FINAL CHAPTER

7.1K 232 103
                                    

 Basahin niyo rin po ang story nina Jessie and Jessica "I Love you even when I hate you" salamat 

Chapter 70

 

(Final Chapter: The Wedding)

 

-=Ken=-

“Hoy Jazz san mo ba ako dadalhin ha? Kinakabahan ako e!” kailangan talaga tinatakpan pa ang mata ko.

“Basta dadalhin kita kung saan tayo unang nagkita.”

“E bakit may takip pa mata ko? alam ko yan dun yan diba pinagkamalan mo akong magnanakaw! Yun yung una nating pagkikita.”

“Mali ka!”

“Paanong mali wag mong sabihing may nauna pang kamalasan nung nakita kita.”

“Tumahimik ka na nga lang!”

Maya-maya naramdaman ko ng tumigil ang sasakyan tapos inalalayan akong bumaba ni Jazz. hanggang sa naramdaman kong tinanggal n’ya ang nakatakip sa mata ko pero nananatili akong nakapikit. Sa naamoy kong sariwang hangin kahit hindi ko pa nakikita parang alam ko na kung nasaan ako. unti-unti akong dumilat at hindi nga ako nagkamali sa hinala ko.

“Jazz anong ginagawa natin dito? P-paano mo nalaman ang lugar na ito?”

“Handa ka na bang sumunod sa lahat ng i-pag-uutos ko dahil hindi ka sumunod sa kasunduan natin?”

“A-anong ibig mong sabihin?”

“Binasa mo ang sulat ng wala ako.”

“I-ikaw si…”

“Ako nga ang little angel mo. na sumasagot sa lahat ng mga assignment mo. ang palaging nagpapayo sayo kapag may problema ka sa mga magulang mo at ang batang babaeng nagligtas sayo.”

H-hindi ko alam kung anong sasabihin ko. bigla na lang tumulo ang luha ko.

“P-patawarin mo ko Jazz hindi kita nakilala, nagkamali ako.” yun na lang ang sinabi ko tapos niyakap ko s’ya.

Ngayon alam ko na kung bakit parang walang maalala si Grace sa dating kami. Kasi hindi naman pala talaga s’ya yon. Malinaw na sakin ang lahat kami ni Jazz ang talagang itinadhana para sa isa’t-isa. Ngayon nandito kami sa upuan nakahiga ako sa lap n’ya. hindi ako makapaniwala para kaming pinaglaruan ng tadhana pero sa huli kami pa rin ang pinagtagpo. Sobrang dami nang nangyari saming dalawa at hindi na ako papayag na mawala pa s’ya ulit sakin.

“Jazz, tara na.”

“U-uwi na tayo?”

“Hindi.”

“San tayo pupunta?”

Mr. Pilosopo Meets Ms. Taong bundok (COMPLETED)Where stories live. Discover now