IKALAWANG KABANATA: Mga Detalye

5.9K 215 58
                                    

Pagpasok nila sa loob ng bahay ay laking gulat ni Xander nang maabutan niyang nagbabatuhan ng plato sina Xandra at Andrei, ang nanay at tatay niya. Agad na lumapit si Xander sa mag-asawa at pinatigil at sinabihan na mahiya naman sa bisita. Dahil dito ay napatigil sa pag-aaway ang mag-asawa.

“Ano ka ba Xander? Okay lang ‘yun no! Ganyan din nanay at tatay ko dati, kaya lang tumigil sila sa pag-aaway nang sumakabilang buhay ‘yung tatay ko,” paliwanag ng dalaga.

Lumapit si Rain sa mag-asawa at nagmano kaya laking gulat niya sa inasal ng babae. “Pasensya na po at nanggugulo ako, a. Eto ho kasing anak niyo tinulak ako sa manhole kaya ang dungis-dungis ko ngayon. Saan ba kwarto mo, Xander? Gusto ko nang magbihis.”

Bumalik siya sa realidad nang tanungin siya ni Rain. “Ah ano, sa taas. S-samahan na kita.”

Umakyat na silang dalawa sa taas at dumeretso sa loob ng kwarto niya.

“Sorry talaga, Rain. Naabutan mo pang nag-aaway sina Mommy at Daddy.”

“Ang taray talaga! Mommy at Daddy? Pangmayaman ‘yun ah! Ang tawag ko nga sa mga magulang ko, inay at itay lang, e! Teka, pahiramin mo na ko ng damit! Gusto ko nang magbihis!”

“Ah, oo teka. Mamili ka dito, o.”

Lumapit si Rain sa closet at nagsimulang mamili ng damit. “Grabe! Ang linis na nga ng kwarto mo, ang linis pa ng damitan mo. Lalaki ka ba talaga?”

Salita nang salita si Rain habang naghahanap ng pwedeng masuot. Ang kaninang maayos na kwarto ni Xander ay biglang nagulo dahil basta-basta lang makapaghagis ng damit si Rain kapag hindi niya nagugustuhan ang damit na nakikita.

Hindi malaman ni Xander sa sarili kung bakit hindi siya naiinis kay Rain. Ang mga ganitong klaseng babae ay bihira lang niyang makasalamuha dahil nanggaling siya sa pagiging mayaman. Kaya kadalasan ng babaeng nakikilala niya ay mga mahihinhin, elitista, sosyal. Pero si Rain? Ibang-iba.

“Eto na lang! May CR ka ba dito sa kwarto mo? Pagamit na rin ako ha!”

“Sige lang.”

Pumasok na sa CR si Rain at inayos naman ni Xander ang mga damit niya. Hindi naman siya nainip sa paghihintay dahil habang naliligo si Rain ay panay ang kwento niya. Rinig na rinig sa loob ng kwarto ang lakas ng boses ni Rain at paminsan-minsan ay kumakanta pa nga.

Lumabas na si Rain ng CR at natawa si Xander dahil nagmukha itong gangster sa suot na damit.

“Ayos! Ang presko!”

Umupo si Rain sa kamaat nanghalwat ng gamit ni Xander at nang may makita siyang suklay ay agad niyang sinuklay ang buhok niya. “Lalabhan ko na lang ‘tong damit mo ha? Tapos ibabalik ko na lang sa’yo tutal alam ko na naman bahay mo. Saka itong boxer mo, lalabhan ko na rin lang.”

Nanlaki ang mata ni Xander sa narinig. Agad siyang tumabi kay Rain. “Anong boxers?! Wala ka namang kinuhang boxer dito sa damitan ko ah?!”

“Nakita kong nakasabit dun sa CR eh. Kinuha ko na lang.”

“Ano?!”

“Ang OA naman nito! May mga nakasabit pa ngang brief dun eh! Buti na lang hindi ‘yun ‘yung sinuot ko.”

“Rain, naman! Bakit mo naman sinuot ‘yun? Personal kong gamit ‘yun eh!”

“Ibabalik ko naman! Arte nito!”

“Kahit pa!”

“O, ‘di ito na! Huhubarin ko na!”

When Rain FallsWhere stories live. Discover now