IDOLO

1K 1 0
                                    

IDOLO

Isang tawag sa taong hinahangaan mo
Maaaring sa talento, sa kilos o pustura nito
Isang tawag sa taong nirerespeto mo ng totoo
At ikaw kaibigan ang taong tinutukoy ko

Idolo kita
Bukod pa doon, sinesentro kita
Sinesentro kita sa lahat ng bagay na ginagawa ko
Sa lahat ng kilos ng ayos ng galaw ikaw ang dahilan nito

Sa lahat ng kompetisyon ginagawa ko lahat para sayo
Nagbabakasakaling malaman mong para sayo nga ito
Ngayon ang tulang ito rin ay para sayo
Kaya't sana'y mapansin mo rin ang gustong iparating nito

Ginagawan kita ng tula bukod sa para mapansin mo ako,
Ginagawan kita ng tula hindi para lumandi sayo kundi..
Kundi ginagawan kita ng tula para malaman mong isa kang mabuting idolo sa tulad ko

Sa tulad kong nahihirapan
Sa tulad kong mahirap maunawaan
Nahihirapan akong unawain ang mga bagay bagay
At ayaw kinukumpara ang hindi sa bagay

Ganito lang sana kasimple nung una
Noong una na parang alam ko lahat kung saan papunta
Na akala ko'y mala wattpad character lang na may idolo ang bida
Kaso nagiba na lahat simula ng kausapin kita

Nagustuhan na kita.
Sa maikling kasiyahan
Oo mahal, gustong gusto na kita
Ang hirap unawain kahit na ayaw kong gawin mahal hindi ko mapigilan kang mahalin.

Kaso meron kang sya
Meron kang sya na pinaghihirapan mo hanggang ngayon
Meron kang babaeng mahal at di ako yon
Mayroong tinitibok yang puso na kahit kailan hindi magiging ako

Hindi kita abot
Hindi ko kayo abot mahal
Sa sobrang taas nyong dalawa'y kahit tignan ko palang ay hindi ko na kaya
Yung kahit anong sikap ko pa alam kong di ko magagawa. Di kita makukuha sa kanya

Gusto kita. Lalo na ngayon na magkaibigan na tayo
Na magkaibigan na tayo at kayang kaya ko na sabihin ung kung anong totoo mahal
Pero pangako pipigilan ko.
Susubukan ko
Susubukan kong wag mahulog sayo tulad ng pagkahulog ko dati kay nguso.

Gusto kita mahal pero alam kong di pwede
Kaya siguro ngayon mahal kahit na gustong gusto na kita kailangan ko pa ring dumepende.

Dumepende sa mga bagay na sigurado lang ako.
Dumepende sa mga taong masasandalan ko.
Dumepende sa mga taong mahal ako
At dumepende sa mga taong di tulad mo.

Pasensya na
Pasensya na kung nagpapapansin nanaman ako
Pangako huli na to
Last na to sa lahat ng gagawin ko
Pagkatapos nito mahal'y titigil na ako
Pagkatapos nito'y makukuntento na lang ako sa pagiging muling tagahanga mo tulad ng ginagawa ko noon mahal

Kasi alam ko namang kahit ano pang pag abot ko
Kung ikaw mismo ang lumalayo
Wala na akong magagawa dito.
At magsisilbi ka na lang idolo ko
At wala ng lalagpas pa dito

---------------❤--------------

Hahahahahahha.

Parang this yung nauna pero hindi KO pa napag iisipan magpakamatay.. Djk di ako magpapakamatay sa mokong na yun! Mawawalan ng dyosa ang mundo .. Sarreh!

---------------❤------------

Patulongggggg...

PATULONG TALAGAAA!! Para sa campaign pleaseeee.. Pag nanalo akez gagawan ko ng swp (spoken word poetry) yung first 20 na mag memessage sa akezzz.. Di po ako TS i just want to win .. Last year ko na kasi akez ee. T.y.. Please spread sa prenipreniss nyo

KEEP READING~~~ LABYAHHH

SPOKEN WORD POETRYOnde histórias criam vida. Descubra agora