Chapter 4: The day of the field trip

29 20 14
                                    

Chapter 4: The day of the field trip

Maaga pa lang, andito na kami. Unti-unting dumadating ang iba at parami nang parami na kami. Si Tempy, Elijah at Catrina andito na rin. Ilang oras din bago kami nakaalis.

Pumasok na kami sa bus namin at inassign na kanyang kanyang upuan. Then pagkatapos daw ng bus, ibaba kami sa daungan kung saan nandun yung barkong sasakyan namin papunta sa isla.

Magkalinya kami ng upuan ni Elijah na katabi naman si Catrina tapos ako naman katabi ko si Tempy. Syempre nirequest ko eh.

Masayang naguusap sina Elijah at Catrina at ako naman ay nakasandal sa upuan at nakatingin sa bintana habang si Tempy kain lang nang kain. Naramdaman ko na lang na may nakasandal na pala sa aking balikat. Napatingin naman ako nang nakita kong natutulog si Tempy ng mahimbing. Pinabayaan ko na lang siya at humarap na ulit ako sa bintana.

Ang rutang tinahak namin ay mabundok at pakurba, kaya naman ang iba ay nahihilo na. Malayo-layo din kasi iyon. Napansin kong dumidilim ang langit na parang uulan. Pero wala naman sinabi sa balita na masama ang panahon ngayon eh. I guess hindi lahat ng sinasabi totoo.

Nakita ko na lang na may biglang tumatagaktak na tubig, umuulan na pala at mukha itong malakas. Nagreklamo naman yung mga kaklase kong reklamador na kala mo ay hindi inuulan.

Pababa na kami sa bundok at palakas naman nang palakas ang ulan, to the point na hindi na masyadong nakikita yung dinadaanan namin. Kinabahan na kami.

Nung pababa na kami, dahil nga maulan, hindi masyadong nakita ng driver na pakurba ang daan kaya naman napadiresto ito ito dahilan na mahulog ang bus sa isang bangin.

Gumulong gulong ang bus pababa sa bangin at hindi mapigilan ang pagtilapon ng mga ibang sakay sa bus. Nagsigawan ang aking mga kaklase at humawak sa ano mang kaya nilang mahawakan at naramdaman kong umiiyak si Tempy.

Niyakap ko siya para hindi makaramdam siya ng seguridad sa piling ko. Nagulat naman siya pero wala siyang nagawa kundi yakapin na lang niya ako.

"Proprotektahan kita." bulong ko sakanya at humigpit ang yakap niya sa akin. Humawak ako sa makabilang harap at likod ko para mapigilan ang pagsama namin sa paggulong ng bus. Nagtanggalan ang ibang bahagi ng bus na ikinatakot namin.

Tumigil ang paggulong at kalahati na lang ang nakakatayo pa ng tuwid. Ang iba ay duguan na dahil sa mga bagay na tumama sa kanila. Nakita ko si Elijah at Catrina na ligtas. Biglang may malakas na boses na tumawag sa amin.

"Lahat ng nakakatayo pa at maaring mabuhay pa ay lumabas na maaring sumabog na ang bus." Sigaw ni Ma'am Dolar habang nilalabas sa bus ang mga duguan habang kami naman na nakatayo pa ay dali dali nang lumabas pinauna ko na ang iba pati si Tempy.

Nginitian ko si Tempy at sumunod ako sa kanya dahil pwedeng may mahulog pa na debris ng bus habang kami ay lumalabas.

Sa hindi inaasan, mababagsakan na sana si Tempy ng isang nabasag na bintana, Tumakbo ako sa kanya at niyakap ko siya.

Bigla na lang ako nakaramdam ng sakit sa bandang kaliwa ng likod ko. Napadapa na lang ako dahil hindi ko na kaya yung sakit. Nakita ko na lang na andami na palang dugo ang tumutulo.

Tumingin si Tempy sa akin at nagulat siya. Bigla na lang may luha na tumulo sa mata niya. "Charles!" Paulit ulit niya sinisigaw sa akin. Pilit niya ako binubuhat papaalabas sa bus at tinulungan naman siya ng iba. "Charles wag mo kaming iwan." Sigaw sakin ni Elijah habang papaiyak na siya.

Nailabas nila ako ngunit hindi pa din nila natatanggal yung bubog na bumaon sa likuran ko. "Charles bakit mo ginawa iyon!" Sigaw niya sa akin pero hindi ko na siya sinagot. "Dapat ako na lang!" Sigaw niya. Ayoko naman na mawala ulit siya sa akin.

Nginitian ko na lang siya. "I'm sorry Tempy." Nagulat naman siya sa tawag ko sa kanya. Siguro naalala na niya ako? Hinila ko siya at niyakap. Ito na yata yung last na mahahawakan ko siya. Hinawakan ko yung mukha niya at hinalikan siya.

Bigla na lang lumabo ang paningin ko at humina ang pakakarinig sa iyak ni Tempy at Elijah. Narinig ko yung ingay ng ambyulansya. Ipinkit ko na ang mata ko sa sobrang pagod.

Kung hindi ko man siya naligtas noon, naligtas ko naman siya ngayon. Sapat na ito para maging masaya ako.

___________________________________________

Don't forget to leave vote and comments! Thank you in advance!

The One - cmpltdWhere stories live. Discover now