Chapter Nine

255 10 3
                                    

"Lein wag ka makialam. Problema namin to."

"Ano bro? Wag mangialam? Alam mo ba kung gaano nasasaktan si Athena? Di mo alam! Nung araw na nakita ka niya sa condo na hinalikan si Deb tumakbo siya. Sa isang lugar na walang tao. Na walang makakakita sa sakit na nararamdaman niya. At nasan ka nun? Na kay Deb ka nagpapakasaya ka."

"Bro pls tumigil kana wala kang alam sa nangyayari." -sagot naman ni PJ.

"God knows may alam ako. Oo alam ko. Umalis si Athena simula nun nagsimula na kayong maghangout ni Deb. Nagsimula na siya pumunta ulit ng practice. I started to think na baka wala na kayo ni Athena, but nakikita ko padin siya naguupdate ng post na she is missing you. Na konti nalang mayayakap ka na niya. SINASAKTAN MO SYA PJ!"-gigil na gigil si allein.

"Bakit ganyan ka magreact di ka naman dapat apektado diba?"-singit naman ng isang babae.

"Deb ano ginagawa mo dito?"-nagulat si PJ.

"malapit na kasi matapos practice niyo so im here to pick you up and magdinner sana tayo."-Deb said na parang walang nagaaway sa harap namin.

"Oo damn. Apektado ako. Masaya na ba kayong marinig? Kasi MAHAL KO SI ATHENA!"-ALLEIN SAID na nagdulot ng katahimikan sa buong court.

Whaaaaaaaat?


So ako yung babaeng sinasaktan lang ng iba pero minamahal niya?

"If i could only fix her broken heart i will. If i could offer my heart i will. Kung pwede ko lang saluhin lahat ng sakit na nararamdaman ni Athena gagawin ko."-im so confused sa naririnig ko mula kay allein.

"Lein ano ba yang sinasabi mo?" - nagtataka si PJ.

"alam mo bro kung di mo kayang mahalin si athena sana hinayaan mo nalang siyang mahalin ng iba noon. At sana di na kayo humantong sa ganito."-sabay kuha niya ng gamit niya.

"Maling mali ka par."-sabi naman ni Ping sakanya.

Hinatak ako ni allein at bumaba sa basement.

"Allein ano yun?"- i ask dahil naguguluhan talaga ako.

"diba malinaw sayo? Gusto kita athena."

"Anong gusto allein?"

"Grabe gusto kita mahal kita nung panahon na para kang tanga bitbit mga cake na binake mo para samin at kay PJ."

"Allein...."

"Oo alam ko di mo ko mamahalin pabalik kasi si PJ yung gusto mo noon pa. Pero hindi ibig sabihin nun na di na ako pwede magmalasakit sayo."

"Naguguluhan ako. Nalilito ako."

"athena di ko hinihiling na mahalin moko pabalik ang gusto ko lang iiwas mo naman ang sarili mong masaktan. Please lang? Kasi tripleng sakit ang nararamdaman ko pag nasasaktan ka."

And here i am... Sa lugar na pinupuntahan ko pag malungkot at may problema ako.

"AYOKO NAAAAAAAAAAAA! SUKO NAKO! AYOKO NA! BWISIT NA BUHAY TO! ANO LAHAT NALANG BA SASAKTAN AKO? ANO BANG KASALANAN KO?"

Nagkarerahan na ang mga luha sa mata ko. Nagunahan na silang lumabas.

"Athena stop hurting yourself maawa ka naman sa sarili mo!"-napasabi ko nalang bigla sa sarili ko habang umiiyak.

Naglalakad ako pauwi sa bahay.

Sumabay ang buhos ng malakas na ulan.

Basang basa na ako pero parang wala akong nararamdaman. Wala akong pakialam.

Gusto ko to.

"Miss sumabay kana basang basa ka na....... Athenaaaaaaa? What are u thinking? Bakit ka naliligo sa ulan? Alam mong aasthmahin ka!"

"Wala ng nagmamahal sakin. Lahat kayo sasaktan ako. Lahat kayo...."-sabi ko habang iyak ng iyak

Sobrang nagpapasalamat ako sa ulan. Hindi nahahalata yung mga luha ko.

"sssshhhh wag ka ng umiyak. Ako Athena mahal kita di kita iiwan."

"Sinungaling ka. Kaya nga ako nagkaganito simula sayo. Lahat kayo pareparehas. Bitawan moko."- yun nalang ang nasabi ko at biglang nagdilim nalang ang paningin ko.

