Chapter 1: Nightmare

58 22 19
                                    

Tempest Phoebe's POV

"TEMPY!"

"AHHHHHHHH!" sigaw ko. Napahawak ako sa aking dibdib dahil sobrang hingal na hingal na ako to the point na pinapawisan na ako.

Paikotikot sa utak yung boses na yun. Sino kaya yung tumawag sakin? Familiar yung boses niya eh narinig ko na to eh! Kaboses niya yung bata na bumisita sakin sa ospital.

Kaso isang beses lang siya bumisita. Pagkatapos nun hindi ko na siya nakita ulet. Sino kaya siya?

Ilang taong ko na yun hindi napapanaginipan ah. Nagstart yun nung paglabas ka ng ospital nung naaksidente ako nung bata ako. Bale 6 years old ako nung nangyari yon and it's been 9 years since that day.

Ano kayang nangyari bago ako naaksidente?

Sa tuwing napapanaginipan ko yun, parang nararamdaman ko na may nakakalimutan akong importanteng bagay pero hindi ko alam kung ano yun.

Tumayo ako sa aking higaan tapos bumaba para kumain. Ayiiiieee First day of classes today!

"Morning anak parang napaaga ang gising mo ah. Excited ka yatang pumasok. Nga pala narinig kitang sumigaw kanina may problema ba?" tanong sa akin ni mama.

"Ah wala ma! Binangungot lang ako." sagot ko.

"Ganun ba? Sige kain ka muna oh" pagaaya sakin ni mama. Nilagyan ako sa plato ni mama ng specialty niyang chicken adobo. Wow masarap to! Kainan na!

Nang natapos akong kumain naligo na ako at nagbihis. Mahirap nang malate, especially sa first day of classes.

"Bye ma! Aalis na po ako! pagpapaalam ko kay mama.

"Ingat anak!" narinig kong sigaw niya habang papaalis ako. Awww ang sweet talaga ni mama! Kaya love na love ko eh!

Naglakad akong papuntang school namin kasi walking distance lang naman eh. Habang naglalakad ako may nakita akong lalaki na nakatulala tapos nakatayo sa gilid ng pedestrian lane. Luh! ano kayang problema ni kuya? Kulay green na yung ilaw ayaw pa tumawid.

Pinuntahan ko si kuya para iinform ko siya na pwede nang tumawid. Winave ko yung kamay ko sa mukha niya na ikinagulat naman niya. "Kuya kulay green na po yung ilaw. Uso tumawid."

Napatingin siya sakin at para bang gulat na gulat. Nakakatawa yung mukha niya eh! Di maipinta! "Ah s-sorry ma-may naalala lang ako." sabi niya at tinalikuran niya ako. Lalakad na sana siya kaso natapilok siya.

"Ano ba yan kuya! Wala naman matatapilukan dito eh pero natapilok ka. Kuya ok ka lang?" tanong ko sakanya. Humarap siya sakin at guess what umiiyak siya!? Hala wala naman akong ginawang masama eh.

"Sorry kuya niloloko lang naman kita eh. Wag ka na umiyak kuya. Sayang ka pogi ka pa naman papanget ka." pagpapatahan ko sakanya.

Napansin ko na kapareho yung uniform niya sa mga lalaki samin. Siguro schoolmate ko siya sa magiging school ko. Matanong nga.

"Kuya nagiischool ka ba sa *** University? " tumingin siya sakin habang pinupunasan ang kanyang mga mata saka tumango.

"Gusto mo sabay na tayo?" tumango siya at naglakad. Aba! Ang bilis maglakad ni kuya kala mo siya ang nagayang makisabay.

Lakad. Lakad. Lakad. Lakad.

Ang tahimik naman ni kuya. Kausapin ko nga. "Kuya anong pangalan mo?" tanong ko sakanya. Napatigil siya pero nagpatuloy siyang maglakad.

"Charles Evan Ramos" mahinang sabi niya habang naglalakad pa din.

"Ilan taon ka na?"

"15" wow same kami!

The One - cmpltdWhere stories live. Discover now