IKALIMANG KABANATA: Jejejejeje

3.6K 150 17
                                    

Pagkalabas  Classroom ni Rain ay nakita niya si Xander na nakasandal sa may pader at hinihintay siya. Sa totoo lang ay nagagwapuhan siya kay Xander. Pero nagtataka siya kung bakit hindi siya ‘yung tipong gustuhin. Hindi siya nililingon ng mga kababaihan o tinitilian o kahit ano pa.

Sabagay, gwapo nga, wala naman kadating dating. Psh!

“Boss.” Naisipan niyang tawaging Boss si Xander sapagkat tinawag siya nitong Ma’am kanina.

Napalingon sa kanya si Xander at ngumiti ng malapad. “Andyan ka na pala, Ma’am.”

“Tara na?”

“Tara!”

Kagaya ng nakaugalian ay nakasakay sila sa bisekleta papunta sa bahay nila Rain.

“Hinto! Andito na tayo.”

Huminto naman si Xander at pinagmasdan ang bahay na asa harap niya. “Bahay niyo ‘to? Dito ka nakatira Ma’am? Astig ah! Palasyo nga! Mas malaki pa kesa sa bahay namin dati.”

“Timang! Huwag ka ngang excited diyan! Nakapasok na ba tayo?”

“Sorry naman.”

Pumasok silang dalawa sa loob ng gate bitbit ang bike pero laking pagtataka ni Xander kung bakit sa may likod ng bahay sila pumunta.

“Saan mo ba ko dadalhin, Rain? Sabi na nga ba myembro ka ng kawatan, e! Sindikato ka no?!’

Tinignan ng masama ni Rain si Xander. “Kung ipalapa kaya kita sa Leon?”

“’Di na mabiro. Saan ba talaga kasi bahay niyo?”

“Andito na tayo.”

Tumingin si Xander sa bahay na asa harap niya. “Bahay niyo ‘to? E, bodega lang ‘to, e.”

Tumungo si Rain at inilagay na ang bike sa gilid at tumingin kay Xander. “Alam mo naman siguro kung paano lumabas ‘di ba? Pagkalabas mo maglakad ka lang pakaliwa tapos huminto ka sa may kanto. Madaming pedicab at tricycle dun na pwede mong sakyan pauwi. Sige na, madami pa kong assignment.”

Tumalikod na siya kay Xander at dere-deretsong naglakad palayo pero hinawakan ni Xander ang braso niya. “Bakit mo ko pinapaalis?”

Lumingon siya kay Xander at binawi niya ang kamay. “Dahil alam kong maaasiwa ka na sa’kin kaya inihanda ko na ang sarili ko. Oo, dito lang kami nakatira, mas malaki pa ang kwarto mo kesa sa bahay namin ‘di ba? ‘Yung malaking bahay sa harap? Doon nagtatrabaho ang Nanay ko bilang Gardener. Kaya bago ko pa marinig ang mga panlalait—“

When Rain FallsWhere stories live. Discover now