IKAPITONG KABANATA: Ang Pagbabalik

3.6K 137 45
                                    

PASENSYA NA SA NAPAKATAGAL NA UPDATE. ANG DAMI KO LANG TALAGANG GINAGAWA. MUKHA NGANG WALANG NAGHIHINTAY NG UPDATE NITO HAHAHAHA.

+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Uwian na nila Rain pero hindi pa rin siya tumatayo mula sa kinauupuan niya kaya pinuntahan na siya ng tatlong kaibigan.

“Huy, Ulan! Ayaw mo pa bang umuwi?” tanong ni Pipoy sa kanya.

“Saka may trabaho ka pa ‘di ba? Kasama ang iyong prinsipe na si Xander James?” sambit naman ni Kiko dahilan para magtawanan ang tatlong kaibigan.

“Mga siraulo talaga kayo eh no!” Isa-isa niyang pinalo ng libro sa ulo ang tatlong kaibigan.

“Aray naman, Rain! Hindi na mabiro.” Hinahaplos pa ni Toper ang ulo habang nagsasalita.

“Ang kulit niyo kasing tatlo, e.”

“E, bakit nga ba kasi andyan ka pa? Tara na! Uwi na tayo,” yaya sa kanya ni Kiko.

Nagulat ang tatlo niyang kaibigan nang bigla na lang niyang isandal ang pisngi sa desk ng upuan niya at niyakap ito ng lubusan. “Ayokong umuwi kasi mahal na mahal ko ‘tong upuan ko! Ayokong mahiwalay sa kanya! Hindi ko kakayanin!”

Sabay-sabay na nagtawanan ang tatlo niyang kaibigan at pabiro siyang binatukan.

“Baliw na ‘tong Ulan na ‘to! Tara na nga mga pare. Baka mahawa pa tayo dito.” Niyaya na ni Pipoy ang dalawa pang kaibigan paalis ng classroom.

Pagkalabas ng classroom ay naiwang mag-isa si Rain. Napanguso siya at napakunot ang noo nang muli niyang naaalala ang nangyari sa kanilang dalawa ni Xander. Hinawakan niya ang labi niya.

Ang lambot ng labi ni Xander.

“Ano ba Rain umayos ka ngaaaa!” Sinabunutan pa niya ang sarili at pinagsasampal ang pisngi.

“Bakit sinasaktan mo sarili mo?”

Nanlaki ang mga mata niya nang may narinig siyang pamilyar na boses galing sa likod. Sigurado siyang si Xander iyon at hindi niya magawang lingunin ito.

“Rain…”                   

Napalunok siya. Naramdaman niyang papalapit sa kanya si Xander at bigla na lang siyang sumigaw nang hawakan siya nito sa balikat. Tumayo siya at tumakbo palayo kay Xander hanggang sa makarating siya sa may blackboard.

“Bakit mo ba ko tinatakbuhan, Rain?”

Papalapit sa kanya si Xander kaya papaatras siya ng papaatras hanggang sa makarating na siya sa sulok ng Classroom.

“Lumayo ka sa’kin, Xander James! ‘Wag kang lumapit!”

Namula siya nang makita niyang nag-smirk si Xander.

“Do you know how sexy it is whenever you say my whole name?”

Lalo namula ang mukha niya at sobrang bilis na ng tibok ng puso niya.

“Anong sexy sinasabi mo diyan?! Saka bakit ka ba nag-e-english?!”

“Napapa-english ako kapag nate-tense ako.”

“B-bakit ka nate-tense?”

Lumapit pa lalo sa kanya si Xander kaya bigla na lang siyang tumakbo palayo pero nahabol din kaagad siya nito at niyakap sa bewang.

When Rain FallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon