Chapter 34

9 0 0
                                    

:Wallpaper

Shaina

Hindi parin ako makapag-isip ng matino dahil sa nangyari kahapon. Ngayon, nandito na ako sa school at wala man lang akong nakita na Dwayne. Yung mga sinabi nya kahapon, tumatak yun sa akin.

Talaga bang... Hindi ko pa maikompirma. Basta ang alam ko lang, totoo yung mga narinig ko kahapon. Ang mga katagang binitawan nya.

Papasok na ako sa corridor at nakita ko kaagad si Dwayne na may kaakbay sa bawat gilid na mga babae, nagtatawanan. Nagtama ang mga mata naming pero hindi lang naman sya bumati at huminto. Hindi na nya ako pinansin at nagpatuloy sa usapan nila.

Parang nanghina ako bigla. Ano bang ineexpect ko galing sa kanya? Ngiti? Bati? Pang-aasar na dati pa nyang ginagawa? Pagtawag sa akin ng panget?

Parang hindi na ako makahinga ng maayos. Bakit ako ganito kung gayon wala lang naman sya sa akin at wala lang ako sa kanya? Nababaliw na yata ako.

"Dwayne, 'di ba sya yung Winarningan mo?"

"Yeah, I saw her."

Nadinig ko 'yon sa likod ko. Sigurado akong mga babae yun ni Dwayne ang nagsalita.

"Do want a show girls?" Nadinig ko si Dwayne. Nagtawanan ang mga babae. Hindi ko alam kung ano ang gagawin nila. Bahala na sila.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad nang may naramdaman akong malamig na tubig sa ulunan ko. Napasinghap ako ng malalim. Hindi ko alam kung ano ang irereact ko o kung ano ang gagawin ko.

Nanatili lang akong nakaestatwa ro'n. Habang binubuhusan parin ako. Narinig ko ang tawanan ng mga babae sa likod.

Hinarap ko sila at ang mismong nakita ko ay si Dwayne. Nanlulumo ang buong katawan ko at gusto kong umiyak.

Humakbang sya paatras at tinapon sa akin ang wala nang laman na mineral water.

Bakit naman ako malulungkot eh hindi ba't ito naman talaga ang ginagawa nya simula nung una?

Tumulo na ang nga luha ko sabay sa pagbagsak ng bawat patak ng tubig na nanggagaling sa ulunan ko.

"Trabaho ko ito 'di ba? Kung nasanay ka nang inaasar lang kita, nagbago na ako ngayon. Balik sa dati."

Tunalikod sya at inakbayan ulit ang mga babae. Muli syang napatigil at pinuntahan na naman ako. Akala ko patatahanin nya ako pero tulad nung una kaming nagkita, nilagyan nya ng Warning sign ang noo ko na syang nagpa-atras sa akin ng iilang hakbang bago humalakhak pati na rin yung mga babae sa likod.

Nanatili akong estatwa sa kinakatayuan ko nang hindi parin sya umaalis.

Ganyan ka na ba talaga, Dwayne?

"Oh, bakit ka umiiyak? Asa'n na ang Dean na ipinagmamalaki mo? Huh?" Tinulak pa nya ako sa braso dahilan ng pagbuhos ng mga luha ko. Nagpipigil ako ng hikbi dahil ayaw kong humagulgol.

Dwayne's Warning (D-WARNING) (Completed) (Editing)Where stories live. Discover now