His Girlfriend

78.6K 2.5K 149
                                    

Chapter 9:

Alexandria's POV:

Naiilang na yumuko siya, kanina pa kasi ito tingin ng tingin sa kanya, nakadamit babae siya ngayon, na realized na kaya nitong babae talaga siya???

"P-pangit ba?" Tanong niya.

"Why are you wearing those?" Sabi nito at umiwas na ito ng tingin na parang sagwang sagwa sa itsura niya.

Natahimik siya.

She sighs.

Tumikhim siya.

"I need to, Cyn, or else..you'll get killed" she purposely changed her low voice into something sweet and womanly, iyon ang pinag aralan niya kanina.

Kailangan kasi para mapaniwala nila ang mga tao..

Nakita niyang napanganga ito.

"Do I look good" tanong niya sa ganoong pa ring boses at nagulat siya ng bigla itong umalis sa harap niya.

Antipatiko talaga 'tong tsonggong 'to.

"Let's go, I need to go out" pormal na pormal nitong sabi at hindi man lang ulit pinansin.

Nakarinig siya ng tikhim mula sa malapit, nakita njya ang isang lalaking nakaupo sa may sofa, mga nasa thirties ang edad nito, napatingin siya sa mata nito, hindi niya alam kung bakit parang may kakaiba dito.

"Hi! I'm Walter, I'm one of Cyn's manager" pakilala nito, mukha ito mabait pero parang may iba.

Napasimangot siya ng makitang tumingin sa kanya si Cyn.

Masagwa ba?

Lalo ba siyang naging mukhang bakla?

Pero parang imposible kasi halos lahat ng nakakakilala sa kanya ay pinupuri siya at sinasabihan siya na maganda siya.

Kainis.

Bwisit.

"Mr. Cyn? Dumating na po ba si Al-" nakita niyang natulala ang bagong dating na si Edward.

"Alex?! Grabe! Ikaw ba i-iyan?" Halos hindi ito mankadaugaga sa pagtingin sa kanya, mula sa mukha niya hanggang sa paa.

"Ang OA mo ha" nahihiyang sabi niya.

"Grabe, maganda ka na noon, wow ngayon para kang artista!" Bakas na bakas sa mukha nito ang paghanga.

"Masagwa ba?" Naiilang niyang tanong.

"Pangit ka diyan? Grabe, pwede bang maging tayo? Grabe ang ganda mo!!" Sabi nito at pinisil pa nito ang pisngi niya.

"Aray naman! Basted ka na!" Sabi niya at pinaalis ang kamay nito sa mukha niya, lalo lang nagkagulo ng dumating ang ibang kasama nila.

Hindi magkamayaw ang mga ito sa pagpuri sa kanya.

Buti pa ang mga ito, nakitang maganda siya.

Na babae siya.

Eh si Cyn?

Napasimangot siya.

--

Nang makarating sila sa race circuit ay tumingin siya sa paligid, halos konti lang ang tao pero hindi pa din siya dapat pakakasiguro.

Dahil nasa labas sila, maraming pwedeng mangyari.

"Stay here" sabi nito sa kanya.

"Wait lang, Cyn, I need to check your car" sabi niya dito, nag utos ito ng bubukas ng hood ng kotse at tinignan niya kung maayos ang brakes nito.

Ruthless Men: Cyn (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon