Chapter 2

30.2K 345 23
                                    



Kreanne's POV

Pagkagising na pagkagising ko, binato ka agad ako ng magkapatid ng mga paperbag. Hindi ko alam kung gaano karaming paperbag ang binato nila sa'kin. Basta ang alam ko masakit nung tumama ang kanto ng mga'yon. Hindi ko alam kung ano bang pumasok sa isip ng dalawang 'yon. Ang sama e! Kakagising ko lang. Ang sakit tuloy sa ulo.

"Hey! Hey! Ano 'to? H'wag niyo nga akong batuhin! Masakit! H'wag - Hoy! 'Wag mong ibato sa'kin 'yan! Jeninai, masakit 'yan! I swear! Masakit 'yan! Sandals 'yan!" Nagkandaugaga kong sigaw sa kanila para tumigil sila sa ginagawa nila. Di ko na alam kung ano pa gagawin kong ilag para hindi matamaan ng mga binabato nila sa'kin.

"Don't worry. Wala akong balak ibato 'to sa'yo. Masyado akong mabait para gawin sa'yo 'yon." Nagmamalanding sabi ni Jeninai habang may pilyong ngiti sa labi. Makikita mo pa ang pagkinang ng mga mata niya at gano'n din ang kay Jenilyn. Problema ng mga 'to?

"Bilisan mo! Maligo ka na! Aayusan ka pa namin nang makauwi ka na sa bahay ninyo!" Sigaw sa'kin ni Jenilyn. Magrereklamo pa sana ako kaso iniamba na sa'kin ni Jeninai yung mga sandals kaya nagmadali akong tumakbo papunta sa bathroom.

Hays... ang aga-aga pa masyado para maligo.

Minadali ko na ang pagligo ko dahil hindi ko kayang magtagal sa cr na malamig ang tubig. Talaga atang pinaparusahan ako ng magkapatid na 'yon. Lumabas na ako ng bathroom at nakita ko silang may inaayos sa  upuan - mga gamit nila sa pagme-make-up at ang pang-ayos nila ng buhok. Kahit mga damit kanina na binato nila sakin naka-hunger na at may mga kapares ng sandals.

"H'wag kang tumunganga d'yan! Upo!" Sigaw sa'kin ni Jenilyn. Sa pagkakatanda ko wala naman silang PMS ngayon ah. Pero bakit sigaw sila ng sigaw sa'kin? My beautiful ears hurt sa mga sigaw nila.

Umupo naman ako sa hinanda  nilang upuan. Sinuklay nila ang buhok ko tapos binlower. Blower sila ng blower sa buhok ko para matuyo! Asar na ako kasi ang init sa mukha at sa anit! Pagkatapos nilang i-blower. May nilagay silang cream sa buhok ko tapos kinulot na nila ang dulo. Kinulayan din nila ang buhok ko ng black-brown color. Ang dami nilang ginawa sa buhok ko na kung ano-ano. Pero maganda naman ang kinalabasan.

Next is my face. Maganda naman ako kaya no need to worry. Pero kailangan ko daw ng make-up nila! Kaya sila todo lagay ng cream sa mukha ko at foundation para daw makinis ang mukha ko. Hindi daw ka'gad mag-oily. Hindi ko alam kung magmumukha na akong white lady na bakla nito eh.

Next yung sa pilik-mata ko. Makapal na mahaba naman ang pilik-mata ko kaya okay lang. Tapos naglagay sila ng kaunting blush-on sa face ko, light pink lang. Sunod naman ay nilagyan nila ng lipstick ang labi ko bago pinatungan ng lip gloss. Sana lang talaga hindi mangati ang mukha ko nito pag-uwi ko. Ang tagal ko ng hindi nagpaayos kaya sana hindi manibago ang mukha ko sa mga nilagay nila.

Last is my dress. Pinasuot nila ako ng brown dress na hapit sa katawan ko. Makikita mo ang totoong hugis ng katawan ko dito. Na-emphasize ang boobs ko kahit na alam kong hindi ganoon kalaki at ang pwet kong naghihimutok. Pinares nila ang sandals na medyo may kataasan.

"Finish product!" Masayang sigaw nilang magkapatid. So gano'n? Produkto na lang ako. Grabe ha. Hinila nila akong dalawa sa human-sized mirror para makita ko ang kabuuang ayos ko. Hindi ko naman maitatanggi na mas umayos ang itsura ko kumpara sa kagabi. Hindi sa pagyayabang pero ang ganda ko.

"So chuppie na! Alis! Umuwi ka na sa inyo. Bilisan mo!" sigaw sa'kin ni Jenilyn na pinagtatabuyan ako na parang aso. "BILISAN MO!" Wala pa sana akong balak umalis kaso inambahan ba naman akong ibabato sa'kin ang mga sandals. Wala na akong nagawa kundi ang tumakbo paalis. "Ipapadala na lang namin 'tong mga gamit mo mamaya!" Pahabol na sigaw nila.

My Nasty HusbandWhere stories live. Discover now