love.connect(rei, ji_yeon)

5 0 0
                                    


"Pwede ko bang makuha ang number mo?" diretsong tanong ni Rei kay Ji Yeon nang magkasama sila sa balcony. Lunch break na at walang masyadong tao roon. Kadalasan ay sa student's canteen tumatambay ang mga estudyante. Kabisado na niya ang puntahan ni Ji Yeon, kung hindi sa balcony eh sa corridor. Yung tipong mag-iisa lamang siya.


"Sure...0919..."


Agad na dinukot ni Rei ang cellphone mula sa kaniyang bulsa at pinindot ang mga numero ni Ji Yeon. Si-nave nya ito ng mabilis at nginitian ang dalaga. Isang ngiti ang hindi niya inasahang binigay ni Ji Yeon sa kaniya.


"Thanks, at least matetextan kita kahit anong oras, ano?" ngiti niya.


"Ah...oo naman Rei. I'll reply kung may load ako. Siya nga pala, I have to go..."


"Okay...by the way, before you do...may I ask some favour from you?"


"Ano yun?" interesanteng tanong ni Ji Yeon.


"Malapit na ang February 14...actually it is not my style to ask this but...can I ask you for a date...? any venue..."


Sandaling napaisip si Ji Yeon. Tumango siya at nginitian siya na nagsasabing pwede silang mag-date sa araw na iyon.


"I know a good place. Nasabay din kasi sa date na iyon ang isang magandang oras para sa akin eh..."


"Really...? Thanks...! I'll call you sooner to confirm where ha..."


"Bye bye Rei, really need to go..."


"Bye, Ji Yeon."

Kumaway si Ji Yeon at nagpaalam sa kaniya. Masayang-masaya si Rei na sinusundan ng tingin habang papaakyat ng mezzanine floor ang dalaga. Tama ang kaniyang pagkakakilala ditto. Sexy, maganda, matalino, pang crush ng bayan at mukhang mabait pa. He could ask no more from this woman. She is totally his type. Pinilig niya ang kaniyang ulo dahil alam niyang nag-iimagine na naman siya. Umalis siya sa balcony na may saya sa puso at napapasigaw ng 'Yahoo!' na bumaba sa balcony stair.


Forget me NotWhere stories live. Discover now