Chapter 14

24.7K 285 9
                                    



Mathew's POV

Hindi ko akalain na tanghali na ako magigising sa sobrang pagod ko kahapon. Pakiramdam ko ilang araw na agad ang lumipas kahit na kahapon lang naman nangyari ang away namin. 

"Si Kre?" Tanong ko kay Ate Igay nang makababa ako. 

"Akala ko magkasama kayo sa kwarto?" Pabalik niyang tanong sa'kin. "Akala ko gumawa kayo ng milagro kagabi kaya hindi na ako umakyat simula kahapon."

"Galit siya sa'kin. Kahapon niya pa ako hindi pinapansin." dismayadong sagot ko at pumunta na sa kusina. Iniwan ko na doon si Ate Igay. Wala naman na kaming pag-uusapan.

Ang bigat-bigat ng pakiramdam ko. Hindi ko gustong nagagalit sa'kin si Kreanne. Hindi ko alam kung bakit dati wala naman akong pakialam sa kanya kahit pa kamuhian niya ako e.

"Sir, may bisita po kayo." bungad ni Ate Igay sa'kin. Nakita ko naman si Lorrence na hawak-hawak ang cellphone niya at may kausap.

"Oo, nandito na ako." Tanginang sinagot niya lang sa cellphone niya at ibinaba na ang tawag. "Pre, may duplicate key ba kayo ng kwarto ni Kreanne? Na-lock daw siya sa loob."

Fuck? Nagpapunta pa siya ng ibang tao para lang pagbuksan siya ng pinto? Pwede naman niyang kalabugin 'yong pinto niya para pagbuksan namin siya ni Ate Igay o kaya naman ako na lang sana ang tinawagan niya. Ganoon na lang ba kalaki ang galit niya sa'kin at hindi man lang niya ako kayang tawagan kahit nakulong na siya sa kwarto niya.

Agad naming pinuntahan ang kwarto ni Kreanne. Pinipilit kong buksan ang pinto niya pero ayaw bumukas. "Kre, lumayo ka sa pinto!" sigaw ni Lorrence bago sinipa ang pinto pero walang nangyari. Paulit-ulit niya pang ginawa pero walang epekto.

Bumaba na ako para kumuha ng pwede kong magamit para masira ang doorknob ng kwarto niya. Masyadong mahigpit ang pagkakagawa ng mga pintuan sa bahay na 'to. Iwas na rin sana 'yon kung sakaling magkaroon ng pagnanakaw. 

Nagkalkal ako sa toolbox at tanging martilyo lang ang nakita kong kapaki-pakinabang. Dali-dali akong umakyat at lumapit sa pinto, "Lumayo-layo muna kayo." Babala ko bago paulit-ulit na minartilyo ang doorknob hanggang sa nasira at nabuksan na ang pintuan.

"Kre!" sigaw ni Lorrence at nagmadaling pumasok sa loob ng kwarto. Sinalubong naman siya ni Kreanne ng yakap. Nilalamon ako ng selos pero wala akong karapatan dahil alam kong mas malala ang mga naging kasalanan ko sa kanya. Bumaba na lang ako para hindi ko na makita pa ang ganoong senaryo. Alam ko naman na ayaw niya akong makita.


Kreanne's POV

Bumaba na ako para kumain kasama si Lorrence pero bago pa man kami makarating ng kusina, hinila na agad ni Mathew palayo si Lorrence at lumabas sila ng bahay. Hindi ko alam kung anong trip ni Mathew pero hindi siya tumigil sa paghila kay Lorrence hanggang makasakay sila ng sasakyan.

Tahimik lang akong kumain hanggang sa mabusog ako. Pakiramdam ko lagi akong gutom. Nagiging bored na rin ako sa buhay ko. Paulit-ulit lang ang nangyayari sa araw-araw. Hindi ko rin alam sa mga magulang ko kung bakit ayaw pa nila kaming pagtrabahuhin ni Mathew. 

Siguro dahil takot silang hindi magkaapo kung sakaling ma-stress ako. Si Mama kasi inabot ng limang taon bago nagkaanak. Ganoon na lang din siguro ang takot niya sa'kin kaya ayaw niya akong mastress. Pero limang taon ko na rin naman silang hindi nabibigyan ng apo simula nang ikasal kami ni Mathew.

"Hay!" paglabas ko ng kuntentong hininga pagkaupo ko sa duyan. Nakakagaan talaga ng pakiramdam dito sa garden. Parang sariwang hangin lang kasi ang maihihinga mo. Ganoon karami ang halaman dito. Nakakatuwa rin ang dalawang punong nandito dahil ito talaga ang gusto ko umpisa pa lang. Pwedeng lagyan ng duyan na may kasama pang lilim.

"Kre!"

"Ayy!" sigaw ko sa sobrang gulat. "Ate Igay, hindi ko alam na nandyan ka." 

"Bakit hindi mo man lang kami tinawagan ni Mathew para pagbuksan ko ng pinto?" tanong niya sa'kin habang nagdidilig siya ng mga halaman ko.

"Maaga akong nakatulog kahapon kaya di na rin ako nakahingi ng tulong sa'yo. Kanina namang paggising ko triny kong sumigaw pero walang nakakarinig dahil siguro soundproof ang kwarto ko. Hinampas ko rin ang pinto pero hindi ganoon kalakas ang tunog." at pinakita ko sa kanya ang pulsuhan kong may pasa dahil nagkamali ako nang paghampas sa pinto kanina. 

"Tinawagan ko ang cellphone mo pero mukhang nakapatay at ayaw kong tawagan si Mathew." sagot ko sa kanya. "Parang hindi pa ako handang makita si Mathew. Hindi ko alam kung hanggang kailan pa ako magpapakatanga sa kanya. Alam mo 'yon? 'yong ikaw laging nandyan pero never kang naging priority."

"Kre, alam kong nahihirapan ka na pero nakita ko kanina kung gaano kagusto ni Mathew na mabuksan agad ang pintuan mo. Paulit-ulit siyang naghampas sa doorknob." sagot ni Ate Igay.

"Mathew? Akala ko si Lorrence ang nagbukas ng pinto?"

"May mga bagay talaga sa mundo na akala mo 'yon na pero hindi pala. Kailangan mo munang pagtuunan ng mas matinding atensyon bago mo mapansin. Oh siya, tatawag muna ako ng mag-aayos sa pintuan mo." huling sinabi ni Ate Igay at umalis na sa garden. Humiga na lang ako sa duyan at ipinikit ang mga mata ko.

Gusto kong umalis pero saan ako pupunta? Hindi ko magawang pumunta sa kambal ngayon dahil alam kong may problema rin silang hindi sinasabi sa'kin. Ayaw lang nilang sabihin sa'kin. At alam ko rin naman na kahit ilang beses akong lumayo kay Mathew, paulit-ulit lang din nila akong ibabalik. Sa totoo lang hindi ko rin alam bakit naging magkakaibigan kami nang ganoon katagal e. Masyado silang gaga para sa'kin. Gorgeous and Glamorous Addicts daw kami. Hindi ko naman alam kung bakit addicts eh hindi naman kaming nagbabato.

Sagot nila sa'kin, adik sa taong mahal daw. 

"Kre..." tinignan ko ang tumawag sa'kin at nakita si Mathew na nakatayo sa gilid ko. "Sorry." Mahinang bulong niya sa'kin at binigay sa'kin ang bulaklak at tsokolate.

"Ano ako, patay? Inaalayan ng bulaklak habang nakahiga? Kunin mo yan!" sigaw ko sa kanya at kinuha naman agad ang nilagay niya sa tyan ko. Umupo ako ng maayos para mas makita ko siya ng maayos.

"Sorry na." Pag-uulit niya at inabot na naman ang bulaklak at tsokolate.

"Anong gagawin ko diyan? Ano 'yan? Suhol sa kasalanan mo?" pagtataray ko sa kanya at hinalukipkip ang mga braso ko.

"Hindi 'to suhol. Pagsusuyo 'to." sagot niya sa'kin pero tinignan ko lang siya ng masama. "Kung ayaw mong tanggapin, eh 'di, itatapon ko na lang." Pananakot niya. Tinitigan ko lang siya kung talagang gagawin niya ba o hindi. Pero mukhang, oo.

Saktong itatapon niya na sa basurahan, "H'wag! Sayang!" sigaw ko sa kanya at hinablot sa kamay niya ang mga hawak niya.

"Bati na tayo?" Nakangiting tanong niya sa'kin na mukhang umaasa.

"Hindi." Maikling sagot ko at nilayasan siya. Walang kasalanan ang mga bulaklak at pagkain na bigay niya sa'kin kaya hindi dapat magdusa sa basurahan. Kaya hahayaan ko na lang na malanta sa vase at matunaw ng tiyan ko ang mga 'to.

Yes! Masarap ng chocolate.



My Nasty HusbandWhere stories live. Discover now