

"Bumalik tayo. Baka kung ano na ang nangyari kay Athena"

Tumakbo kami pabalik sa kanila.

Pero nakita kong maayos si Athena. Pero umiiyak siya habang nakayakap sa isang lalaki na naliligo ng dugo.

ATHENA'S POV

"Devorah, kailangan mo ba talagang umabot dito? Hayaan mo na kami"-sigaw ko.

Pero bigla niyang ipinutok ang baril.

Nabitawan niya ito ng makita ang isang lalaking nakahandusay sa harap naming dalawa.

Nawalan siya ng pagkakataon tumakas dahil kasabay nito ang pagdating ng mga pulis at hinuli siy

"A--athena, M--mahal na mahal kita. Sabi ko sayo lahat kaya ko isacrifice para sayo. M--aging masaya ka lang."-sabi ng lalaking sumalo ng bala para sa akin.

"Allein pls, wag kang pipikit ayan na ang ambulansya. Pls allein."-pero tuluyan na siyang nawalan ng malay.

Siya din namang dumating si PJ, ERA AT TERRENCE.

Sumunod kami sa hospital kung saan dinala si Allein.

"Sana okay lang siya."-sabi ko.

"Magiging okay siya hon. Magiging okay siya."

"Kasalanan ko lahat ito."

"No, wala kang kasalanan okay?"

"Hon, pls? Wag kana mawawala ulit sa akin ah?"

"Oo Athena, pangako hindi na."-sabay yakap ni PJ ng mahigpit sa akin.

STARHOTSHOT GIRLDonde viven las historias. Descúbrelo ahora