PATAWAD

81 0 0
                                    


Ako'y may isinulat na tula
Isang tula para sa kanya
Sa taong tinuruan akong wag muna bumitaw
Dahil sa sakit ng nakaraan

Salamat sayo
Ako'y iyong pinatayo
Ako'y iyong pinapasaya
At tinuruan makalimutan ang sakit na nadarama

Salamat kaibigan sa pagiging nandyan
Sandalan ka tuwing ako'y iniiwan nyang luhaan
Para kang poste sa gitna ng ulan
Nagsisilbing kapitan ng ninoman

Salamat sa pakikinig sa mga.kwento kong walang kwenta
Sa mga kwento kong sya lagi ang bida
Salamt sa mga araw na na ako'y iyong pinasaya
Salamat sa biro mong nakakatawa
At salamat sa pagpapaalalang sya'y hindi kawalan

Ngunit patawad
Patawad dahil hindi na kita naiintindihan
Hindi ko nararamdaman ang gusto mong ituran
At naguluhan ako ng sabihin mong ako pala'y nagugustuhan mo na

Patawad sa hindi ko pag iintindi
Patawad kung ako'y sasyang manhid
Patawad kung ikaw pala'y nasasaktan ng hindi ko namamalayan
Pero hindi mo rin naman mapipilit ang sinoman na gustuhin ang isang kaibigan
Parang sya, hindi ko mapilit na ako ulit ay magustuhan

Marami pang iba dyan kaibigan
Marami pang iba na hindi ka sasaktan
Na handa sa iyong pagmamahal
Patawad kaibigan
Patawad

SPOKEN WORD POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon