love.captivate()

8 2 0
                                    


Pangiti-ngiting pumasok si Rei sa kanilang laboratory. Tila wala siya sa sarili nang mga oras na iyon.

"Okay ka lang?" tanong ni Ms. Madrigal, ang kanilang instructor sa Computer Basics.

"Malamang, natulad kay Rhia Beth yan!" pang-aasar ni Mark, ang isang kaklase nila. Tumawa ang lahat dahil alam nilang hindi siya ganoong klase ng tao. He is concentrated on his career, also known to be a geek.

"Nakita ko kayo ni Ji Yeon kanina ah. Looks like you had a good time," pasubali ni Ms. Madrigal.

"Wala 'yon ma'am, just school matters. Tungkol sa nalalapit na workshop," palusot niya. Nagbubulong-bulungan naman ang mga kaklase niya kung sino si Ji Yeon.

Tumawa ng malakas si Ms. Madrigal at tinuro pa si Rei nang makatapos sa pagtawa niya. Umiling iling siyang nakatingin dito at lumapit sa kaniya. Tinapik ang balikat nito na tila ba nagsasabing 'I salute you'.

"Sabi na nga ba, you're not mentally present. Anong workshop ang pinagsasasabi mo eh Education Department si Ji Yeon? And besides, the workshop is for ComSci and ComTech, hindi general," patuloy niya.

Agad na nagtawanan ang kaniyang mga kaklase sa narinig at natuklasan mula sa kaniya. Napahiya siya dito na natatawa sa sarili. Magpapalusot na nga lang siya, nagkamali pa! Pero tama ang hinala ng kaniyang instructor, yes he's to consumed to the fact na tila na-captivate ni Ji Yeon ang kaniyang puso. So abrupt but, it was so fascinating!

"So, what is the direct solution for this code? As you can see, we want to make the function return all the values that are inside the array and pass them as the value of the data that will be shown on the GUI," pabalik na tanong ni Ms. Madrigal.

"We can make the function extract the value of the array first, and then pass the value of the current index in the new variable," paliwanag niya. Tumango sa pagsang-ayon ang guro at bumalik sa kaniyang upuan.

"Good, you are back from your pose, let's continue the lesson."

Umupo siyang nakangiti at nakinig sa guro nang magsimula itong mag-discuss sa kaniyang leksyon.

----

Maaga silang natapos sa klase dahil sa meeting ng mga instructors. Nag-iisang umupo si Rei sa couch kung saan niya nakilala si Ji Yeon. Para bang sinasariwa niya ang mga nangyari kanina.

"Rei! Andiyan ka lang pala! Patulong naman oh," tawag ni Elvie sa kaniya habang papalapit sa couch.

"Oh ikaw pala Elvie! Ano ba iyon?"

"Ito sanang Java natin eh," sagot ni Elvie at pinakita ang isang coupon bond na naglalaman ng ilang problem solving questions.

"Ah, ito ba?"

Isa-isa niyang sinagutan ang mga question doon pero nang mamataan niyang palabas ng kanilang room si Ji Yeon ay nawala ang kanyang konsentrasyon. Parang isang magnet ang dalaga sa kaniya na sinundan ng kaniyang mga mata.

"Uy Rei, tapos mo na ba?" untag ni Elvie sa kaniya. Natauhan man siya sa kaniyang kalasingan sa paghanga, naroon parin ang tama nito. Binalik niya ang coupon bond ni Elvie at nagpaalam sa kaniya. Mabilis ang naging galaw niya para sundan si Ji Yeon na pababa ng mezzanine floor.

"Iniwanan ako nang makita ang koreanang yun? Wow ayos ah," pagrereklamo ni Elvie.

"Wala kang magagawa, in love eh," sabat ni Rhia Beth mula sa kaniyang likuran. Hawak din nito ang kaniyang questionnaire.

"Rhia, sa tingin mo ba, gusto niya talaga yung Ji Yeon na yun?"

"Ano ka ba Elvie? Ano pa nga ba? Kita mo naman ang mata ni Rei habang tumitingin sa kaniya. Ngayon it's like, soon it would be love. Maraming versions yan but the fall of it, either magugustuhan ni Rei si Ji Yeon or hindi."

"Sana naman hindi," mahinang wika ni Elvie.

"Hmm, akala mo hindi ko narinig?" sagot ni Rhia at nakangiting iniwanan siya sa balcony.

---

Sa second floor ay tila may hinihintay sina Fred. Tinawagan niya si Rei. Bababa na raw ito mula sa mezzanine floor at sasalubungin sila. Kasama ni Fred ang kaniyang kaibigan, ang kaibigan niyang head to heels na may tama rin kay Ji Yeon.

"Fred, tulungan mo naman ako, lapitan natin siya, pakilala tayo," wika niya.

"Saan ba siya?"

"Yan oh!" turo ni Junnie kay Fred. Nakatayo si Ji Yeon sa may gate exit, naghihintay ng sasakyan habang may kausap na kaibigan.

"Pambihira naman pare, ilang taon ka na. Kaya mo na yan. Bakit kailangang pati ako kasama?" reklamo ni Fred.

Sandaling nakinig si Junnie sa pinag-uusapan ni Ji Yeon at ng kaibigan. Ayaw niyang lapitan ito na may kasama dahil siguradong mapapahiya siya.

"Ji Yeon, ano punta na tayo sa may park, siguradong marami ang maiinvite mo sa fellowship..."

"Sige mauna na kayo Lanie, may hinihintay pa kasi ako eh," sagot ng dalaga sa kausap na kaibigan. Nang makaalis na si Lani, lalapitan na sana ni Junnie ang dalaga ngunit iyon naman ang pagdating ni Rei mula sa labas ng first floor.

"Oh bro, andyan ka na pala. Ano, tara na?" tanong ni Fred at naki-pag-appear pa sa kaniya. Nang makita niya ang dalaga sa exit ay agad niya itong nilapitan at sinenyasan si Fred na maghintay muna sandali.

"Hi miss, hold up po ito," pabirong bati ni Rei kay Ji Yeon mula sa likod. Nabigla man ay ngumiti parin ang dalaga sa kaniya at mahinang sinampal ang kaliwang kamay ni Rei.

"Going home?" patuloy niyang tanong.

"Yeah, naghihintay lang kasi ako ng sasakyan eh."

"Hindi ka makakauwi, walang sasakyan oh!"

"Meron, yan oh, ang dami pa nga!"

"Marami nga, pero hindi naman sa pupuntahan mo."

"Okay lang yan, mamaya may Baguio din diyan."

"Kung pwede sanang ako nalang ang kasama mo, hindi lang Baguio ang mararating ko," bulong ni Rei.

Hindi niya alam kung narinig ito ni Ji Yeon. Pero ito ang gusto niya, ang marinig siya nito.

"Ano ulit?"

"Naku, may sinabi ba ako?"

"Hmmmm," wika ng dalaga at napangiti sa kaniya na tila nagtataka kung ano ang binulong ng binata sa kaniya kanina.

Namataan ni Ji Yeon ang sasakyang papuntang Baguio. Ngumiti siya kay Rei bago nagpaalam. Masaya namang kumaway si Rei habang pinapanood ang sasakyang papaalis habang nakatingin kay Ji Yeon.

Forget me NotWhere stories live. Discover now