Chapter 10

26.5K 375 21
                                    



Kreanne's POV

Nagising ako na mataas na ang sikat ng araw. Hindi ko alam kung hanggang anong oras ako hihiga dito sa kama at walang gagawin. Parang paulit-ulit na lang ang nangyayari sa buhay ko. Hidni ko alam kung bakit hindi ako nagsasawa na lagi na lang ganito ang nangyayari. Sobrang tanga ko na at para wala ng patutunguhan ang buhay ko.

Hindi ko alam kung saan ako nagsimulang magkamali dahil pakiramdam ko lahat na lang ng mayroon ako sa buhay ko ngayon ay mali. Maling nandito pa ako sa mundo. Hindi ko alam kung bakit biglang ganito na ang iniisip ko. Siguro dahil sobrang lungkot ang nararamdaman ko ngayon. Parang kailan lang ang saya-saya ko pa na nagkakalapit na kami ni Mathew. 

Bago pa lumala ang iniisip ko tungkol sa buhay ko, bumangon na ako ng kama at naligo na. Kailangan kong libangin ang sarili ko at gumalaw-galaw dahil baka lamunin na ako ng utak ko.

Lumabas na ako ng kwarto para makakain na pero sobrang tahimik ng bahay. Hindi ko marinig ang normal na bulyawan sa sala o kaya sa kwarto nilang dalawa. Wala ring nakabukas na tv. Bumaba ako papunta sa kusina nila pero mukhang wala sila. Umakyat ako uli para silipin ang mga kwarto nila at talagang wala nga sila.

"Hello?" sagot ni Jeninai sa tawag ko. Base sa tunog ng boses niya, mukhang nagising ko lang dahil sa pagtawag ko.

"Nasaan kayo? Bakit wala kayo dito?" tanong ko habang nakapamewang pa. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ng dalawa at iniwan akong mag-isa dito sa bahay nila.

"Kre, ikaw pala 'yan." Hindi ko na napigilan pa ang pag-irap ko ng mata. "Si Jenilyn kasi hindi ko alam kung bakit biglang naisipang mag-club kagabi. Sorry, Kre. Hindi ko talaga gustong iwan ka mag-isa dyan kaso di ko naman pwedeng hayaan na mag-isa sa club si Jenilyn kaya sinundan ko. Sorry talaga, Kre." pagpapaliwanag ni Jeninai sa mababang tono at halatang antok pa.

Wala naman na akong iba pang magagawa kundi ang magbuntong hininga. "Anong oras kayo makakauwi? Nasaan kayo?"

"Nandito kami sa hotel. Uuwi rin kami mamaya kapag nahimasmasan na kami. Kakatulog-tulog lang din namin e." sagot ni Jeninai.

"Mag-ingat kayong dalawa. 'Wag kayong magmamaneho hanggat may tama pa kayo, ha?"

"Noted." maigsing sagot ni Jeninai bago naputol ang tawag. 

Kahit kailan talaga ang dalawang 'yon, laging kumikilos nang hindi masyadong pinag-iisipan ang desisyon. Hindi ko rin alam kung bakit tumagal kaming magkakaibigan. Bumaba na ako uli sa kusina para makapagluto na ng kakainin.

Tumitingin-tingin ako sa ref kung ano ang lulutuin. Hindi ko alam kung magsisimpleng agahan lang ba ako o dadamihan ko ang kain ko. Namimili pa ako kung hotdog, itlog or ham ang lulutuin kong ulam sa agahan ko. Gusto ko rin ng sinangag pero kailangan ko pang magsaing muna dahil wala pa palang kanin. Dapat pala inuna ko muna magsaing bago mag-isip kung anong uulamin ko.

"Kre."

"Ay putangina mo!" sigaw ko sa gulat at napahawak sa dibdib ko. Pakiramdam ko tumalon 'yong puso ko palabas ng dibdib ko. Hinarap ko kung sino ang nagsalita at nakitang kapapasok lang ng kusina habang may dala-dalang supot. "Anong ginagawa mo dito?" 

"Tumawag sa'kin si Jeninai kagabi at sinabing wala kang kasama dito kaya pinuntahan kita. Hindi ko alam na hindi mo alam na pinapunta nila ako dito." Gusto ko talagang pag-untugin ang dalawang magkapatid na 'yon. Nandito nga ako sa kanila para iwasan 'tong gunggong na 'to pero pinapunta rin naman nila dito. Anong silbi ng pag-iwas ko, 'di ba?

"Umuwi ka na, hindi kita kailangan dito." Sinabi ko sa kanya at umalis sa kusina. Parang nawalan ako bigla ng gana kumain. 

Bago pa ako tuluyang makaalis sa kusina, hinila na ako ni Mathew at niyakap. "Kre, sorry na. Please. Hindi ko na uulitin. Patawarin mo na ako." 

My Nasty HusbandWhere stories live. Discover now