love.formLove(rei, elvie)

3 0 0
                                    

Nasa isang restaurant sina Rei, Janet at Rhia Beth. Dahil sa nangyari, napilitan na lamang silag lumayo dahil baka ito pa ang pangyayarihan ng gulo. Ininom ni Rei ang kaniyang natitirang soda drink at nagpatuloy sa pag-ubos ng kaniyang main course.


"Hindi ko akalain na may ganun palang kakilala si Ji Yeon," wika ni Janet na bumasag sa katahimikan ng tatlo.


"Oo nga eh, akalain mo ba namang pagsabihan niya ng ganun si Elvie," sagot naman ni Rhia Beth.


"Sa tingin niyo, boyfriend ba niya yun?" tanong ni Rei habang kumakain.


Tila nang-isip muna si Janet ng isasagot. Binase niya kasi sa kung pano sila magkasama ni Ji Yeon kanina. It seemed there was closeness though unusual.


"Hmm...parang. Kasi ang sweet nila," naunang sagot ni Rhia Beth. Mas gusto kasi nito si Rei para kay Elvie kesa naman si Ji Yeon ang pag-interesan pa ni Rei.


"Kahit boyfriend niya iyon, wala siyang karapatan para pagsabihan si Elvie ng ganun. She did all she can just to enter the competition. He has no right to question her."


"Hmm, bakit parang may nararamdaman akong selos dito?" bulong ni Janet at ngumiti.


"Ano yun?" tanong ni Rei.


"Wala."


"As I was saying, ayokong pinagsasabihan si Elvie ng ganun. Lalo na sa isang katulad ng Gary na iyon, mahalaga sa akin si Elvie at ang pangarap niya ang isa sa mga bagay na nagpapasaya sa kaniya. Gusto kong hintayin siya hanggang sa matupad niya ito."


Tila naging kakaiba na ang pagtingin ni Rei kay Ji Yeon. Hindi niya kasi lubos maisip na may kasama siyang katulad ng Gary na iyon sa parke. Alam niyang mabait si Ji Yeon at hindi makikisama sa isang katulad ng lalaking iyon. Natagpuan niya ang sariling nasa vending machine at namimili ng iinuming softdrinks. Bago lang ang vending machine na iyon kaya parang napakasayang bumili nito. Hindi kasi lahat ng parte ng pilipinas ay may vending machine. Nagkataong naka-export ang paaralan ng isa galing Korea, kung saan ditto rin nangaling ang may ari ng paaralang iyon.


Nadatnan siya ni Rhia Beth at napansin ang pagka-depress ng kaibigan. Natawa siya dahil ito ang unang beses na ang isang writer ay nadedepress sa isang bagay, at malamang ay sa pag-ibig.


"Hoy, loverboy! Anong ginagawa mo diyan? Kanina ka pa hindi makapili ng bibilhin mo ah," untag niya dito at tska tumawa.


"Ah, wala lang. Para kasing kung iisipin, hindi ako makapaniwalang may boyfriend na pala ang Ji Yeon na yun...okay lang na tanggapin ko yun pero knowing that Gary was the one, parang gusto kong hindi maniwala eh. The fact na pinagsabihan pa niya si Elvie ng masama."


"Alam mo Rei, ganyan talaga ang mundo no. We cannot decide what the heart wills. Tignan mo ako, dahil sa pag-ibig na iyan, nagkanda-leche leche ang grades ko. But what can I do? Mas malakas kasi ang naging kapit sa akin ng pag-ibig kesa ng logic."


Hindi muna siya sinagot ni Rei bagkus ay naglagay ng sampung piso sa vending machine. Agad na lumabas doon ang soda drink na gusto niya. Sumandal siya sa malapit na poste at binuksan ang in canned softdrink niya. Sinundan siya ni Rhia para makipag-usap pa dito.


"Ewan ko Rhia. I thought novels were easy to write when it comes to romance, but thinking how it applies in the real world, I think it was kind of hard to understand."


"Tell you what Rei. May isang paniniwala tungkol sa vending machine. Wanna know?"


"Yeah?"


"Sabi nila, kapag hindi ka raw makapag-isip kung mahal ka ng isang tao, sabihin mo raw ang nararamdaman mo sa harap ng vending machine. Kapag bibili sa vending machine na iyan ang taong mahal mo, tignan mo kung yung apple drink o strawberry drink ang bibilhin niya. Bawat isa dito ay may ibig sabihin."


"Ano bang ibig sabihin kung apple drink o strawberry?"


"Kapag apple drink daw, ibig sabihin ay pwede kayong magkatuluyan, matamis ang pagmamahalan ngunit sa huli ay magdadala ng pagtangis at maaaring kamatayan. Mapanganib na pag-ibig kung baga. Kapag strawberry naman, sa una ang pag-ibig ay magiging mapait pero sa huli, aanihin nito ang pag-ibig na inaasam."

Forget me NotWhere stories live. Discover now