CHAPTER 43

4.4K 121 3
                                    

Chapter 43

 

-=Ken=-

 

Hindi ko alam pero nasaktan ako sa sakit na nakita ko sa mukha ni Jazz. parang anumang oras babagsak yung luha sa mata n’ya. Pakiramdam ko niloko ko s’ya kahit hindi naman talaga naging kami.

“Ikaw ba yung katulong ni Ken?” tanong ni Grace kay Jazz.

Kasabay ng pagtango ni Jazz bumagsak ang luha sa mata n’ya.

“Kawawa ka naman! Masakit ba? ambisyosa ka kasi e.”

“Tumahimik ka kung ayaw mong makatikim ng sampal mula sakin.” sabi naman ni Nash.

“Hi Nash, nandyan ka pala. Kaibigan mo s’ya? tignan mo nga naman oh, nag hanap ka pa ng katulad mong ambisyosa!”

Akmang sasaktan ni Nash si Grace pero naitabi ko s’ya agad. Ako naman ang sinampal ni Nash.

“Ilang babae pa ang kailangang paasahin mo? alam mo Ken? Nakakaawa ka!”

Yun lang ang sinabi ni Nash tapos umalis na s’ya hinila n’ya rin si Jazz. gusto kong lapitan si Jazz, gusto ko s’yang yakapin para mawala yung sakit na nararamdaman n’ya pero ewan ko ayaw kumilos ng mga paa ko.

Wala na s’ya pero hindi pa rin ako makakilos sa kinatatayuan ko. Biglang may yumakap sa likod ko.

“Ken, salamat a. sinasagot na kita Ken, tayo na. Iloveyou Ken. pasensya ka na natagalan bago ko nagawang mamili talaga sa inyo ni Dennis. Pero habang nawawala ka sakin nalalaman ko rin ang halaga mo sakin. lalo na nung nabalitaan ko na pumunta ka pala sa hongkong at hinanap ako doon. Salamat Ken.”

Hindi ko alam pero wala akong maramdaman sa sinabi ni Grace. Diba dapat masaya ako? kasi ang tagal kong hinintay ito, na maging kami. Ngayong sinagot n’ya na ako wala naman akong maramdaman.

“Ken, dito ako matutulog ha? Gabi na kasi e.”

“Pwede naman kitang ihatid.”

“Ayaw ko gusto kitang makasama ngayong gabi.”

Nandito na kami sa kwarto. Nakahiga na ako habang si Grace e nag s-shower pa. maya-maya lumabas na s’ya. suot suot n’ya ang polo ko yung unang dalawang butones sa taas eh nakabukas kaya  halos makita ko na rin ang dibdib n’ya tapos wala s’yang short buti na lang mahaba ang polo ko. Tapos tumabi na s’ya sakin. kung tatanungin n’yo kung anong nararamdaman ko sa mga oras na ito? Wala. Nakikita ko si Grace pero yung isip ko na kay Jazz. bigla s’ya yumakap sakin, inalis ko ang kamay n’ya at tumalikod ako. nagpanggap na rin akong tulog.

-=JAZZ=-

 

Bakit ganon ang sakit-sakit? ayaw mawala ng sakit? pakiramdam ko may nakatusok sa puso ko. T___T si Nash naman nandito sa harapan ko nakatitig lang sakin. dito n’ya ako dinala sa bahay n’ya. buti na lang wala si Jane kundi baka hindi ko na alam kung san na lang ako pupulutin.

Mr. Pilosopo Meets Ms. Taong bundok (COMPLETED)Where stories live. Discover now