IKA-LABINGTATLONG KABANATA:

3K 131 20
                                    

HI, EVERYONE.

HINDI PA PALA 'TO EPILOGUE HAHAHA. SORRY, NADULING AKO DUN SA OUTLINE NG PLOT KO, AKALA KO EPILOGUE NA NEXT HAHAHA. NEXT PA PALA 'YUNG EPILOGUE :)

ANYWAY, SA LAHAT NANG HINDI MAKABASA NANG MGA UPDATES DAHIL DAW WALANG LAMAN AND KUNG ANU-ANONG NAKASULAT, MAY PROBLEM ATA SA WATTPAD BETA IF I'M NOT MISTAKEN. SO I THINK IT WOULD BE BETTER KUNG SA PC NA LANG KAYO MAGBASA HEHE.

__________________________________________________________

Pagkalabas nila ng Restaurant ay natatawa pa rin silang dalawa.

Napatingin si Xander sa paligid “Grabe, gabi na pala hindi ko namalayan ‘yung oras.”

“Oo nga no? Masyado tayong nag-enjoy. O pano na ‘yan, Xander? Kailangan na nating maghiwalay, uuwi na ko, e.”

“Hatid na kita.”

“May kotse ako, pano mo ko ihahatid?”

“Ah, eh, Sakay tayo sa kotse mo tapos ako magda-drive.”

“May driver ako.”

“Eh ‘di ano, basta! Sasabay ako!”

Napailing si Rain at napangiti, “Oo na! Ikaw talaga.”

Napangiti rin naman si Xander. Sa totoo lang ay ayaw pa niyang iwan ang dalaga.

Kinuha ni Rain ang cellphone niya sa bulsa at tinawagan ang driver niya para magpasundo. Nagkwentuhan muna sila ni Xander habang naghihintay. Hindi rin naman nagtagal ay dumating na ang driver nito.

Pumasok na silang dalawa sa kotse. “Ah manong, si Xander nga ho pala, ‘yung kinekwento ko sa inyo na Best friend ko.”

Lumingon sa kanila ang driver at tinignan si Xander. “Ah, siya pala ‘yun.”

Nailang si Xander dahil nahalata niyang masama ang tingin sa kanya ng driver. Nang ibinalik ng driver ang tingin sa manibela ay agad siniko ni Xander si Rain.

“May galit ba siya sa’kin? Bakit ganun s’ya makatingin?” bulong niya kay Rain.

Mahinang natawa si Rain at bumulong din kay Xander, “’Wag mo nang pansinin.”

Pagkadating nila sa tapat ng bahay ni Rain ay agad pinagmasdan ni Xander ang bahay.

“Ang laki ng bahay niyo Rain.”

“Dahil ‘yan kay Tatay. Hindi ko rin naming akalain na makakatira ko sa ganitong kalaking bahay, e.”

Lumabas ang driver mula sa kotse at tinawag si Rain, “Hindi ka pa ba papasok sa loob, Rain? Gabi na.”

“Sige po, susunod na lang po ako.”

Tinignan ng masama ng driver si Xander bago tuluyang pumasok sa loob ng kotse at nagmaneho.

“Rain, bakit ganun ‘yung driver mo? Nakakatakot talaga, e. Driver mo ba talaga ‘yun? Baka naman tatay mo ‘yun.”

“Timang! Driver ko talaga ‘yun!”

“E, bakit ganun siya makatingin sa’kin? Saka bakit parang napakastrikto?”

“Nakwento kasi kita sa kanya. ‘Yung mga nangyari sa’tin, saka isa siya sa mga dumamay sa’kin nung gabi-gabi akong umiiyak nang dahil sa’yo.”

Natigilan si Xander. “Ganun ba talaga kasakit ‘yung ginawa ko sa’yo? Gabi-gabi kang umiiyak?”

“Hay naku, Xander! Eto na naman tayo, magta-time travel ka na naman ba sa nakaraan? Okay na nga kasi ako.”

“Sabi ko nga, e. Bakit ba kasi paulit-ulit ako?”

“Ewan ko sa’yo, Xander, umuwi ka na nga!”

“Hindi mo man lang ba ko papasukin?”

“Hindi! Sige na, uwi na.”

“Sige na nga. Goodnight Rain, salamat sa time.”

“Wala ‘yun! Goodnight din.”

“Namiss kita.”

Laking gulat ni Rain nang bigla siyang halikan ni Xander sa labi dahilan para itulak niya ito ng malakas.

“S-sorry.”

“Sorry? Manghahalik ka na lang bigla tapos magso-sorry ka tapos ano? Ine-expect mo na tatanggapin ko kaagad ‘yang sorry mo? Xander, hindi na ako ‘yung dating Rain na nakilala mo noon! ‘Yung Rain na pwede mong halikan kapag gusto mo, hindi na ako ‘yung Rain na madaling mauto!” Hindi na niya napigilan ang bugso ng damdamin at pumatak ang luha mula sa mata niya. “Kung andito ka para lokohin ulit ako, para paasahin ako at para saktan ulit ako, utang na loob. Xander itigil mo na ‘yan! Hindi pa ba sapat ‘yung pananakit mo sa’kin noon?! Kaya ba lumalapit ka ulit sa’kin ngayon para ipagpatuloy mo ang misyong saktan ako?!”

“Rain, hindi ganun ‘yun..”

“E, ano? Saka teka, may girlfriend ka ‘di ba? Alam ba niya ‘tong kalandiang ginagawa mo?”

“Rain, makinig ka naman sa’kin, o.”

“Tama na, Xander. Sawang sawa na ko sa kasinungalingan mo. Umalis ka na.”

“Rain, please.”

 

“Umalis ka na sabi! At ‘wag na ‘wag ka nang magpapakita sa’kin kahit kailan!”

_____________________________________________________________

VOTES AND COMMENTS ARE HIGHLY APPRECIATED <3

When Rain FallsOnde as histórias ganham vida. Descobre agora