SANA AKO NA

133 2 0
                                    

SANA AKO NA

Tatlong taon na,
Tatlong taon na akong umaasa,
Tatlong taon ng nagaasam,
At naghihintay kung kelan mo ba ako pagbibigyan,

Matagal na akong nagmamatyag,
Matagal na akong naghihintay kung kelan ba mapapansin ang aking pagmamatyag,
Matagal ko ng inaasam na sana ako na,

Sana ako na,
Sana ako naman,
Nagbabaka sakali na iyong mapansin,
Bawat letra na ngayong aki'y sasabihin,

Kelan mo ba ako pagbibigyan?
Kelan mo ba sasabihing kaibigan, ikaw naman.
Kelan ko ba maririnig sayo iyan?
Ang mga katagang kay tagal ko nang inaasam.

Ngunit subalit datapwa't,
Gusto ko na itong ipagtapat,
Ngayon gusto ko ng sabihin lahat,
Kaibigan hindi na ako mag aala malat.

Ngayon kikilos na ako,
Ngayon hindi na lang ako uupo,
Ngayon gusto ko ako na,
Ngayon kaibigan sana ako na,

Tutulungan kitang makisabay,
Sa alon ng buhay tutulungan kitang sumakay

Hindi na ko mananahimik,
Ngayon di na ko magwawalang imik,
Sa lahat ng napapansin ko sa nakaraan,
Kaibigan, sama sama natin itong lalagpasan,

Sabi nga ng idolo ko nung nakaraan,
Hindi naman talaga sa lahat ang problema ay eskwelahan,
Minsan ang sisihi'y kabataan,
At ang kawalan natin ng alam sa pakikipagsabayan.

Hindi sa lahat ng bagay dapat seryoso,
Kaibigan isa yan sa dapat tandaan mo,
Na hindi lahat ay dapat sineseryoso,
Pero di ko ibig sabihin na ang lahat tulad nya'y magong manloloko

Gusto ko kayo matutong makipaghalubilo,
Gusto ko sana matuto kayong hindi maging bato,
Hindi sana kayo maging isang bato, na tulad ko'y walang pakielam noon.

Pero sana sabay din tayo,
Sana sabay sabay, ang mga pangarap nati't mabuo,
Sana kaibigan sa pangarap nating ito ako na ang kasama mo,
Sana tulungan mo akong tulungan ka, makipagsabayan sa ating mundo

Maaaring uminda tayo sa una,
Pero ganun naman lahat ng nagsisimula pa diba?
Sa una na laging hindi madali,
Sa una na dapat hindi minamadali

Hindi naman ito magiging mahirap,
Ngunit wag din tayo pakampante na lahat ay sapat,
Basta't sama sama tayo aangat,
Sa pakikipagsabayan sa buhay, sana sa akin kayo maging tapat.

---------------❤--------------

Pangangampanya

Yung spw na iteyy is para sa scb (student coordinating body/ student council)  sa school namin kaya medyo parang politics ung last part.. Wahahahha

Hello.. Kung may mga nag-aaral sa St. Joseph School dyann.. For secretary po 

---------------❤---------------

Patulonggggg

Patulong naman po kung may kakilala kayong nag aaral sa St. Joseph School  sa darating ba eleksyon.. Haha charot! Basta alam nyo na unnn 😉

Patulong din po sa contest. Naghahanap po akez ng spoken word poetry contests  Pa mssg na lang lo .. T.y 

SPOKEN WORD POETRYWhere stories live. Discover now