--------------------------------------------------------

"Athena? Okay ka lang ba?"-bungad ni Ping.

"Anong nangyari?"

"Bigla ka na lang daw nahimatay sabi ni Terrence. Ayaw mo daw siya makita kaya tumawag siya samin gamit phone mo. Kami na ang pumunta dito. Kamusta ka?"-Ate Danica said.

"Di ako okay alam niyo naman yun diba? salamat sa pagpunta niyo dito. Nag abala pa kayo."

Lumabas si Ping. Malakas ang kutob ko maguusap kami ni Ate danica.

"Athena, i know ur not okay. Kaya sumama ako kay Ping to talk to you. Alam ko sobrang mahirap ang pinagdadaanan mo pero sana naman wag mong pabayaan ang sarili mo. Wag mo namang hayaan na pati katawan mo gusto ng sumuko. Mahal ka naman namin. Mahal ka ng parents mo. May mga nagmamahal sayo. Hindi lang naman kay Pj iikot ang mundo mo diba?"

"Alam mo ate, sobrang masakit. Di ko na alam. Parang gusto ko wag na lang magising ganun. Parang sana pinatay na lang ako ni PJ. Or sana ibang tao nalang yung minahal ko. Yung taong mas deserving sa pagmamahal ko. Yung taong mahal ako."

"athenaa..."

"anong ginagawa mo dito?"

"Danica pls?"-sabi ni PJ kay Danica.

"PJ ano bang ginagawa mo dito?"

"God ive missed you! Sorry for everything hon!"-sabi ni PJ sabay yakap ng mahigpit sa akin. Naninibago ako. Bakit ganito siya? Naguguluhan ako. Ano to?

"PJ ano ba? Can you please stop. Di ako laruan na pag gusto mong paglaruan babalikan mo."

"Im here para ipaliwanag ang side ko. Nagkaron ako ng time para magpaliwanag. Para ilet go ka. Umalis si Deb nagpunta siya sa London panandalian. Kaya nandito ako. Lilinawin ko ang lahat sayo."

Nanghina nanaman ako na nakikita ko si PJ sa harapan ko.

"Athena ikaw ang mahal ko. Its always been you. Di ko na mahal si Deb."

"Eh bakit..."-

"Patapusin mo muna ako. The day na umalis ka, nagtext siya na uuwi daw siya dito sa Pinas. I ignored it. Ang iniisip ko ikaw. Ikaw kasi yung mahal ko. Pero a week after mong umalis dumating siya. Bumisita siya agad sa practice. She knew na lumipad ka to states. Sinamantala niya ang pagkakataon. She flirted me. Sinimulan niya na na iseduce ako. Di umeepekto. Kasi dala dala kita sa isip at puso ko. But one time nagbanta siya......... Ipapapatay ka niya. Una di ako naniwala pero knowing na isang mafia ang dad niya. May posibilidad na totoo ang sinasabi ni Deb"-biglang pumatak ang luha sa mata ni PJ.

"Bakit di mo sinabi sa akin agad PJ?"-

"I was too scared. Na baka pag nalaman ni Deb na may contact ako sayo ay bigla ka nalang niyang ipapatay. Natatakot ako. Instead na papatay ka niya pumayag ako sa gusto niya na maging kami ulit. Pumayag ako na baliwalain ka kesa tuluyan kang mawala sa akin."

"Pero parang pinatay mo din ako nung mga panahon na pinipilit kong ayusin tayo. Mas masaklap pa. Mas masakit pa yung naramdaman ko nun. PJ sana sinabi mo sa akin. Sana lumaban tayo parehas. Sana naagapan natin. Sana nasulusyunan natin. SANA DI AKO NASAKTAN NG GANITO."-di ko na namamalayan na umiiyak nadin pala ako. Para akong tanga. Siguro nga tanga ako. Tanga ako na lumalambot nanaman ang puso ko at naniniwala kay PJ.

"Pero ngayon Athena buo na ang loob ko. Kakausapin ko si Deb. Ipapaliwanag ko lahat sakanya. Na pwede naman kaming maging friends. Or then if di niya matanggap... Idedemanda natin siya. Mahal na mahal kita and i cant take to see u kill urself dahil lang sa nasasaktan kita."

"Mahal na mahal din kita PJ!"

"Boyfriend mo parin naman ako diba?"

"Oo naman. Ikaw lang PJ, ikaw lang!"

"Sorry sa lahat Athena. Di ko na uulitin. Mahal kita."


STARHOTSHOT GIRLWhere stories live. Discover now