Her stalker

75.3K 1.9K 89
                                    

Chapter 20:

Alexandria's POV:

Tinanguan niya ang ibang empleyado habang papasok siya sa building, sa wakas, tapos na ang suspension niya.

Balik trabaho na siya, ibig sabihin magiging busy na siya at! Hindi na niya maiisip ang babaerong iyon.

Naismid siya sa naisip.

Magpakasawa na sana siya sa babae niya, wala na akong pakialam! Inis na sabi niya sa loob loob niya.

"O? Bakit sambakol ang mukha ng mutya namin?"

Napasimangot siya, kapag naririnig niya ang mga buska ng mga ito ay hindi niya maiwasang hindi isipin si Cyn.

"Wala kang pakialam" masungit niyang sabi dito.

Nagtawanan naman ang iba.

"Alex? Punta ka na kay Boss" sabi ng isang babaeng na hindi pamilyar sa kanya.

"Thanks" maikling sabi niya.

Nang makapasok siya ay agad niyang binati ang boss nila.

"Magaling ka na ba?" Agad na tanong ng boss niya.

"Yes Sir!"

"Good! Aye, for now hindi ka na muna binigyan ng assignment na masyadong stressful para hindi bumuka ang sugat mo, understand?" Mabilis na sabi nito.

"Opo sir" okay na din kahit paperworks para maging busy siya.

"Bibigyan kita ng bagong assignment, no guns involved here, you just need to pretend for a while na maging isang Presidente ng kompanya, taga pirma actually"

Tumango siya.

"Kelan ako mag u-umpisa sir?'

" Tomorrow "

Sabi nito as he dismissed her.

--

" 'Lex? Tara sabay sabay na tayong mag luch" yaya sa kanya ng mga kasamahan niya.

Nagtaka kung bakit napatingin sa kanya iyong babae kanina, nalaman niyang isang trainee pala ito para maging isang agent.

Napalingon siya sa paligid ng nakalabas sila sa building, para kasing may nakatingin sa kanya.

Nagkibit balikat siya, baka naman mga miron at tsismosong tao lang.

Wala din naman kasi siyang napansin na nakatingin sa paligid.

Hanggang matapos ang araw at uuwi na sana siya ng bigla siyang harangin ng mga kasama niya.

"Ang aga pa para umuwi, Alex" sabi ni Edward.

"Ano na naman 'yan?" Tanong niya.

"Celebrate naman tayo, dahil bumalik ka and for the job well done sa mission natin sa kaso ni Mr. McGregor" nakangiting sabi nito.

Nag isip siya, kailangan siguro niyang pagbigyan ang mga ito.

Pero kailangan niyang mag report bukas ng maaga para next assignment niya.

"Pwedeng i-move na lang natin? Maaga ako bukas dahil may assignment akong bago at kailangan kong magreport ng maaga bukas, sorry" paliwanag niya.

"Ah, okay lang naman sa amin since para sa'yo din naman iyong celebration" nakangiting sabi nito.

"Ah, basta libre niyo ha? Wala akong pera" pagdidiin niya.

"Ikaw talagang kuripot ka" sabi nito at ginulo pa nito ang buhok niya.

Ruthless Men: Cyn (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon