Chapter Eighteen

181 5 5
                                    

PJ SIMON'S POV

For the second time... Sigurado na ito. Dahil nandito na ako ngayon sa simbahan. Hinihintay ang pagdating ng babaeng mahal ko.

"Kabado part?"-sabi ng bestman ko na si James.

"Medyo part. Kabado na naeexcite."-i said.

"Kaya mo yan. Isipin mo lang mamayang gabi, matutulog ka na katabi mo si Athena bilang asawa mo na."

Sabay dating ng driver ni Athena na sumesenyas.

SIMULA NA NG SEREMONYA.

ETO NA. WALA NG HAHADLANG PA!

Isinara na ang pintuan. Nakaupo na ang mga bisita. Nakasulyap na ako sa pintuan at hinihintay na ang mapapangasawa ko .

My life started to change...🎵🎤

sabay ng pagbukas ng pinto.

Wake up each day
Feeling alright🎤🎵

kasabay ng bawat salita ang hakbang ng mahal ko.

With you right by my side,
Makes me feel things will work out just fine..🎤🎤🎵

Di ko namamalayan na unti unti na palang pumapatak ang luha ko habang nakatingin sa napakagandang babae na palapit sa akin.

How did you know?
I needed someone like you in my life.🎤🎵

Sabay abot ng daddy niya ng kamay sa akin ni Athena. Nagbless ako at tsaka kinuha ang kamay ni Athena at inalalayan siya papuntang Altar.

Nagsimula ang seremonya.

"Magandang umaga sa inyong lahat. Sa ngalan ng ama ng anak ng Diyos espiritu santo. Amen. May tutol ba sa kasalang ito?"-kinabahan ako na baka meron, pero napawi ang kaba ko ng lumipas ang ilang minuto walang tumutol.

Hanggang sa...

"Peter June Simon, do you accept Athena Michell Ramos to be your lawfully wedded wife?"

"I do."-i answered.

"And you, Athena Michelle Ramos, do you accept Peter June Simon as your lawfully wedded husband?"

"Yes father I do."-Athena answered.

"Athena mahal ko, we've been in so many tragic moments. Alam ko hindi biro yun. Alam ko sobrang sakit nun sayo. Pero today will be the most memorable day of our lives. I've never imagined this. Na ikinakasal ako sa harap ng ordinaryo at simpleng babae lang. Pero ngayon eto na. Mahal na mahal kita Athena. And i will share my life with you. I will stay with you no matter what. Ikaw at ikaw pa rin ang pipiliin ko. Mahal na mahal kita asawa ko"

"Peter June ko? The man that i used to cheer, yung lalaking hinahangaan ko, well eto na. Asawa ko na. Mahal ko, salamat sa lahat. Sa dami ng babaeng nagmamahal sayo, ako yung binigyan mo ng pagkakataon na mahalin ka at eto pakasalan ka. Sabi ko nga sa sarili ko mahalaga ba yung mahabang vows, hindi naman pala. Basta i will always be here for you. Sasamahan kita through storms. I will always love yoy through thick and thin. Through ups and downs. Mahal na mahal kita at walang makakapagpabago dun okay? Makalimot ka man. Tumanda ka man. Kahit ugod ugod kana, kahit panot kana kahit bungi kana, kahit puro wrinkles kana. Kahit di kana makalakad kahit na mahina kana. Mamahalin pa din kita."-mga salita ni Athena na nakapagpalambot sa damdamin ko.

"Athena, wear this ring as a sign of my love and loyalty. In the name of the father and the son and of the holy spirit. Amen."

"Pj, wear this ring as a sign of my love and loyalty. In the name of the father and the son and of the holy spirit. Amen."

"I now pronounce you, Man and Wife. Pj, you may now kiss your wife."

I slowly removed her veil.

Hinawakan ko siya sa leeg.

Sabay alalay sa kanya.

Sabay kiss sa noo pagkatapos sa ilong niya pagkatapos sa baba niya and now.

I kissed her passionately sa lips. A slow and passionate kiss.

"Congratulations mga anak ko. Masaya ako para sa inyo. Ang apo namin wag kakalimutan ah."-Daddy Anthon said.

"Congrats mga anak. Lalaking apo ang una."-Tatang said.

"Congrats my Unica Hija, congrats anak, Pj"- mommy said.

"Congrats sainyo anak. Athena alagaan mo si nonoy ah."-sabi naman ni Inang.

Picture taking na. Lahat sila lumapit na.

Then diretso kami sa Manila Hotel.

Dun ang reception..

ATHENA'S POV

Sobrang masaya ang araw na ito. The most unforgettable day of my life.

May program pa ang receptionist namin na message for the newly weds daw.

So nagsimula kay Mommy.

"Congrats to the newly weds, Nako mahirap ang buhay mag-asawa. Di na maliliit na bagay ang pag-aawayan niyo. Magkakaissue na kayo about pera or kahit ano pa. Basta para sa inyong dalawa sana lang palagi niyong unawain ang isat isa. Lagi sanang manaig sainyo ang pagmamahal. Okay? Godbless you both."

"To my beloved daughter and my son in law. Hmmm grabe yung baby girl ko may asawa na. So ako naman as your dad, nandito lang ako palagi para sainyong dalawa. Basta Pj, nako ah walang kalokohan talaga. Yari ka sinasabi ko haha. May God bless you both. Mahal ko kayo parehas. So as a wedding gift, itoooo charan!"-sabay labas ni Dad ng isang susi...

"Dad totoo ba to?"-i asked him.

"Of course anak. Para sainyo ni Pj. Happy wedding day!"-then he kissed me.

Isang house and lot ang ibinigay sa amin ni Daddy.

"Nonoy, Athena. Welcome sa mundo ng mag-asawa. Totoo ang sinabi ng mommy mo Athena, hindi madali. Pero alam ko kakayanin niyo kasi matatag na kayo. Sana laging manguna ang pag-ibig sa inyong dalawa. Habang tumatagal mahalin at mahalin niyo pa ang isat isa. Congratulations."

"Anak ko, nonoy at athena. Bigyan niyo na ako ng apo. Excited na ako. Lalaki ang gusto ko para kalat na ang apelyido ko. Pero biro lang. Intindihin niyo lang ang isat isa. Yan ang sikreto. Mahalin ang isat isa. At magpakumbaba. Congratulations."

"Hello athena, hello pj. Congrats. Sa wakas yes naman married na ang partner ko! Ang wish ko lang para sa inyo ay happy life tsaka healthy little Pj at little Athena. Para may kalaro na si Mj."-sabi ni James.

"Yow hep hep!!!"

"Hooray"-sagot ng lahat sa loko lokong si Ping.

"De joke lang eto na talaga. Congrats sa kaibigan kong si Peter June at kay Athena da best fangirl ever. So wala na kaming cake kasi kasal na kayo hahahaha. Naaalala ko pa nung panahon na nililigawan mo pa si pj eh. Pero joke, saksi naman kami lahat kung gaano niyo kamahal ang isat isa at kung gaano kayo sinubok ng panahon. So ayun congrats, wish ko lang sainyo ay matatag na pagsasama."

"To my bestie and my buddy kuya Pj, congrats sa inyo. Nasabi na nila lahat ng wish so hinihintay ko lang inaanak ko."-sabi naman ni Rodney.

"To the girl i loved the most and sa idol kong si PJ Simon, madami na kayong napagdaanan kaya alam ko di kayo basta basta bibigay. Congrats sa newly weds"-sabi naman ni Terrence.

"Masayang masaya ako para sainyong dalawa. Congratulations Athena and PJ. Sana maging masaya lang kayo, wag papaapekto sa negative vibes okay? Enjoy your honeymoon naks hehe."

sabay palo palo nila ng kutsara sa baso nila.

Pj and i Kissed.

After the long day. Nagsi-akyatan na kami sa kwarto namin.

"Ready my wife?"-pj asked then grinned

STARHOTSHOT GIRLWhere stories live. Discover now