love.whim()

6 0 0
                                    

Ito na ang pinakahihintay ni Elvie. Nakita niya si Rei sa may balcony. Wala siyang kausap. Maaari na niya itong yayain sa musical competition bilang escort niya.


"Rei!" tawag niya dito at linapitan niya ang binata. Agad namang tumingin sa kaniya ito at kumaway pa sa kaniya.


"What's up? Sabi sa akin ni Janet at Rhia Beth eh may musical competition ka raw, and wow ha, my favourite musical instrument, violin!"


"Yes, although there's one problem eh..."


"Ano naman yun?"


"I need an escort. Tsaka, all of us will be wearing the gown thing, and an escort is needed, kasali kasi yun sa scoring eh..."


"Hmm, escort. Ibang klaseng competition yan ah..."


"Rei, please be my escort naman oh. I need someone. Natanong ko na ang iba pero hindi sila pumayag eh, please?"


Napakamot ng ulo si Rei. Paano kasi ay hindi niya matanggihan ang kaibigan ngunit inaalala niya din ang date nila ni Ji Yeon. Mas matagal niyang kilala si Elvie. Mabait, maalalahanin at isang taong hindi mo kayang tanggihan dahil sobrang bait nito.

"K-kelan ba yan?"


"So pumapayag ka na?" masayang wka ni Elvie.


"Oo na...I'll be your escort..."


"Great! Exactly February 14...! I'll be at the Grand Hall, sana makapunta ka roon..."


Nabigla si Rei. Ito rin kasi ang araw na magda-date sila ni Ji Yeon. Hindi niya kayang bawiin kay Elvie ang pagpayag niyang i-escort siya. Para talaga siyang sinusubok ng tadhana kung sino ang uunahin niya, ang matalik na kaibigan o ang sinisigaw ng kaniyang puso. Pero alam niyang mahirap ang sitwasyon ni Elvie ngayon. Kung wala siyang escort, siguradong matatalo siya sa competition na iyon.


-------


Dumating nga ang araw na ikinasisiya at ikinatatakot din ni Rei. Ito na ang araw ng kanilang date ni Ji Yeon. Sa hapon pa ang competition nina Elvie kaya maaari siyang humabol. Alam niyang the date won't be that long, maybe five hours would be enough. It's a morning date so hindi kagaya ng gabi na napakatagal na tila wala nang bukas lalo na kung gusto ninyo ang isa't-isa.


Nakita niya si Ji Yeon sa hanging bridge. Ito kasi ang napagdesisyunan nilang tagpuan para sa date nila. Ang hanging bridge na iyon ay nakakalula sa unang daan ngunit kung sanay ka na, tila napaka-enjoy na maglakad doon. Mula daw sa hanging bridge na iyon ang dating place nina Rei at Ji Yeon, ayon sa dalaga. Sumunod lang siya dahil hindi niya rin kayang tanggihan ang babae.


"Pag nalagpasan natin itong isang building dito, may sang subdivision na pupuntahan tayo..." wika ni Ji Yeon. Nagtaka si Rei dahil bakit kaya isang subdivision ang venue nila. He thought it should be a restaurant or something classy, like the French dates he used to write, read and watch. There should be a red carpet at least, or candles...music and such. 

Pero bakit subdivision? Parang nabuhay ang instinct niya at liningon ang paligid. Namataan niya ang isang tarpaulin kung saan may mga nakasulat, gaya ng kaniyang inaasahan, sa isang bahay sambahan sila pupunta.

"Oh my cow...! isang church date!?" sigaw ni Rei sa sarili. Hindi kasi siya masyadong relihiyoso o nagpupupunta sa mga simbahan. He had another view of religion himself. Ngayong dito pala siya dinala ni Ji Yeon, halos mabuwang na siya sa pagsisisi. 


"I know this place is the best for us..." wika pa ni Ji Yeon habang binabagtas nila ang stairs papunta sa kanilang chapel. Pinagpapawisan siya hindi dahil takot siya sa mga ganitong lugar kundi dahil sa kaniyang pagkapahiya. It was so stupid of him not to be the one to pick the right venue for the date.


Naupo sila sa isang main seat. Marami ding tao sa loob ng chapel. Sa tingin niya ay isa itong church event or party. Marami kasi silang nakasuot ng mga formal church dresses.


"Hindi ko nga pala nababanggit sa iyo Rei, isa akong preacher in training, right now, nagtuturo ako for Sunday school sa mga bata. Napakasaya talaga na magshare ng mga salita...hindi ba..? base sa alam ko, isa kang writer, so writing novels might be your way of teaching others or sharing your ideas..." paliwanag niya dito.


Hindi alam ni Rei ang iisipin. Kung sakali palang liligawan na niya ng pormal itong si Ji Yeon, there would be a small chance for them to be together. Hindi niya alam na preacher in training pala ang dalaga, and the friendship they had, was mistaken by Rei as love. Nagkamali siya sa pagkakataong ito. Pangiti-ngiti nalang siya at nakinig sa mga pinag-uusapan ng mga ibang tao doon sa loob ng subdivision.


Nang iwan muna siya ni Ji Yeon para asikasuhin ang mga bisita ay sinapo niya ang noo habang iniisip ang pinasok na mundo.


"Oh no...What world have I entered! Bakit ganito pa?" reklamo niya sa sarili. Hindi siya makapag-isip ng tama sa pagkakataong iyon. Was it him that made a mistake or was it fate trying to solve out his playful heart?

Forget me NotOnde histórias criam vida. Descubra agora