Chapter 7

21 0 0
                                    

:Love Knot

Shaina

"Shaina! Good news!" Tumatakbo si Noreen papunta sa akin.

Nung tuluyan na syang makapunta sa akin ay agad nya akong niyakap at tumalon talon. "T-teka nga lang, Reen, ano ba yung good news?" Parang mawawalan na ako ng hangin eh. Sa wakas ay kumalas na rin sya. Mukhang tuwang tuwa pa rin sya at hindi sya makapagsalita.

"Tanggap ka bakla!"

Ah? Ano raw?

"Tanggap ka, huy!" Bago ko marealize ay napatalon na rin ako kasama sya na nakahawak sa mga kamay nya.

"Oo bakla tanggap ka nga!"

"Ahhhh! Tanggap ako! Waaahhh!"

"Hoy ang ingay nyo students! Go back to your booth!" Suway ng isang teacher sa'min, palagay ko sa ibang section. Nanahimik kami at lihim na tumawa.

"Tara, pumunta tayo sa likod ng gym, nando'n ang band mates natin." Yaya nya. Kinuha ko ang gitara at bag ko sa upuan at ngumiti sa kanya. "Tara."

Ang saya ko ngayon dahil walang Dwayne na sisira ng araw ko. Asa'n kaya sya ngayon? Kung asa'n man sya naroon, sana 'wag na nya akong guluhin ngayon dahil good mood talaga ako ngayon eh. Nabuwi-buwiset na nga ako kapag nakikita ko sya, paano na lang kaga kung sirain nya ang araw ko?

Nandito na kami. "Halika Shaina! Nandito sila!"

Hinawakan nya ang kamay ko sabay hablot nito. Sa isang banda ay may nakita akong apat na lalake.

"Guys, si Shaina pala, bagong band member ninyo."

Hindi ko kilala ang dalawa pero ang dalawa kilalalang kilala ko.

Ba't nandito sya?!

At ba't rin nandito sya?!

"Oh? Bakit nagulat ka ata, Joyce." Safjastikong sabi ni Dwayne. Tumingin lang ako kay Dean na nakangiti lang sa akin.

Bahala ka dyan, Dwayne. Nandito si Dean HAHAHAHAHA!

"Okay guys, kayo na bahala magpakilala sa sarili ninyo. May gagawin pa ako, tandaan nyo ang mechanics. Sige, maiwan na kita dito Shaina." Nagwave sya bago tumalikod, ngumisi lang ako sa kanya atsaka ako humarap sa mga lalake. Pagkaharap ko sa kanila, naka-poker face lang ako.

"Oh, kilala mo naman ako 'di ba, Joyce—"

"Dean Go, you're Shaina right?" Lumapit sa akin si Dean at nakipag-kamay.

Bigla akong nanlamig. Ang gwapo nya talaga. Sheeet! Kapag ngumingiti sya, lalo lamang nadadagdagan ang kaguwapuhan nya.

"Ehem!" Pinilit ni Dwayne na humarang sa pagitan namin. Humarap sya kay Dean. "Sorry ah, hindi mo pala alam na nagsasalita pa ako." Humarap na sya muli sa akin at naka-poker face na naman.

"Ang bastos mo." Sabi ko sa kanya. Para akong bato na hindi makagalaw.

"Talaga? Eh pansinin mo yung nasa likod ko hindi ba bastos." Sumipat sya kay Dean na nasa likod.

Umalis na lang ako sa kinatatayuan ko at naglakad palayo sa kanila.

Nakita ko naman yung dalawang lalakeng nakaupo sa drum set, ang isa naman ay nasa piano. Ang cute nung nasa drum set, chubby.

"Hi, ako nga pala si Paulo John, tawagin mo na lang akong Paupau." Ngumiti sya sa akin at ngumiti na rin ako. Ang cute nya, mataba sya pero ang kinis at ang puti. Parang panda.

"Ako naman si Zeeg." Ngumisi sya kaya ngumisi na rin ako.

"Shaina o Shai na lang para hindi masyadong mahaba."

Dwayne's Warning (D-WARNING) (Completed) (Editing)Where stories live. Discover now