CHAPTER 8

6K 161 4
                                    

Chapter 8

(Gusto mo pala sa braso ko ah. O sige d’yan ka manirahan.)

-=JAZZ=-

Ang tagal naman nila sa loob kinakabahan tuloy ako. Pero mas kinakabahan ako sa iniisip ni sir Ken. Bakit n’ya kaya ako pag aaralin ano naman kaya ang pumasok sa isip n’ya.

“Jazz.” – Raffy

Natigilan naman ako sa pag iisip nang may tumawaga sakin. Si Raffy pala.

“Bakit?” tanong ko.

“Hindi ko alam kung paano mo nalamang babae ko ang totoo ikaw pa lang ang nakahalata sakin.” Sabi n’ya.

“Talaga? Bakit naman? Malabo ba mata nila? Ang ganda ganda mo kaya.” Pag kasabi ko non bigla na lang n’ya ko hinawakan sa kamay.

“Jazz, nakikiusap ako sayo wag mong ipagsabi ang nalalaman mo. May dahilan ako kaya ko ‘to ginagawa. Jazz, please nakikiusap ako.”

Mangiyakngiyak pa s’ya habang sinasabi n’ya yun. kaya kung ano man yun sigurado kong malaki ang problema n’ya. Handa akong tumulong.

“Raffy, hindi ko na tatanungin kung ano bang problema mo. Hihintayin ko na ikaw mismo ang magkwento sakin at makakaasa kang tutulungan kita. Pasensya na kung naging madaldal ako kanina.”

“Salamat Jazz.” Sabi niya. Tapos niyakap n’ya ko. Hindi pa ko nakakaganti nang yakap bigla na lang mayhumila nang likod ko at napauppo ako sa sahig.

“Anak nang-.”

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko pagkakita ko kay Justine. Nakakatakot s’ya ang sama nang tingin n’ya sakin.

“Hoy anong ginawa mo kay TB?!” galit na tanong ni sir Ken.

“Nakita ko magkayakap sila ni Raffy!” sagot naman ni Justine.

“Si TB ang babae. kahit na hindi s’ya mukhang babae at mas mukha pang babae si Raffy hindi mo dapat siya hinila.” Sabi ni sir Ken.

Hindi ko alam kung dapat ba kong kiligin dahil pinag tanggol ako ni sir Ken. O dapat akong mainis dahil nilalait n’ya nanaman ako. Si Raffy naman hanggang ngayon ganito pa rin ang itsura. O///O

“Hoy Justine grabe ka. Bakit mo ko hinila ang sama nang ugali mo kasalanan ko ba kung crush ako ni Raffy? Saka hindi mo ba nakita s’ya ang yumakap sakin.”

 Pagkasabi ko non lahat sila. Ganito lang itsura (0.0)?

“Hoy TB! Tumahimik ka nga d’yan hindi ito ang oras para mag joke ka!” sabi ni sir Ken.

“Anong sabi mo? Hindi ako nag jo-joke crush talaga ko ni Raffy! Diba Raffy?” sabi ko. Sabay tanong kay Raffy.

Mr. Pilosopo Meets Ms. Taong bundok (COMPLETED)Where stories live. Discover now