IKA-APAT NA KABANATA: Nararamdaman

4.4K 150 18
                                    

DEDICATED KO SA KANYA <3 HI BEBE :D

GINAWAN NIYA KASI AKO NG BOOK COVER KAHIT HINDI KO NAMAN HINIHINGI. ANG SWEET :">

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Ganun na nga ang nangyari, si Xander ang nagba-bike, at nakaangkas naman si Rain.Pagkadating nilang dalawa sa School nila ay napakadaming bumabati kay Rain.

“Ayos ah. Bakit hindi mo subukang tumakbo bilang presidente ng Council?” tanong ni Xander.

“Hassle ‘yun, e. Dito na nga pala room namin. Ikaw ba?”

“Sa kabilang wing pa eh, sa 3rd floor.”

“Akyat ka na, papasok na ko sa room ko."

“Bukas ha? Sabay tayong pumasok sa trabaho tapos deretso dito sa school pagkatapos.”

“Saka mamaya! Puntahan mo ko dito ha? Sabay tayong umuwi. ‘Di ba sabi ko sa’yo ikaw naman ang dadalhin ko sa bahay ko?”

“Oo nga pala. Paano ‘yan? Babay na muna?” Ngumiti siya ng napakalapad na siya namang ginantihan ni Rain. Hindi malaman ni Xander sa sarili kung bakit ganito ang nararamdaman niya.

“Sa tingin ko, wala ka pang kaibigan dito sa School. Okay lang ‘yan. Simula ngayon,” umakbay sa kanya si Rain, “mag-Bestfriend na tayo. Okay lang ba?”

“Okay na okay!”

At muli silang nagngitian sa isa’t-isa.

Matamlay na umuwi si Xander sa kanilang bahay at matamlay din naman siyang sinalubong ng kanyang ina.

"O? Mommy? Anong problema mo?"

"Walang ulam," at sumimamngot ng lubos ang kanyang ina.

"O, ayan." Iniangat niya ang kamay niya para maabot ang bitbit na plastic sa ina.

"Wow, anak! Ulam ba yan?"

"Hindi po, baka kotse." Huminga siya ng malalim at naglakad na papunta sa hagdan.

"Anak? May problema ka? Bakit ang tamlay mo? Wala ka ring ulam?"

Hindi niya pinansin ang ina. Dere-deretso lamang siya sa kwarto niya at inihagis ang sarili sa kama.  Ipinikit niya ang mga mata niya at naaalala ang nangyari kanina.

"O ano? Sabi mo sa’kin dadalhin mo ko sa bahay niyo?" panimula ni Xander kay Rain habang papalabas na sila ng gate ng School.

"Oo naman! Ano? I-angkas mo ulit ako?"

Nagngitian silang dalawa at pupunta na sana sa lugar kung saan naroon nakaparada ang bisekleta. Kaya lang ay may nag-ring na cellphone. Dumukot sa bulsa si Rain at kinuha ang cellphone niyang napaglumaan na ng panahon.

"Hello, Nanay? O bakit po? Ano? Ha? ‘Yung gamit natin? Teka! Bakit daw po? Hala! Paano na ‘yan? Opo, Nanay! Uuwi na po ako kaagad! O, andyan na! Ayan na! Bilang kayong 100 seconds Nay makikita niyo na kagad ako sa labas ng bahay! Opo, Nanay! Babay!"

Nilingon muli ni Rain si Xander. "Xander! Sorry talaga ha?! Patawarin mo ko! Hindi kita madadala sa palasyo namin! May emergency kasi sa bahay, e! Promise talaga bukas!"

Akmang aalis na sana si Rain pero bigla siyang hinawakan sa kamay ni Xander.

"Xander naman, sa isang taon ka na mangulit. Emergency lang talaga."

When Rain FallsWhere stories live. Discover now