Chapter 7

28.5K 307 48
                                    




Kreanne's POV

Hindi ko alam kung gaano na ba ako katanga o karupok para agarang makalimutan ang nangyari kanina. Hindi ko ba alam sa sarili ko kung bakit ang bilis kong makalimot ng mga kasalanan sa'kin. Tipong binabaliwala ko na lang bigla.

Kagaya ngayon simpleng paglandi lang sa'kin ni Mathew bumibigay na agad ako. Kaunting paghawak-hawak lang sa'kin, kinikilig na ako. Tama nga siguro ang sinabi nina Jenilyn na dapat ko ng landiin itong asawa ko bago pa makuha uli ni Lexine. Parang hindi ko kakayanin kung mawawala siya sa akin. Ako na yata ang pinakatanga sa lahat.

"Done eating." mahina kong sinabi at uminom ng tubig. Iniligpit ko na rin ang mga pinagkainan namin at inilagay sa lababo. 

"Bilisan mo dyan. Gabi na oh! May kasalanan ka pa sa'kin." sigaw ni Mathew mula sa living room. Mukha akong tangang napasilip sa kanya habang naglo-lock siya ng pinto at mga bintana. Ako pa ang may kasalanan sa kanya? Medyo nakakatanga 'yon ah.

Makapaghugas na nga lang ng pinggan. Wait. Huhugasan pinggan? Aning na talaga ako. Nagpa-deliver pala siya. Hindi niya nilagay sa pinggan kasi diretso kain na. Tamad na asawa!

Tinapon ko na sa basurahan ang mga pinagkainan namin. Nilinis ko na rin ang mga kalat sa mesa. Akala mo kasi bata si Mathew kung kumain, napakakalat. Matapos kong linisin ang mga kalat-kalat sa kusina, naglakad na ako papunta sa sala pero wala na roon si Mathew.

Nakakapagod na masyado 'tong araw na 'to at nararamdaman ko na ang antok ko. Gustong-gusto ko nang matulog para makapagpahinga na. Umakyat na ako ng hagdan papunta sa kwarto ko. Papasok na sana ako sa kwarto ko kaso...

"Ahhh!" sa sobrang kaantukan ko, napatid na ako sa sarili kong paa. Hindi ko alam kung hanggang gaano ko mapapatunayan ang katangahan ko ngayong araw na 'to.

"Okay ka lang?" tanong sa'kin ni Mathew. Ang sakit ng tuhod ko. Iniangat ko ang ulo ko para makita ko siya pero ari niya ang bumungad sa harap ko. Biglang nag-init ang buong katawan ko sa kahihiyan at sa ibang bagay. 

"Mag-shorts ka nga!" sigaw ko sa kanya at nagtakip ng mukha. Hindi ko alam kung anong trip ng lalaking 'yon at naka-brief lang sa loob ng kwarto ko. May sarili naman siyang kwarto!

"Tapos na." Tinanggal ko ang pagkakatakip ko sa mukha ko at tinignan siya. Putangina. "Mathew!" Pumasok ako sa loob ng kwarto ko at tinulak siya palabas ng kwarto. Kahit kailan talaga! Shorts ko ang sinuot niya at mukha siyang baklang ewan dahil doon. Ang lakas ng trip. Pero nag-iinit pa rin ang pakiramdam ko.


Humiga na ako sa kama para matulog pero sobrang init pa rin kahit na hindi na ako nakakumot. Una kong hinubad ang damit ko bago humilata pero naiinitan pa rin ako kaya pati ang shorts ko hinubad ko na rin. Dumapa na ako sa kama at kahit papaano ay nabawasan ang init.

"Hoy! Bakit nakaganyan ka lang?" Napabalikwas ako ng higa dahil sa biglaang pagpasok ni Mathew sa kwarto ko. 

"Naka-lock yan ah! Paano mo nabuksan?" Tanong ko sa kanya habang dinuduro siya. Mahigpit naman ang pagkakahawak ko sa kumot na tumatakip sa katawan ko.

"Ah." sabay taas ng keys. "Bakit ganyan suot mo?" 

"Mainit eh. Sira yung aircon tapos naghihingalo pa 'tong electricfan." Pagsagot ko sa tanong niya na hindi siya tinitignan. Nahihiya akong makipagtitigan sa kanya lalo pa't pareho kaming halos hubad na.

"Oh I see. Doon ka na lang sa kwarto ko matulog." Aya niya sa'kin na nakangiti pa ng nakakaloko. Alam kong may ibang balak 'to. Sarap sakalin!

"Che! Lumabas ka na nga lang. Epal." Pabalang kong sabi sa kanya at binato siya ng unan kaso nasalo niya.

My Nasty HusbandWhere stories live. Discover now