Ch.29 the betrayal *edited*

2.4K 80 0
                                    

Felicity Samantha 'Fel' Pov


Halos 2 weeks ng hindi tumatawag at nagtetext man lang si nika, nagaalala na ako sakanya..

Iniisip ko naman baka sobrang busy lang niya.. Nakakailang tawag at text narin ako sakanya,

yung 1 week maiintindihan ko pa pero yung two weeks?..

Napailing nalang ako.


Ngayon lang nangyari tong ganito ah...Namimiss ko na kasi siya.. Last time sinabi niya magiging busy lang daw siya..



Ok.. Ok.. Kapag umabot pa to ng 1 month.. Mag papa book na talaga ako ng plane ticket to go to U.S..




Baka naman.. Nagpapamiss nanaman tapos
bigla nanaman akong sosorpresahin? Hmmm..

I got you nika.. Style mo talaga bulok ah..





🎶🎶Ikaw ang pag-ibig na hinintay
Puso ay nalumbay ng kay tagal
Ngunit ngayo'y nandito na
Ikaw, ikaw ang pag-ibig na binigay
Sa akin ng may kapal biyaya ka sa buhay ko
Ligaya't pag-ibig ko'y ikaw🎶🎶🎶🎶



Ring tones ng phone ko kapag may tumatawag.. Dali dali kong kinuha ang phone ko na nasa ibabaw ng table sa living area..
Baka si nika na to..

Tiningnan ko kung sino tumatawag


Mama calling....


"Hello ma? Napatawag ka?"



"Hello anak!~ nagusap naba kayo ni nika?" Si mama naman tumiteen-ager ang boses ah kaloka!




"Hindi pa,ma.. Bakit? Bat ganyan ang boses mo?parang kilig na kilig kapa diyan? Para kang kinikiliti ni papa joe ah?!" I joke.


Naku? Baka naman naunahan na ako ni nika na mag-sabi kina mama ah?!


"Anak yang si nika, alam mo bang engaged na pala sa super gwapong anak na isang sikat na business tycoon na mga Lim dito sa states?"

Engaged? Si-si nika?

Engaged?

Teka? Tama ba naririnig ko?

Baka nagpa-prank lang si mama eh.

"Prank ba to mama? I mean kailan pa?" Sinapo ko saglit ang dibdib ko na walang tigil sa pagtambol.


"Ngayun yung engagement party anak! At invited nga kami eh..at sobrang sosyal nila anak.. Alam mo ba ang swerte swerte naman niyang si nika.. Ikaw anak kailan mo kaya mahahanap ang prince charming mo?" Nahulog ko ang phone ko sa panic ko.. "Anak? Hello anak? Nandiyan kapaba?!!!"





"So-sorry ma.. Bukas na tayo magusap ma.. Late na rin kasi ng gabi dito." Pinupunas ko ang mga nangngilid kong mga luha..at pinipilit hindi mag burst out,

End call



Dali dali akong nagpunta ng room ko hinanap ko ang laptop ko.. Niresearch ko ang pangalan ng mga Lim sa business and pangalan ni nika.. Dahil alam ko baka nagkakamali lang ng dinig si mama tungkol kay nika..baka naman kasi ibang nika ang sinasabi niya eh,



Unexpected Love (girlxgirl)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin