Chapter 49 - I love you, bestfriend

50.9K 1.3K 41
                                    

Chapter 49 – I love you, bestfriend

 

Kyla’s POV

“Mi.” napalingon ako sa tumawag sa akin saka napangiti. Wala namang ibang tumatawag sa akin ng gano’n kundi si Edric lang. Mi at Di ang tawagan naming. Ang korny pero nakakakilig pa din.

“May surpresa ako sayo, Mi.” sabi niyang nakangiti.

This past few weeks, lagi akong ginagawan ng surpresa ni Edric. Siguro para makalimot ako sa pagluluksa ko sa bestfriend ko.

“Gano’n? Eh mag-eenrol ako ngayon eh.” Nakanguso kong sabi. Malapit nanaman kasing magpasukan kaya heto ako, mag-aaral nanaman for 3rd year, without her, without my bestfriend.

“Samahan na kita, Mi.”

“Ay sige.” Tuwang-tuwa kong sabi.

Sa school…

“Full load ka ata, Mi? Bakit kinuha mo lahat ng subjects mo?” tanong ni Edric matapos akong makapa-assess.

“Eh? Ok lang.” sabi ko. Pero ang totoo niyan, gusto kong maging busy ngayon. Mas malulungkot lang kasi ako kapag nagkaroon ako ng maraming free time. Mas maaalala ko lagi si Nyx.

“Bawasan mo. I-half day mo ang Friday mo tapos tanggalin mo pasok mo sa Saturday.” Utos niya.

“Hala? Hindi na pwede.”

“Sige na, Mi. Gusto kita lagi kasama eh.” Nagulat ako nang mag-pout siya. Luh? Ang cute niya. Hihihi.

“Magpapa-reassess ako niyan. “ I whined.

“Please?” napabuntong hininga ako. Pa’no ko nga ba matatanggihan ang isang Edric na nagpapa-cute sa harap ko?

“Sige na nga!” ngumiti naman siya ng maluwang.

“At dahil dyan, may surpresa talaga ako sayo mamaya.”

“Ano ba ‘yang surpresa na ‘yan, Di?”

“Secret.” He winked.

Habang nag papa-reassess ako, hindi ko mapigilan ang hindi mainis sa mga babaeng madadaanan namin. Ang lagkit kasi ng mga tingin nila sa Di ko! Nakakaasar ‘yon. Eto naman isa parang enjoy na enjoy pa.

Nagulat ako nang bigla niyang hapitin bewan ko habang nakatingin sa unahan at nakangiti.

Di naman eh!” bawal kasi ang PDA dito. At sa mga tingin na binibigay sa akin ng mga ka-school mates kong babae, pwede nila akong ireport.

“Ang daming nakatingin sayong mga lalaki eh!” bulong niya sa tenga ko. Napatingin naman ako sakanya. Parang it’s the other way around. Nakapangiti na lang tuloy ako. Possessive vampire boyfriend.

“Kyla girl.” Tawag sa akin ni Mau. Napatingin muna siya kay Edric saka tumingin sa akin.

“Mau! Uy, musta?” sandali akong bumitaw kay Edric saka nakipagbeso-beso kay Mau.

“Magtatransfer na ako girl nang school. Where’s Nyx?” nagulat naman ako. No one knows Nyx is dead.

“Ah— eh…”

“Kasama asawa niya.” Singit ni Edric.

“Asawa? And may I know who’s this guy, Kyla?”

“Oh I’m sorry… Ah, Mau this is Edric, my boyfriend. Di, this is Mau, a friend of mine.” I said.

Vampire City 2: Black RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon