PAGSUKO

113 1 0
                                    

PAGSUKO

Masayang gabing purong hiyawan
Isang gabing puro sayawan
At gabing puro tawanan
Ang akala ko'y aking kahihinatnan

Akala ko'y magiging masaya ito dahil nandun ka,
Akala ko'y magkakaroon na ng oportunidad ang katulad ko para makausap ka,
Pero mahal mali ako
Pagkat ang gabing ito ay ang gabing di inaakala ko

Masaya nung una
Noong una na puro sayawan
Noong una na puro kilig kapag dadaan daan ka
Noong una na akala ko'y puro kasiyahan lang

Pero nagbago lahat ng natapos ka ng magsalita
Nang matapos mong sabihin ang pamamaalam mo bilang bise presidente
Nang ibinagsak mo na ang mikropono at ipinasa ito sa presidente
Nagbago lahat ng umalis ka na sa entablado at tumabi sa may poste kung saan nakaupo ang iyong bebe, mahal..

Nakita ko yun
Nakita ng dalawang lumuluha kong mga mata kung gaano ka kasaya nun
Kung gaano ka kasaya sa piling ng babaeng yun
Nakita ko kung paano ka kinikilig sa paraan na alam mo na kahit kailan ay hindi ka sakin magiging ganun

At masakit.
Masakit sa pakiramdam na nakikita ko kayong malagkit
Masakit sa pakiramdam na kahit na noong una pa lang ay alam ko ng mayroon kang ibang gustong nakadikit
Oo mahal masakit. Sobra ang dulot nitong sakit

Nasasaktan ako hindi dahil sa papansin ako
Nasasaktan ako hindi para sa awa na ibibigay mo
Kundi nasasaktan ako mahal, dahil sayo
Dahil sakin at sayo

Nasasaktan ako mahal dahil sa tayo na ako lang ang bumuo,
Dahil sa closeness na sa maikling panahon ay nabuo
Dahil sa pagkakaibigan na naialok mo
At nasasaktan ako dahil sa akalang kong pag asa na magkakaroon ng salitang tayo sa bokabularyo mo

Yung tayo sana na magiging masaya
Yung tayo na walang inaalalang iba
Yung tayo na mundo nating dalawa
At yung tayo na sa panaginip na lang pala

Gusto ko ng huminto
Sa alon ng buhay gusto ko ng lumubog
Sa ikot ng buhay gusto ko ng bumunggo
Bumunggo sa isang pader na kahit kailan ay hindi na ako maibabalik sa mundo.

Sa maikling panahon naisip kong gawin ang bagay na to
Ang bagay na hindi ko inaasahang magagawa ko dahil sayo
Ang bagay na ginugusto kong gawin sa mga panahon na ito
At ang bagay para matapos na ang lahat ng ito

Ngayon nandito na ako sa banyo
Tinatangkang bumangga sa sinasabi kong pader upang di na makabalik sa mundo
Hawak hawak ang matulis na bagay sa kanang kamay ko
Sabay ang pagsugat sa kamay ko at ang pagdanak ng dugo mula dito

Paalam mahal ko,
Hindi ko alam na magagawa ko pala ito sa kabila ng hindi ko pagtanggap sa inyo.

---------------❤---------------

Wahhhhhhh.

Wahhhhhh.. Kaka relate!! Yung akala mo hanggang fan ka na lang pero mas hihigit pa pala sa idol ang magiging tingin mo sa kanyaaa.. Punyemas! Nung vice president last year sa school namenn pero anywaysss, move on na 

---------------❤---------------

Patulongggggg...

Napagtripan ko talaga laging may patulong whahahaha! Basta kung may friend talaga kayo na nag aaral sa St. Joseph School Sa Tondo.. Running for scb secretary here  Labyuuuu  kahit di mo ko labss  charotinatiation


SPOKEN WORD POETRYWhere stories live. Discover now