Chapter 32

11 0 0
                                    

:'Oo'

Shaina

Five days. Five days na ang nakalipas simula nung nasa ospital ako. Maayos na ang pakiramdam ko at nakauwi na ako ng bahay.

Sa ngayon, nag-iisa akong kumakain sa canteen ng large pie. Large pie is life.

Ganun na lang ba yun? Hays. Hindi pumasok ngayong umaga si Dwayne. Masakit pa rin ba yung mga pasa nya? Eh five days na nga eh. Wow, grave sya. Kung ikaw kaya mabugbog ng ilang oras at paluin ng ilang beses ng tubo, 'di ba masakit?

Eh sa kapre sya eh. Pero sa totoo lang, wala rin sya five days. Nasa ospital parin ba sya? Kung gano'n... Malala parin ba ang kalagayan nya? Eh mukhang bato na ang katawan nya, siguradong tinatamad lang yung pumasok.

Pagkatapos kong kumain ay pumunta ako ng school garden. Nagiisip-isip lang, nagpapahangin. Nagtext kasi sa'kin si Noreen at Paupau na busy sila. You know, student council at banda.

Hindi rin pumasok si Dean...

Tama nga pala, si Dean. Natatandaan ko yung sinabi nya na gusto nya raw ako. Nagtataka ako kung bakit ako na ang raming magaganda at matitinong babae kesa sa akin.

"Panget."

"Ay kalabaw!" Halos mapatalon ako. Iisa lang naman ang tumatawag sa akin ng 'panget' eh. Sino pa nga ba?

Humarap ako sa kanya at sinamaan sya ng tingin. Wala na akong glasses dahil nawala. Hay, malas. Todo dikit na naman ang mga mata ko sa board.

"Ano bang ginagawa mo dito?" Pagsusungit ko, pero sa totoo lang, namiss ko yung pagtawag nya sa'kin at yung presensya nya. Aish! Ano bang iniisip ko?

"Hindi ba pwedeng pumunta rito?" Sagot nya.

"Edi sige. Aalis na ako." Tumalikod na ako.

"Teka." Tumigil ako at padabog na hinarap sya. Tumaas ang isa kong kilay. "Suotin mo 'yan. Mukhang wala ka kasing pambili ng salamin." Aba, nagiinsulto ba sya?

May iniabot sya sa akin na sisidlan ng salamin. Yung box? Tatanggapin ko ba o hindi?

"Ang bagal, tsk." Mukhang nainip ata at binuksan na ang box sabay kuha sa glasses. Itim ang boarder nito at parang mamahalin. Binuka nya ang salamin at sinuot sa akin. Patulak pa talaga yung pagsuot nya ah. Ang gentle dog.

Luminaw ang paningin ko. Aba ang ganda ah.

"Mukhang ang mahal ata nito ah." Nagtitingin tingin pa ako sa paligid. Ang ganda kasi, ng linaw sa paningin.

"Ang mura lang nyan." Ay grabe sya, ibig sabihin ba, Made In China ito? Sa unitop lang?

"2,700." Napaluwa ang mga mata ko sa sinabi nya at at sinusuntok ang dibdib dahil nabilaukan ako. 2,700?! Mura?! Nagbibiro ba sya ha?!

"Baka ikaw ang may kailangan nito. Anong mura? Sa'n ka makakakita ng 2,700 na mura?! Grabe, ibabalik ko na 'to—"

"Sa'yo na 'yan. Ano, ibabalik ko ulit sa'kin matapos ko 'yang bilhin para sa'yo? Kung sa iyo mahal 'yan, well sa akin hindi." Ay, okay.

"Salamat na rin."

"No thanks." Aba ang yabang rin nito. Tumatawa na sya.

Bakit ang saya ko ngayon? Dahil ba may bago akong salamin? Hindi naman siguro. Masaya ba ako dahil present sya? Aish! Hindi!

Dwayne's Warning (D-WARNING) (Completed) (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon