love.start()

30 4 1
                                    

Hindi na naman magkamayaw ang bawat isa sa kanila. Palibhasa kasi exam date na naman. Tumingin si Rei sa orasan ng kanilang department. Ala una na naman. Kailangan na niyang maghanda. Ito na kasi ang ikalawang semestre ng kaniyang kursong Computer Science. Balak niyang lumipat sa ibang unibersidad dahil sa may mga bagay din siyang kailangang tapusin at gagawin maliban sa unibersidad.

"Ano ba ang subject nating i-eexam ha?" tanong ni Janet, kaklase niya.

"Ah...as usual, subject ni Prof. Max...Literature," ngiting sagot niya dito.

"Hmmm...I'm sure perfect mo yan. It is your forte hindi ba?" pagpuri ni Janet.

Sa totoo lang ay tama si Janet. Mula pa kasi nang pagkabata ay nais na ni Rei na maging isang writer. Bilang isang programmer ay hindi niya inasahang papasukin din niya paglaki niya. It was accidental, or better yet a resolution kung sakaling pumalya ang unang kurso.

"Siya nga pala, iniimbitahan ka ni Elvie maging partner sa nalalapit na pageant..."

Nabigla siya sa sinabi ng kaibigan. Si Elvie, sasali sa pageant?

"What!? No way! Marami namang mas gwapo kesa sa akin diyan eh. Kilalang estudyante si Elvie, best in mathematics and what's more, marami na siyang nakuhang trophies from the sport fest. Compared to me, isa lang akong ordinaryong writer at programmer ano. Hindi ko bagay maging partner niya."

Pabirong tinulak ni Janet si Rei sa kinauupuan. Inaasar nito ang kaibigan tungkol kay Elvie.

"Look Janet, kung um-attend sa pageant, pwede ako diyan. But to join, no way. Si Richard nalang ang isali niyo, yun gwapo tsaka may posture."

Umiiling iling nalang si Janet na tumungo sa kanilang Literature Room nang marinig ang examination bell. Sumunod na rin siya nang makitang siya lang ang natira sa bench. Tinatag kasi ng Koreano ang pinapasukan niyang paaralan, mga missionary kaya kakaiba rin ang patakaran nila. Kailangang sundin ito dahil kasali sa record ang mga bagay na kailangan nilang tuparin at ganapin sa loob ng university.

Hindi nagtagal at nagsimula ang exam. Masayang naglakad lakad ang instructor nila habang pinapanood ang mga estudyanteng tila nahihirapan sa exam, maliban kay Rei.

Napansin niyang napabuntong hininga si Rhia Beth. Ngumiti ang instructor at umuling na tinawag siya.

"Rhia Beth, di ba sabi ko kasi sa iyo na magreview ka muna bago mag date? Ayan tuloy, sabi ko na ngang bonus ang number twenty at twenty seven, sinagutan mo parin. You didn't listen to me," pabirong wika ng instructor. Tumawa naman ang ilan sa kanila at nang-asar pa.

"Things you do when you're in love," bulong ni Rei sa sarili habang sinagutan ang natitirang mga tanong sa kaniyang exam paper.

Ilang araw ang lumipas at naghahanda na ang ilang estudyante sa magaganap na university pageant. Ang ilan ay nagsuot na ng kanilang contestant dress. Ilan sa kanila ay pinraktis na rin ang kanilang talent portion. Dahil walang magawa si Rei ay pumanhik siya sa Bulletin Board at tignan ang mga kasali sa pageant. Unang naka-agaw ng pansin niya ay si Elvie. Siya kasi ang babaeng kahit walang make up ay napakagandang tignan. Her beauty stood among all of the contestants there. Iginala niya ang mata sa ibang contestants. Saglit siyang napatingin sa Miss Education. Maganda rin ito at may mata siyang tila nang-aakit ng kasiyahan at pagmamahal. Tinaasan niya lang ito ng kilay ngunit sa loob loob niya ay nagandahan din siya rito. Nabigkas pa nga niya ang 'She's just so pretty' sa kaniyang sarili.

Dumating nga ang oras ng pageant. Magkasama sila ni Janet na pumasok sa loob ng venue. Mabilis na sinimulan ang event at bawat isang contestant ay talagang inihanda lahat ang makakaya para ipakitang sila ang hinahanap ng mga hurado. Inantay lang talaga nina Rei at Janet ang oras para kay Elvie. Tennis racket at sporty feature ang namataan nilang unang suot niya, ang sumonod ay isang modern French girl dress. Bagay sa kaniya ito at tila nakuha niya ang atensyon ng mga judge. Napangiti si Rei at pumalakpak pa nang makasagot si Elvie sa question and answer portion.

"Next contestant, representative of the Education Department, Ji Yeon Soberano!" sigaw ng announcer. Eksakto namang nag-ring ang cellphone niya at nakatanggap ng tawag mula sa isang local company. Tungkol ito sa game development project na sisimulan nila. Umalis siya sa venue at sinenyasan si Janet na kailangan na niyang umalis. Dinig niya ang malakas na hiyawan ng mga nanonood nang marinig ang Miss Education. 

Forget me NotWhere stories live. Discover now