DESISYON
Mahal pa rin kita,
Oo mahal na mahal pa rin kita,
Pero hindi ko alam kung sapat na,
Mahal pasensya na, natatakot akong sumugal paUrong, sulong,
Di maunawaang desisyon,
Di ko alam kung anong okasyon,
Sa puso kong hanggang ngayo'y nagrerebolusyonMaaaring hindi pa handa,
Mahal ng may namagitan sati'y masyado pa tayong bata,
Parang bata na gusto'y puro saya,
Kaya siguro ng naunawaan na'y nababagot naMay nararamdaman pa rin ako sayo,
Oo! Alam kong hindi lang pagkakaibigan ito,
Sa bawat pinaguusapan nating nakakalito,
Sabay nito ang ikot ng mundo kong gulong-guloInamin mong ako pa ri'y mahal mo,
Pero sana desisyon ko'y initindihin mo,
Bawat pagtanggap ko sa nararamdaman nating may pagkakapareho,
Kasabay nito ang tanong na pwede pa ba ang tayoNgayon ang tulang ito'y para sayo,
Para sayo nang malaman mo,
Mahal para malaman mo kung anong nararamdaman ko,
Na pwede pa ang tayo pero hindi pa siguradoMahal pa rin kita,
Lolokohin ko lang ang sarili ko kung sasabihin kong hindi na,
Pero mas gusto kong mag-isip pa,
Masyado pa kasi tayong bata at mga desisyo'y kakaibaMaaaring kung may mamagita'y masaya sa una,
Ngunit sigurado bang may gana pa hanggang sa dulo ng pahina,
Kung sa libro nati'y bawat letra'y masaya,
Edi sa wakas ano pang aabangan ng mambabasaPero basta! Mahal kita,
At alam kong ako'y mahal mo pa,
Ramdam ko yun sa binibitawan mong kataga,
Ngunit sabi nga sa kasabihan diba,
Kung kayo sa umpisa hanggang dulo'y kayo talaga----------------❤---------------
Rqstd.
Requested ni x .. Hahaha! Sabi nya magaling naman daw ako sa larangang ito, kaya sagutin ko daw yung tanong nya gamit ito..
Baliw nohh?
---------------❤---------------
Patulonggg!
Patulong pooo San ba pwede isali itong mga swp (spoken word poetry) na iteyyy?
Pa private mssg naman dito sa watty ohh.. T.y
![](https://img.wattpad.com/cover/103764935-288-k553923.jpg)