Chapter 10 - I like you, Nyx. I really do.

84K 1.7K 97
                                    

Chapter 10 - I like you, Nyx. I really do.

This is dedicated to you JS_JULIANEBEST. :)) It was nice chatting with you.  I really enjoyed it. ^___^

Nyx Lorelei's POV

"Tito Kent.." tawag ko sa pangalan ni Uncle pagpasok ko ng bahay. Kararating ko lang at nadatnan ko siya sa office niya na busy na nagbabasa ng papeles.

"Nandito ka na pala. You need anything?" he said without looking at me.

"Y-yes.."

"May ipapabili ka ba? May gusto ka bang--"

"No Tito, i want to know more about my parents killers. I know i told you before na hindi pa ako handa but now.. now i am ready to hear everything." Nakatingin lang sa akin si Tito. Mukhang nagulat sa mga sinabi ko. 

"N-nyx.. A-are you sure? Baka.. baka nabibigla ka lang?" his face is full of apprehension. Parang nagdududa sa mga pinagsasabi ko.

"I am sure, Tito Kent." i said full of confidence. I heard him sigh.

"Walk with me?" his hand gestures. Lumapit ako sakanya at inakbayan niya ako papunta sa likod ng bahay. Giniya niya ako papunta sa Pavillion ng palikuran, sa katabi ng pool. Tumingin siya sa malayo and again, i heard him let out a heavy sigh.

"Tito Kent.. kung hindi niyo po kayang sabihin sa akin.. O-ok lang." sabi ko kahit hindi yun ang gusto ko. Ayokong maging inconsiderate na baka na-traumatize din siya sa mga nangyari.

"It was the day before your birthday when i first saw your parents so bothered. I once asked them what the problem is.. but they didn't tell me. My sister said i have to protect you no matter what happen. Na h'wag akong aalis sa tabi mo." Medyo napapapiyok si Tito Kent sa mga sinasabi niya.

I remembered the night before my birthday, natulog si Tito Kent sa tabi ko dahil gusto niya daw akong bantayan. And me.. as the usual Tito's girl, pumayag dahil masayang kasama si Tito Kent. He acted 12 years old when he needed to. He played with my dolls when i told him to. Ganun ako kamahal ng Tito Kent ko. At so far.. yun pa lang ang malinaw sa isipan ko.

"Umaga nun.. busy na ang lahat sa birthday party mo. Narinig kong nag-aaway ang mommy at daddy mo kung icacancel ang party mo o hindi. Hindi sa akin malinaw ang lahat pero ang alam ko, sobrang eager ang Kuya Leroi na wag ituloy ang birthday party mo." Kahit hindi ko makuha ang point ni Tito, naantili akong tahimik at nakikinig.

Vampire City 2: Black RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon