Chapter 52 - Getaway

51K 1.2K 41
                                    

Chapter 52 – Getaway

Lorelei’s POV

“Can we play hide and seek?” rinig kong sabi ng anak ko sa isa sa mga kawal.

“Hindi po pwede, Mahal na Prinsepe eh.” Napapakamot na sabi no’ng kawal. Lumapit ako sakanila.

“Hunter, anak.” Masiglang napalingon naman si Hunter.

“Mama, nabo-bored na po ako.” Nakangusong sabi ng anak ko. Napangiti lang ako. Ang cute cute niya kapag nagpa-pout. Para lang si Aric ang nguso. Hahaha

“Gusto mo bang pumunta sa mundo ng tao?” bulong ko sakanya. Agad naman siyang tumango.

“Ok lang po ba kay Papa?” tanong niya.

“Hindi siya papayag pero tatakas tayo. Gusto mo ba?”

“Opo! Opo!” masaya niyang sabi.

“Bihisan muna kita saka tayo lumabas ng portal, opo?” sabi ko saka ko ginulo buhok.

Pinagsuot ko lang ng jumpers at pinagsuot ng red cap. Kahapon binilhan siya ng madaming damit ni Kyla. Tuwang tuwa siya kasi may anak-anakan na daw siya.

“Excited na ako, Mama.”

“Shhh… Quite ka lang at baka may makarinig sa atin.” Pareho kaming bumingisngis.

Pa-simple lang kaming naglalakad palabas ng kaharian. Wala namang nagdududa na lalabas kami since naka-rugged lang akong suot.

“Mama baka mahuli tayo ni Papa. Hindi po kaya hanapin niya tayo?” natatawang sabi ni Hunter.

“Hayaan mo na. paminsan-minsan mamiss naman niya tayo.” Nakatawa kong sabi.

“hala? Si Mama talaga. Eh Mama ang layo pa po ng lalakarin natin.” Reklamo ni Hunter.

“Wala akong kotse anak eh.”

“Kapit ka na lang po sa akin, Ma.” Inabot niya kamay niya sa akin.

“Bakit?”

“Teleport po tayo.”

“Aba marunong ka na no’n?” mangha kong tanong.

“Oo naman po.” Sabi niya saka hinawakan kamay ko.

Naglalakad lang kami ng anak ko pero parang ang bilis naming naglalakad. Para na lang ngang isang guhit ang paligid sa sobrang bilis nito. Napakamakapangyarihan talaga ng anak ko. Syempre hindi siya sa akin nag-mana kundi sa Papa niya.

“Nandito na po tayo, Mama.” Nasa isang Park kami. Maraming tao dito na nagpipicnic. Masayang pamilya na nagbabonding. Nakakainggit kasi hindi ko ‘to naranasan. Pero hindi ko hahayaan na maging kagaya ko ang anak ko. Ipaparamdam ko sakanya na buo ang pamilya niya at napakadami ng nagmamahal sakanya.

“Mama! Gusto ko no’n Mama!” tinuro niya ‘yung cotton candy. Lumuhod ako sa harap niya para maging magka-level kami. Tinignan ko siya ng maigi.

“Hindi pwede anak. Isa kang vampire, hindi kumakain ng pagkain ng tao ang mga tulad niyo. Kagaya ng Papa mo, he don’t eat human’s food.” Umilin naman siya sa akin.

“No, Mama. I can eat human’s food. Grand Lolo Vladimir and Lolo Hansel say I’m a hybrid vampire. I can be human if that’s what I want or can be a vampire if I say so.”

“Huh? Hindi ko ata ‘yon alam. So kagaya ka ng Tita Avia mo?”

“Hindi ko po alam, Mama. Sabi din po ni Lolo Hansel kailangan magsimula na daw po akong mag-aral kasi tagapagmana ako ni Papa.”

Vampire City 2: Black RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon