Chapter 1

52.5K 424 32
                                    

"Kreanne!" sigaw ng asawa ko mula sa kwarto. Kahit kailan talaga ang lalaking iyon, hindi marunong mahiya sa mga bisita at mga kapitbahay. Lagi na lang siyang ganiyan na animo'y walang modo. Alas-syete na ng gabi, panigurado may mga tulog na rin kaming mga kapitbahay. Nakakahiya naman kung magigising nang dahil sa pagsigaw niya.

 "Bakit?" Pasigaw kong tanong sa kanya para marinig niya ako. Pero hindi kasing lakas ng sigaw niya kanina.

"Linisin mo 'tong kwarto. Ang baho. Aalis na muna ako." Utos niya sa'kin pagkalabas na pagkalabas niya ng kwarto. Ganyan siya, lagi na lang umaalis.

"Nandyan naman si Ate Igay, ha? Sa kanya mo na lang ipalinis." sagot ko. Hindi ko alam kung may utak pa ba siya o wala. Alam niyang nandito ang mga kaibigan ko tapos uutusan niya ako. Hindi man lang makaramdam.

"Ikaw ang maglinis. Masyado nang pagod si Ate Igay. Mahiya ka naman." pabalang niyang sabi sa akin bago tuluyang lumabas ng bahay. Buti pa si Ate Igay naaalala niya kung kailan na pagod. Pero akong asawa kahit minsan di niya naisip.

"Mathew! Hoy!" pahabol kong sigaw sa kanya pero tuluyan na siyang nakaalis ng bahay. Hindi ko alam kung maituturing ko bang mag-asawa kami. Ni hindi man lang kami nakapaghaliko yakap maski isang beses. Magkahiwalay din kami ng kwarto. Para akong plaque na kailangan niyang iwasan.

Hindi ko alam kung bakit naging ganyan ang pakikitungo niya sa akin. Dati naman kaming masaya lagi kapag nag-uusap. Nagkwekwentuhan kami ng ilang oras. Kulang na nga lang maging mag-bestfriends kami. Pero simula noong ikinasal kami, nagbago na rin ang ugali niya. Parang kinalimutan na rin niya lahat ng pinagsamahan namin.

Ang alam ko lang may girlfriend siya noong inayos ang kasal namin. Napilitan siyang mapakasal sa akin dahil nalulugi na ang negosyo nila. Mas pinili niyang maisalba ang negosyo nila kaysa sa girlfriend niya. Hindi ko rin alam kung bakit ito pa ang ginawang solusyon ng mga magulang namin. Kami ang itinali. Kami ang naging kontrata.

Noong bagong kasal pa lang kami, lagi siyang wala dito sa bahay. Magugulat na lang ako na may tatawag sa'kin para sunduin si Mathew dahil nakatulog na sa kalasingan. Tatlong taon siyang naglalasing araw-araw para lang makalimutan lahat ng nangyari sa kaniya, para na rin siguro makalimutan ang girlfriend niyang iniwan niya.

Limang taon na kaming kasal pero walang nagbago sa pakikitungo niya sa akin. Kahit kaunting respeto hindi niya rin maibigay sa akin. Kahit sana peke lang habang may ibang tao kaso hindi. Mukhang malabong mangyari.

Mahal ko siya kaya kahit ganyan ang pakikitungo niya sa'kin. Mahal ko siya simula pa dati. Okay lang ang lahat basta kasama ko siya. Kahit dito lang sa bahay at kahit hindi bilang asawa. Pero wish ko lang, wish ko lang naman. Sana bumalik na 'yong dating meron kami, noong magkaibigan pa lang kami.

"Kreanne, 'wag ka nang umiyak." Natatarantang pag-aalo sa'kin ni Jenilyn at hinagod-hagod ang likuran ko. "Masanay ka na. Ayaw mong makipaghiwalay e." pero imbis na tumigil ang pag-iyak ko, lalo lang lumala. Naranasan naman na siguro ng marami ito, na kapag may nag-alo sa'yo ay lalo ka lang maiiyak.

"Hayaan mo lang siya. Wag mo siyang pansinin. Ganun lang naman yun eh. Kung gusto mo maging cold ka rin sa kanya." Pagpapalakas ng loob sa'kin ni Jeninai at tinaas ang dalawa niyang kamao. "Laban lang."

"Hindi ko kaya eh. Mahal ko eh. Di ba ganun naman talaga kapag nagmamahal? Handang masaktan." Sabi ko saka nagpahid ng luha. Para akong uhuging bata, nakakahiya. Pero anong magagawa ko? Nasasaktan ako.

"Ma'am, Ako na lang po ang maglilinis ng kwarto ni Sir." Pagkukusa ni Ate Igay na nakatayo sa hagdanan at hawak na ang walis-tambo at dust pan.

"Sige Ate Igay. Ikaw na lang. Alis po muna kami ni Kreanne para gumaan ang loob." Pagpayag ni Jenilyn saka ako kinaladkad palabas ng bahay.

My Nasty HusbandWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu