Moving with him

84.5K 2.1K 59
                                    

Chapter 6:

Alexandria's POV:

Napasinghap siya ng bahagya ng bigla siyang binuhat ni Cyn, nagulat siya kanina nung bigla itong tumigil pero mas nagulat siya sa biglang pagbuhat nito.

Grabe ang tigas ng katawan nitong nakadikit sa kanya, pati din ang matigas nitong braso na bumubuhat sa kanya, ang tigas din ng dibdib nitong dumidikit sa dibdib niya, ramdam niyang nanigas ang mga nípples niya kahit nakasuot siya ng binder, lagi niya iyong sinusuot kapag may misyon siya.

Natigilan siya.

Kaya ba siya napagkamalan nitong bakla dahil wala siyang dibdib ng panahong nagkakilala sila?

Bakit? Mukha bang lalaki ang features ng mukha niya? Napasimangot siya nakakainsulto pa rin kasi kahit naman short hair at flat ang dibdib niya, maganda siy-

"Are you well?" Biglang sabi nito dahilan para mapatalon siya, nang mag angat siya ng tingin ay nagulat siya dahil sobrang lapit na ng mukha nito, at langhap na langhap na niya ang mabangong hininga nito.

Nag init ang pisngi niya at iniwas ang tingin dito.

"Are you sure that you're fine? I just called the medics today and they're on their way here. Cyn, could you please lend me an ice pack?" Sabi ng boss niya.

"Why don't you get it yourself" supladong sabi nito sa kaibigan, kumunot ang noo niya nang tingnan niya ito ay nakatingin pa rin ito sa kanya.

"It's for Alex, I don't know where did you put those packs but since you owned this house I presumed that you know, so please"

Nagtagisan ang mga ito ng tingin.

"I'm waiting"tila inip na sabi ng boss niya.

"Fine, I'll get it"

Anong nangyayari sa mga ito? Diba magkaibigan sila?

"Possessive bastard" iiling iling nitong sabi.

Ano daw?

Tama ba siya ng narinig?

"Once the medics are here, I will ask for a whole body medical exam for you,just to make sure, are there any pain except from your back?" Tanong ng boss niya, umiling siya.

"Iyong pride ko lang" she smiled at him, masakit din naman talaga ang likod niya,  siguradong may pasa na iyon o sugat.

"You did great today" sabi nito at ginulo pa ang buhok niya.

Isang malakas na tikhim ang umagaw ng pansin nila.

"Here's the cold pack"

"Come here, Alex and let's put this pack" sabi ng boss niya, nagulat siya, at palihim itong kumindat, anong nangyayari? Hindi niya maintindihan.

"Aye, remove the jacket and roll your shirt so I will put this-"

"Cut the crap, Drustan!" Sigaw bigla ni Cyn sa kanila, nagulat ang boss niya.

Maging siya ay nagulat, tumawa lang ang boss niya habang si Cyn naman salubong ang kilay.

Umiling ang boss niya.

"It seems that you've been bitten" sabi ng boss niya, nag uumigting naman ang muscle sa panga ni Cyn.

Hala? Anong nangyayari?

"Sir? Nandito na po iyong medics" sabi ng mga kasama nila.

Hindi niya alam kung bakit parang nasa boxing tournament ang mga ito at na save by the bell ang eksena?

May ba talaga ang mga lalaki na sila lang ang nakakaintindi?

---

Alexandria's POV:

Nakangiwing inilalagay niya ang mga damit sa maleta niya, ngayong gabi daw siya ngayon lilipat sa bahay ni Cyn, nakatulala siya ngayon, hindi niya pa kasi naiisip kung paano ito iiwasan sa bahay nito, pakiramdam niya kasi pag nasa malapit ito para siyang nasusukol na hayop ng isang leon.

Napalunok siya ng maalala ang amoy ng hininga nito kanina, pasimple siyang sumulyap kanina sa lips nito, ang pink.

Parang ang sarap kagatin...

Tapos ambango pa ng hininga, naalala niyang racer ito, sigurado siyang madaming babaeng nagkakandarapa dito makuha lang ang atensyon nito.

Napapitlag siya ng makarinig ng katok sa pinto ng condo niya.

Nang tinignan niya ang monitor ay tumahip ang dibdib niya.

Anong ginagawa ni Cyn dito?

"Are you there"? Hindi niya namalayang nabuksan pala niya ang speaker, ang baba talaga ng boses nito at ang accent nito.

Brogue.

"O-oo, wait lang bubuksan ko"

Nang makapasok ito ay pakiramdam niya nasukol na siya ng isang malaking hayop na kakain sa kanya, ang laking mama kasi, parang wala lang iyong height niya.

Tumikhim siya at pasimpleng umiwas dito.

"Thank you" sabi nito, napakurap siya.

"For?"

"For saving me earlier, I didn't have that chance to say that, so... thank you, Alex" sabi nito at diretso itong nakatingin sa kanyang mga mata.

Bakit parang sa paraan ng pagsabi nito sa pangalan niya may kakaiba.

Tama ka Alex, may kakaiba, iyong imagination mo? Iyon eh.

"You're welcome" she smiled at him, tumigil ito at bahagyang umatras.

Ano kayang nangyayari dito?

Bakit bigla itong bumait?

"Let's go" sabi nito at bahagyang napatili siya ng bigla siya nitong binuhat, natutop niya ang bibig, nakakagulat naman ang lalaking ito.

"P-put me down" tutol niya, bakit ba lagi na siyang nauutal?

"No it's my responsibility to carry you since masakit pa niyang likod mo pag maglalakad ka" sabi nito, ikiniling niya paiwas ang mukha dahil sa pagkakabuhat nito ay napalapit ang mukha niya dito.

Grabe.

Iba din ang lalaking ito,gentleman din naman pala ito.

At ang lakas nito.

She felt really feminine when he's acting like this.

Lakas makababae.

Tapos ay natigilan siya.

Hala?

Kinikilig yata siya?

Ngayon lang nangyari ito sa kanya, ang mafeel niyang babae siya dahil sa isang lalaki, iyong walanghiyang ex niya wala siyang naramdaman.

Habang nasa biyahe sila ay wala silang imikan sa loob ng kotse, ramdam na ramdam niya na parang may tensyon, hindi dahil sa kanya, parang may tensyon ito sa loob loob nito.

Maingat siya nitong inilapag sa sofa nito ng makarating sila sa bahay nito.

"Do you want to see your room?"

"S-sige, pero teka, huwag mo na ak-"

Pero nabale wala iyon at muli siyang binuhat nito, pinamulahan siya ng mukha.

Iba na yata nararamdaman ko diyos ko, crush ko na yata siya.

Lihim niyang kinagat ang loob ng bibig.

Bawal sa kanila ang ma involve sa mga subject nila, pero hindi naman kasi niya maiwasang hindi magkasama crush dito, ang gwapo talaga kasi eh.

Tapos pakiramdam niya babae siyang kailangang protektahan kapag nasa paligid ito.

--

Ruthless Men: Cyn (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon