WAG NA AKO

155 1 0
                                    

Ang mga katagang sinabi ko noon
Wag mo na sanang sariwain pa ngayon
Ang sakit na alam mong naramdaman ko noon
Mahal, huwag mo ng ipaalala ngayon

Tapos na
Nakaraan na
Nalagpasan na
Huwag na sanang balikan pa

Oo nagkamali ako
Oo nagpakatanga ako
Minahal kita kahit alam kong wala na
Teka, nagkaroon nga ba?

Wala nga pala
Eto nanaman, binabalik ko nanaman ang ala ala
Ang ala ala ng pagpapakatanga
Ikaw na paasa at akong umaasa nga

Wala nga pala, wala nga lang pala
Ano ba naman yung sabihan mo ng gusto kita
Ano ba naman yung i flying kiss mo kapag peace be with you na sa misa
Ano ba naman yung akbayan mo at hawakan ang kamay
Normal lang naman yun diba?
Wala ng dapat malisya

Pero tama na
Noon na iyon at dapat ibaon na
Kalimutan mo na dahil kinalimutan ko na
Pinilit kong kalimutan, kahit noong umpisa'y di ko kinaya

Noong una ang hirap pala talaga
Yung mas napansin mo ung kadarating lang kesa sa laging nandyan
Noong una na nakalimutan mo na ung kaibigan mo na sumalo sayo noong durog na durog ka
Nakalimutan mo ako
Yung kaibigan mong laging nandito

Pero tapos na yun
Iba na ngayon
Kaya pwede ba? Kalimutan mo na lang
Naaalala ko lang kasi kung paano ako naging mang mang

Kung mahal kita noon, pwes hindi na ngayon
Kung puro hugot ako sa'yo noon, pwes hindi na lang sayo ngayon
Natauhan na ako mahal
Alam ko ng dapat hindi ka minahal

Kaya please lang kaibigan
Ngayon sanay iyong pakinggan
Ang aking pagsamo sayo't pagmamakaawa
Tigilan mo na ako pwede ba

Kung wala kang malanding iba
Kung wala syang umaaligid aligid dyan
Pwedeng wag mo na kong idamay pa?
Wag ako, mahina ako dyan.

Naalala mo ba ung tinanong mo nung isang araw?
Sabi mo tinanong ka nya kung syay mahal mo pa ba daw?
Sa totoo lang, ayaw kitang sagutin
Kasi, ano bang pake ko, yan ang daang ginusto mong tahakin

Please lang
Ayko na ulit maging mangmang
Wag mo na ko tawaging baby shark
At baka maibato ko pa sayo ang noah's ark

Kaibigan naka move on na ko
Tapos na ko sa pagpantasya sayo
Kaya sana sa pagtapos ng tulang ito
Tigilan mo na ang panggugulo sa puso ko

Tigilan mo na
Kalimutan mo na
Yung nagkagusto ako sayo noon, noon na
Nakaraan na
Kaibigan na lang kita

Kaibigan wag na ako
Parang awa mo na tigilan no na to
Ang malanding pakikitungo mo
O kung sadyang ganyan ka lang talaga, pwes tigilan mo

Tama na
Akoy nakikiusap na
Napakadaling mahalin ka
Pero ayoko ng simulan pa

Natauhan na kasi ako
Ibang iba na ang puso ko
Maaaring madaling pa ring mahulog sayo
Napakadali pa ring mapansin ka nito
Pero please lang wag mo ng simulan
Kung di mo din naman mapapanindigan
Ayoko ng bumalik pa sa pagiging mangmang
Kaibigan wag ako, iba na lang.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 19, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SPOKEN WORD POETRYWhere stories live. Discover now