Chapter 31

13 0 0
                                    

:Try or set her free

Dwayne

Napakuyom ang kamay ko dahil sa nakita. Yes, I know she will fall for Dean dahil una pa lang, sya na ang sentro ng istorya. Gusto nya si Dean. Kahit hindi ko marinig kung ano ang pinag-uusapan nila, parang sinasaksak na ang puso ko ng libo-libong kutsilyo dahil sa sakit.

I want her to listen to my heartbeat.

Alam kong una pa lang si Dean na ang pipiliin nya because on the first place, sya talaga ang gusto ni Shaina.

But what about me? Should I tell her that I love her so much? Maniniwala ba sya kung sasabihin ko iyon o balewala lang sa kanya? Natatakot akong kapag nalaman nya ang totoo at nagtapat ako, she'll run away.

Try or set her free with Dean?

Hindi ko na silang kayang tignan kaya bumalik na ako sa stretcher at pinilit matulog. Swerte sya't may kasalanan rin ako sa kanya, kung hindi, matagal ko na syang pinakulong.

Ano ba, Dwayne?

"Dwayne lumaban ka!"

Naisip ko muli ang sigaw ni Shaina. So, dapat ba akong makipag-kompitensya kay Dean?

Narinig kong bumukas ang pintuan. Akala ko sina Noreen na, hindi pala. Si Dean.

Umupo sya sa tabing upuan ng stretcher. "Anong kailangan mo dito?" Bungad ko kaagad sa kanya na hindi sya tinitignan.

"Gusto ko sanang... Gusto ko sanang humingi ng tawad." Bumangon ako at umupo, nakatalikod sa kanya.

"Sabihin mo sa'kin. Kaya ba humihingi ka ng patawad dahil nagsisisi ka o humingi ka ng tawad dahil gusto mo si Shaina?" Tumayo ako at naglakad papunta sa kanya at hinarap sya. Tumayo rin sya kaya nagkaharapan kami.

"Una, tama nang napuruhan ka dahil sa ginawa mo kay Enya. Balak ko pa sanang tuluyan kaso naisip ko si Shaina." Umigting ang panga ko. "Nasa dalawaang paghingi ko ng tawad. Nagsisi ako dahil nadamay pa si Shaina, humingi rin ako ng tawad dahil gusto kong ipaalam sa'yo na ginagawa ko ang paghingi ko ng tawad para kay Shaina dahil gusto ko sya."

"So, yun lang ba? Pwede ka nang lumabas."

"Meron pa," tinignan ko sya pero ngayon, puno ng inis ang puso ko.

"Kukunin ko si Shaina."

Mas lalong umigting ang panga ko.

"Do whatever you want."

"Gusto ko lang ipaalala sa'yo na kung may nararamdaman ka para kay Shaina, sabihin mo na ngayon para maglaban tayo ng patas. Lalake sa lalake para sa puso ng babae." Hindi ko na napigilan ang sarili ko at sinagot na sya.

"Yes, I had this feelings for her. You'll do your part and the same as I'll do my part. Ikaw na mismo ang nagsabi, lalake sa lalake para sa puso ng babae."

"So, may gusto ka rin sa kanya."

"Malabo bang sinabi ko o kailangan ko pang ulitin?" Ngumisi sya ng nakakaloko.

"Malinaw na sa'kin ang lahat. Ikaw at ako, magtutuos para kay Shaina? That's exciting." Tumawa sya. "I'll make sure na mapupunta sya sa'kin."

Tinapik nya ang balikat ko nang lumagpas na sya sa akin at tuluyan nang umalis.

"Kuya? Anong nangyari? Binantaan ka ba nya?" Narinig ko ang umalingawngaw na boses ni Noreen. Humarap ako sa kanya at bumungad kaagad sila Josh sa harapan ko.

Dwayne's Warning (D-WARNING) (Completed) (Editing)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora