CHAPTER 2

7.7K 222 14
                                    

(KATANGAHAN No.1)

-=ken=-

2:00PM

Haixt alas dos na pala. Kailangan ko ng maligo  2:00 usapan na pupunta dito sina Jericho, Vince, Justine, Jessie and Dennis. Mga kaibigan ko sila syempre kahit naman ganito ako eh may mga kaibigan ako. Medyo matagal na kaming hindi nagkikita. Mga 2 weeks na. ^_^ eh samin matagal na yun. Hindi pa pala ko nakakapagpakilala ako nga pala si Kenneth Lee Montreal well may kapatid ako isang lalaki si Dennis Lee Montreal isa sa mga nabanggit kong pupunta mamaya. mas matanda s'ya sakin ng 3 taon pero wala pa ring asawa. Ewan ko ba ron pero babaero yon. hindi kami magkasama sa bahay pinalayas ko rin s'ya kasama si Mommy. Eh marami naman kasi kaming bahay. Nag ta-trabho ako sa Montreal Group of Companies (MGC). Malamang samin ito. Hindi naman siguro kayo bobo?. Wala pa kong nagiging GF. Bakit? Eh sa wala eh. Pero meron akong minamahal. Si Grace. Bata pa lang kami mahal ko na s'ya. Pero wala eh, hindi ako gusto. Minsan akong naglakas loob para sa kanya. Pero wala talaga kaibigan lang ang tingin niya.

*FLASHBACK

Nasa smart araneta kami para sa huling laban sa basketball championship ito. Kaya maraming tao at ngayon ako mag tatapat kay Grace. Tinaon ko talaga ng hindi pa nag sisimula ang laban para mas romantic. Diba? Mas maraming tao eh. Niyaya ko sya sa gitna. At nakita kong gulat na gulat sya. Tapos maya maya humiyaw na yung mga solid fans ko “WE LOVE YOU KEN”. Tapos napatingin si Grace. Pag tingin niya isa isang nang nag taas ng mga hawak nila.

M-A-H-A-L         K-I-T-A        G-R-A-C-E

Nakita kong nagulat sya tapos napatingin siya sakin tapos hindi ko na nakita yung reaction niya kasi nakataas na rin yung hawak kong malaking banner.

WILL YOU BE MY GIRLFRIEND?

Tapos ibinaba niya yung kamay ko.

“Ken, sorry si Dennis ang mahal ko kapatid lang ang turing ko sa iyo”

T_T –ako

Katahimikan…………

Tumakbo na si Grace.

Ako tulala pa rin ang sakit lang kapatid agad diba pwedeng kaibigan muna ang taas naman agad ng tinalunan.

*END OF FLASHBACK

Makaligo na nga. Hindi na dapat binabalikan ang tapos na.

Nasaan na ba yung babae na yun pano ko ba sya tatawagin? Hindi ko alam ang pangalan niya. Yaya ba? Parang ang bata ko naman. Katulong? Parang masyado namang hard. Babae? Eh pano kung bakla pala yun?

“TAONG BUNDOK!!!!!!!”

Lumapit naman s'ya agad.

Mr. Pilosopo Meets Ms. Taong bundok (COMPLETED)Where stories live. Discover now