Girly

77.8K 2.2K 38
                                    

Chapter 8:

Alexandria's POV:

Napakunot noo siya habang nagsasalita ang boss niya sa harap niya, alas kwatro pa lang ay tumawag na ito sa kanya at pinapapunta siya nito sa opisina.

May nakita siyang kahon sa may malapit, pasimple niyang sinilip ang laman niyon...damit pambabae.

"Alex"

Bumuntong hininga siya.

"Have you seen the things inside the box?" Tanong ng boss niya.

Tumango siya.

"So you mean to say, kailangan kong magdamit babae?" Nang una niyang makita ang mga nasa kahon.

"Yes, it will be more effective as you're disguised"

"I see, I get it pero boss bakit ganito kaaga? I mean okay magdadamit babae ako and okay lang iyon sa akin, pero bakit ang aga?" Takang tanong niya, okay lang sa kanyang magdamit babae, kapag nagsisimba siya naka bestida siya eh.

"Tsk, tsk! You're very attractive woman, but you need a makeover to be an effective girlfriend" he loudly snap his fingers and two woman and a gay man suddenly went inside the room.

"Meet, Alex, ...girls? I need you to treat her, give her a spa for princess manicure, pedicure whatever..and also give her a crash course for a girly flirty girlfriend, now..begin" sabi ng boss niya.

"Teka! Boss!" Tutol niya pero lumabas na ito at iginiya siya ng mga ito sa isang upuan at naglabas ang mga ito ng mga gamit na nakikita niya sa mga spa center, at sinimulan siyang hubaran ng isang babae.

"W-wait! Teka! Sandali!" Sabi niya pero nahila na ng mga ito ang damit niya paalis sa katawan niya, nanlaki ang mata niya ng akmang aalisin ng bakla ang bra niya.

"Alisin mo iyang kamay mo o babarilin kita?" Banta niya, kahit naman bakla ito ay lalaki pa rin ito at nunca pa siyang naghubad sa harap ng isang tao, babae man o lalaki.

"Aayyyy afraid!! Pero kiberlalu Madame hindi tayo talo noh! Hala girls, umpisahan na ang body scrub" sabi naman ng bakla sa kanya, sabagay para ito sa misyon niya at-

Aysus gustong magpaganda.

Lihim niyang kinurot ang sarili.

"Ang kinis at ang puti niyo po Madame, sure po kayong bodyguard kayo?" Tanong ng babae sa kanya.

"Pag nagsawa ka na sa pagiging bodyguard, tawagan mo ako ha? Gagawin kitang model, ang ganda mo, Madame" sabi naman ng baklang nag aayos sa buhok niya.

"Kung maganda ako, bakit napagkamalan akong bakla?" Pabulong na sabi niya.

"Diyos ko, Madame! Ang shunga ng nagsabi niyan! Super! Ang cool mo, tapos ang ganda mo, sexy ka pa nga eh!" Sabi ng isang babae at hinawakan hawakan nito ang bewang niya dahil sa pagsusukat nito ng medida.

Bumuntong hininga na lang siya.

Noong isang araw pa niyang napapansin na hindi na siya kinukumusta ng binata simula noong pumasok ito sa banyo ng kwarto niya.

Tapos panay tango na lang ito sa kanya.

Bakit ba apektado siya kung ayaw siyang pansinin nito?

Bahala siya sa buhay niya.

Pero paano 'yan? Bodyguard niya ako eh.

Bwisit.

---

Cyn's POV:

He's so irritable today, he woke up early to ask..well finally ask him if he's okay now after two days na hindi niya pansinin ito.

Ruthless Men: Cyn (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon